Pagkatapos ng lahat-lahat na nangyari sa pagitan nilang dalawa ay tila nagbago na ang pakikitungo nila sa isa't isa. Napansin ni Devon na tahimik na rin sa wakas ang kanyang buhay... dahil bihira lang sila magusap ni Sam. Lagi kasi nitong kasama sila Robi o sila Aaron sa set. Suprisingly, she found life boring pag walang nang-aasar sa kanya.
Out of nowhere ay biglang bumulaga si Enrique sa dressing room niya. Si Enrique ay isa sa close friends niya sa showbizness. At mas naging matibay ang pagkakaibigan nila dahil na rin lagi silang magkasama sa mga projects, lalo na sa movie nila ni Sam ngayon.
ENRIQUE: Devz, hindi ka pa ba tapos mag-ayos? (tanong niya sabay tingin sa stylist na nag-aayos sa kaibigan. Nagblush naman ang stylist nang ngitian siya nito)
DEVON: Wag mo nga kami istorbohin ni ate. Kailangan maganda ako mamaya sa premiere!
ENRIQUE: Maganda ka na! Kahit walang make-up! Kaya halika na! (halata dito ang pagkaatat umalis... sobra kasing sabik mapanuod ang sarili niya sa big screen)
DEVON: At bakit ka ba andito? Asan si Sam? (naglaho ang ngiti ni Devon nang magtanong na siya about Sam)
ENRIQUE: Loko nga yun eh. Kanina pa pala siya nasa van hindi siya nagsasabi. Pinapasundo ka nga niya sa akin eh! Ang bagal mo daw!
Biglang nalungkot si Devon at naconclude sa sarili na may nagbago na nga kay Sam. Kasi dati pagmatagal siyang magpaayos ay ito pa ang pumupunta para sunduin siya at asarin. Pero ngayon hindi sila naguusap at si Enrique pa ang pinakiusapan niyang puntahan siya.
DEVON: Mas magandan nang maging mabagal kaysa sa maging isnabero! (seryosong sabi niya. At nahalata naman ni Quen na para kay Sam ang last word na iyon)
Napapansin na rin nila Enrique, Aaron at Robi ang pagiging mailap ni Sam kay Devon. Hindi pa niya naitatanong sa kaibigan kung bakit ito ganoon towards sa ka-love team pero later pag may oportunity ay itatanong na niya kay Sam.
After 30 minutes ay natapos na rin sa make-up and hair preparations si Devon. Namangha naman si Enrique nang lumabas na ang dalaga. Hindi siya naka-gown pero mistulang princesa ito mula sa fairy tales. With her red mini dress and stilleto heels, napaka nakaw tingin ito.
ENRIQUE: Wow! Ang ganda mo talaga Devz...
DEVON: Thanks! (nahihiyang sabi nito)
ENRIQUE: Kung makita ka lang ni Sam panigurado tameme sa iyo yun!
Biglaan namang nag-iba ang timpla ng mukha ni Devon. Hindi nalang siya nagsalita at sumama na kay Enrique patungo sa van na naghihintay sa labas. Pagbukas ng pintuan ay nakita nilang nakatulog na si Sam sa paghihintay. Tahimik na tumabi si Devon sa kanya habang si Enrique naman ay umupo sa harapan.
Nang umandar na ang kotse ay biglang nagising si Sam. Nung una ay hindi niya napansin si Devon kaya laking gulat niya na katabi na pala niya ito. Hindi niya maintindihan ang nadama... sobrang ganda kasi ni Devon eh. All of a sudden, bumilis ang heart beat niya, nanunuyot ang lalamunan at hindi maalis ang titig sa dalaga. Nabalik lang siya sa huwisyo nang magsalita na si Devon.
DEVON: Anong tinitingin-tingin mo dyan? (cold nitong tanong)
Hindi mapakali si Sam. Hindi kasi niya alam kung paano ipagtatanggol ang sarili. He was caught red handed by Devon. Nakakahiya kayang aminin na tumutitig siya dito kaya naman:
SAM: Ayoko ng look mo ngayon! (seryoso nitong sabi) Hindi appropriate sa age natin. Devon, wholesome ang image natin masyadong maiksi at revealing yan!
Kumulo naman ang dugo ni Devon sa mga narinig. Feeling prinsesa kasi siya ngayon, pero Sam took it away from her just by saying some hurtful words. Sasagot sana siya pero hindi siya binigyan ng chance ni Enrique.
