Friday, April 6, 2012

Chapter 16


Devon’s POV

Nanalo ako! I won! Well actually… the two of us won, Sam and I. Best Couple of the Night! Hahaha… I can’t believe na-carry ng beauty ko to. Talbog ang iba sa kakaibang charisma namin ni Sam, nagyabang na noh! Wahhhh!!! Eto na ang moment ko eh, ipagkakait ko pa ba sa sarili ko ang kaonting kayabangan sa aking katawan.
Speech ko na. Ano kayang sasabihin ko? Umm… okay may naisip na ako… ‘well first of all, PANIS KAYO! WAHHH!!! THOSE COUPLES OUT THERE, BETTER LUCK NEXT TIME GUYS! ALAM KO NAMANG MATATALO KO RIN KAYO ERICH & JULIA! MAMATAY KAYO SA INGGIT! CAUSE WE WON! WOOOHHH!!! TO ALL MY HATERS, MANIGAS KAYO DIYAN WHILE I STAY PRETTIER!’ ~okay na ba yun? Hahaha >:D I’m so mean… pero thank God hindi yan ang lumabas sa aking bibig…
“Thanks po sobra! Wow! Parang nanalo lang ng Oscars!” DEVON’S SPEECH ~ pheww! Right after kong magsalita ay umatras ako to give way to Sam habang I stay close to where he is.
“ Guys, alam kong para nang akong sirang plaka nito pero I’ll say it anyway… Thanks sa support sa loveteam namin ni Devon. Pero Guys… gusto ko nang maiba eh!”
What? Ayaw na niya sa akin?
“Ayaw ko nang maging loveteam… gusto ko nang maging boyfriend!” Shit! Sorry for cussing pero… OH MY GOD!
May pahabol pa ata tong gwapong toh “ Guys! Announcement lang! I’m officially courting Devon kaya dun sa mga nagbabalak na manligaw… wag na kayong umasa.

I heard Sam shout while pointing to whomever he may lay his eyes on and he turned his head and gave me a wink. WHAT THE!? Matagal bago nag-sink in sa akin ang mga binitawan niyang mga salita. Hinayupak! Nakakahiya pero… itatanggi ko pa ba? NAKAKAKILIG!!! SAM WAG MONG GAWIN SA AKIN TOH!!!
Nabalik ako sa ulirat sa pamamagitan ng mga hiyawan sa loob ng hall... para silang mga baliw na nakawala sa hawla! Hahaha! The girls were screaming while yung mga guys katulad nila Luis and John Lloyd, nagtatalunan. Nakakatuwa! Grbe lang makareact eh! Daig pa ako sa kilig! Don’t get me wrong ah! Kinikilig din ako noh, ikaw ba naman gawan ng ganun. Pero nangibabaw sa akin ang hiya.
Dali-dali akong lumapit kay Sam at siniko siya, “Ano ba? Nakakahiya!” weh!!! Pero kinikilig ka naman!
“Wag ka nang mahiya… liligawan na nga kita eh! Hayaan mo na sila” Masaya niyang sambit.
“Liligawan na nga? Bkt ako ba pumilit sayong ligawan mo ako?” asar kong sumbat sa kanya. Lokong toh ah! Ako pa ngayon ang nagpilit!
“I stand corrected! Liligawan naman na kita eh kaya wag ka nang mahiya! Pag tayong dalawa naman napaka walang hiya mo”
“ANG SAMA MO TALAGA!” sabay palo. Signature move ko! >J He winced in pain after that. Wahaha!! Sadista toh eh… ako pa ginalit niya.
Hinablot niya ulit yung mike and said, “Guys! Nahihiya si Devon! Wag kayong ganyan! Walang asaran ah!  ~pause~ Wehh!! Cge asarin niyo lang siya habang pinapakilig ko para mapa-OO!” SHOCKS! Ang sarap patayin nito sa harap ng maraming tao! Grrr!
“KISS! KISS! KISS!” nagsigawan na sila. Hala Nakoo! Wag kayong ganyan guys! Wag ngayon when my heartbeat is so fast… baka matunaw na ako dito sa sobrang kilig! Nagulat naman ako nang tingnan ako ni Sam and after that, nakaslow motion na ang kasunod na mga eksena sa aking utak… (mabilis itong ginawa ni Sam pero sa paningin ni Devon ay napaka bagal) He placed his two hands sa magkabilang cheeks ko and slowly came closer and closer until maglapat ang kanyang labi sa aking pisngi.
Oh! My! God! Is this really happening? Baka naman nananaginip ulit ako? Or nagiimagine nanaman? Sh*t! Someone pinch me!
Pagka-angat ng ulo niya ay naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking tenga, “I like you, Devon. Wag mong isipin na ginagawa ko lang to para mang-asar o pagtripan ka. Seryoso ako! I want to always be by your side, kiss you without even asking for permission and call you mine”
At ano pa bang ineexpect niyong gawin ko kundi matameme sa kanyang kagwapuhan. Sapat na para tunawin ng mukha niya ang akin puso, ano pa kaya yung titigan niya ako at halikan? Noooo!!! I think I’m turning into jelly! At chaka ung mga pinagsasabi niya… hindi corny eh! Hindi ako nacocornyhan… kinikilig pa nga ako eh! OH MY SAM! I LOVE YOU TOO!
**************
Every morning is not the same anymore after Sam declared that he would be courting me. Tuwing gumigising ako, no matter where or no matter what time ako namulat mula sa pagkakahimbing… laging may puting rosas na nakatabi sa akin. Nung una akala ko yung J.R pa rin ung nagpapadala. Pero nagulat ako nang sinabi ni mommy na pumunta daw si Sam noong madaling araw para iwan lang iyon.