ENRIQUE: Denial king ka talaga, Sam. Ang ganda ganda nga ni Devon eh... ngayong magkatabi kayo sobrang compatible talaga kayong tingnan.
Nagiba nanaman ang mood sa loob ng van thanks to Enrique. Tumahimik na rin ito dahil ayaw talagang makipag-usap ng dalawa. Nakarating na rin sila sa venue at gulat na gulat sila Sam at Devon dahil punong-puno ang mall ng fans nila, mula taas hangang baba. Ang iba ay nagsitilian habang may mga iba naman ang napapaiyak dahil sa sobrang tuwa.
Napagtanto tuloy ni Devon ang biglaang kasikatan nila ni Sam ngayon. Masaya siya dahil maraming sumusuporta kahit na marami ding haters... at super blessed siya kasi out of all the women sa fashion show noon ay siya ang nakita. Wala siguro siya ngayon, sa rurok ng tagumpay. All throughout the film ay magkatabi sila Sam at Devon, nagpapaka-sweet sa isa’t isa dahil maraming nakatingin at maraming camera ang nakapaligid sa kanila. Pero sa likod ng mga ngiti at harutan nila ay nag-kakapikunan na pala ang dalawa.
After ng premiere ay nagpaunlak sila ng mga short interviews at nang matapos ang mga ito ay sabay na pumunta ang dalawa sa party na inilaan ng crew para sa success ng movie. Maraming press ang andun, kumpleto ang casts at crews and andun din ang GV barkada nila to support them.
Nainis si Sam dahil kakapasok pa lang nila sa venue ay agad lumapit si Ivan sa kanila, at onvious naman na si Devon lang ang gustong kausapin nito.
IVAN: Hey Dude! (maikli nitong bati kay Sam. Pagkatapos ay itinuon na niya ang pansin kay Devon) Devz, You're so pretty!
DEVON: Ngayon lang, but thanks anyway (nahihiya nitong tugon)
IVAN: Anong ngayon lang? You grow even more beautiful by the days! (matuloy ito sa pagkokompliment)
Maganda ang aura between Ivan and Devon, yung parang sila lang ang tao sa mundo. Mawala na ang lahat basta magkasama lang sila. Kilig na kilig si Devon dahil ang full attention talaga ni Ivan ay asa kanya. Pero nasira ang magandang ambiance nang magsalita na si Sam.
SAM: Dude, do you mind? Mamaya na lang kayo magusap, we have errands to attend to (seryoso nitong sinabi na ikinagulat nila Ivan at Devon. Before pa makasagot si Ivan ay hinila na palayo ni Sam si Devon)
DEVON: (Hindi makapaniwala si Devon) Bastos ka ba? Bakit mo sinabi yun kay Ivan?
SAM: Siya ang bastos. Kita naman niyang may mga kumukuha ng pictures natin tapos lalapit siya! Hindi kayo ang love team Devon... tayo ang love team! (pinipilit ni Sam na wag sumigaw para na rin hindi sila mahalata but in the situation they're in hindi niya mapigilang magbitiw ng mga salitang alam niyang ikakagalit ni Devon)
DEVON: Ang sama mo talaga! All he did was talk to a friend! Pinansin ka naman niya ah! (sumisigaw na si Devon dahil sa sobrang galit)
SAM: Masama na kung masama! Gawin mo na kung anong gusto mong gawin basta wag mong ipahalata ang pagiging fake natin!
Nasaktan si Devon sa mga pinagsasabi ni Sam. May nagbago na talaga... hindi na 'to ang dati nilang mga away... mukhang sobrang seryoso kasi si Sam at ngayon lang niya nakita itong ganito. Hinawakan siya ni Sam sa kamay na napakahigpit at sinimulang bumati sa iba pang mga bisita. Kahit anong pagkukubli ng poker face niya ay masama pa rin ang loob ni Devon. Nahihiya siya kay Ivan sa mga inasal ni Sam towards him.
Makalipas ang ilang minuto ay naghiwalay na rin sila ni Sam at biglang lumapit sila Kazel, Chikara at Heidi sa kanya.
KAZEL: DEVZ! (nakakabingi ang tili nito) Congratulations sa movie! sobrang ganda!
CHIKARA: You were awesome back there! May swagger talaga!
DEVON: Thanks Guys!
HEIDI: Okay ka lang? Parang wala ka sa mood! (napansin nito ang walang buhay na pagsasalita ni Devon)
DEVON: Pagod lang! Ang hectic kasi ng sched eh! (pagsisinungaling nito)
KAZEL: Ayy naku work ka lang ng work! Sama ka samin ni Chikara, magpapa-spa kami tomorrow! (hyper nitong paganyaya, nagulat naman si Chikara sa sinabi ni Kazel)
CHIKARA: Kasama ako? Ayoko nga!
Natawa si Devon sa reaction ni Chikara... at sa unang pagkakataon ay nakalimutan niya na rin si Sam. For a second lang yun... dahil;
CHIKARA: Asan nga pala si Sam?
Asar na asar si Devon dahil narinig nanaman niya ang pangalan ni Sam. At without him knowing na nakasira na pala siya ng mood ay nagpatuloy parin si Chikara.
CHIKARA: Kinilig talaga ako sa kissing scene niyo! Hindi ata ako makakatulog sa sobrang kilig!
Napuno na talaga si Devon dahil nang marinig niya ulit ang pangalan ni Sam ay biglaan itong tumayo na ikinagulat nila Kazel, Chikara at Heidi.
HEIDI: Where are you going?
Bago pa siya makasagot ay natahimik ang lahat dahil lumapit si Ivan sa grupo nila. Nginitian nito si Devon at hiningi ang kamay nito para sumayaw. Kinikilig naman si Heidi para sa kaibigan dahil alam nitong crush na crush ni Devon si Ivan.
Meanwhile, si Sam naman ay kasama nila Enrique, Aaron at ni Robi nang may mapuna si Aaron.
AARON: Si Devon ba yun with Ivan? (sabay turo sa malayo)
Sabay-sabay silang lumingon at nakita sila Devon mula sa malayo. Sumikip ang dibdib ni Sam at nakaramdam siya ng galit.
ROBI: Bagay din sila ah. Infairness! (nang mapansin ang masamang tingin ni Sam sa kanya ay agad-agad itong nagsalita) No harm intended bro!
ENRIQUE: Hindi mo rin naman masisisi si Ivan eh... sobrang ganda naman talaga ni Devon. Kung hindi ko lang talaga best friend itong si Sam, kami na siguro ni Devz (pagbibiro nito)
SAM: Edi sayo na! She's not mine! (sabay inom ng wine)
AARON: May nahahalata ako sa iyo these days! Parang iba ka na! Simula nang halikan mo si Devon...
ROBI: Halikan? Hinalikan mo siya off screen? Bakit hindi ko alam to? (gulat na gulat si Robi)
Hindi na pinansin ng iba si Robi... habang ito naman ay kulit ng kulit sa kanila para ikwento ang mga nangyari. Subalit, biglang nawala sa dance floor sila Devon at Ivan. Tinatanaw ni Sam sila Ivan sa mga tables pero wala. Masama ang kutob niya kaya agad-agad itong umalis nang hindi man lang nagpapaalam.
ENRIQUE: Unti-unti na atang natatamaan si Sam! (at nagbuntong hininga ito)
................................................................
DEVON: Sorry talaga sa mga sinabi ni Sam sa iyo kanina! (sinabi niya habang naglalakad silang dalawa ni Ivan sa garden)
IVAN: Okay lang yun! Someone just woke up at the wrong side of the bed! (sabay tawa)
DEVON: Nakakahiya talaga! Ewan ko kung bakit ganun si Sam! (maluungkot si Devon kaya naman huminto sila sa paglalakad at hinarap siya ni Ivan)
IVAN: Let's not talk about him anymore. Let's talk about us!
Parang naubusan ng oxygen si Devon sa mga sinabi ni Ivan. Us? May ganun? Is this it? Narealize na kaya ni Ivan na may feelings din siya kay Devon? Kabadong-kabado siya! Super!
DEVON: Us?
Feeling niya nasa heaven na siya nang halikan siya sa pisngi ni Ivan. It was so gentle... close to perfect pero... all of a sudden she saw Ivan lying on the floor. May sumuntok dito!
SAM: I warned you Ivan! (nang-gigigil nitong sabi)
a/n: nalagpasan ko na rin ang sixth curse ko! kasi tuwing ika-sixth chapter na ako ng iba kong ffs ay nawawalan na ako ng interes at hindi ko na tinutuloy... pero proud to be samvon ako kaya naconquer ko ang curse!:))
awww... ganda ng story mo eh...
ReplyDeleteexcited na tuloy ako.... :)