Syempre naman noh kinilig ang lola niyo to the highest level! Sobrang effort naman ni Sam! Kinacareer na! hahaha… Oh goodness!!! Naku baka mapa-oo nalang ako pagnagkita na ulit kami. At take note lagi siyang nagiiwan ng cards. Yung iba sweet pero minsan natatamaan nanaman siya ng kakulitan at ako’y inaasar ulit.

Ang tagal na nga naming hindi nagkikita eh! Mag-iisang lingo na nga eh! Imbyerna noh! Kasi naman kung kelan nagclimax na ang love story namin dun pa nagvacation ang staffs ng GV from shooting at syempre break din muna kami from work kaya hindi pa nagkikita.
Nakakayamot nga dito sa Cebu eh! Umuwi kami para bisitahin ang mga kamaganak namin dito. Ewan ko na nga kung anong nangyari dun sa usapang Palawan eh! Yan lang ang hindi maganda sa pinaguusapang trip… kasi pag pinlano hindi natutuloy. Nasa beach kami ngayon at bad trip ako kasi ngayon lang ako walang roses from Sam. Kasi naman madaling araw yung flight namin so hindi na siya nakapunta sa bahay… Sad noh! I know right…. Sad na sad ako ngayon L
“Devz! Halika kain na tayo bago lumamig tong mga pagkaing pinaluto ng lola mo!” sigaw ni mommy mula sa cottage.
“Papunta na po diyan!” ganti kong sigaw sa kanya. Bwiset! Ganda ng moment ko dito sa dalampasigan eh… pero gutom na rin ako. Hehe!!!

Pagkatapos kumain ay naligo na ako kasama ang aking mga pinsan, after nun kain kami ulit… then balik sa tubig. Hahaha! Kulit lang eh! Ayy nakoo baka paguwi ko sa Manila may sakit na ako sa tiyan. Ganoon ang takbo ng buong araw para sa akin. Masaya naman pero syempre namimiss ko sila Linn at Heidi… lalo na si Sam. Naalala ko tuloy yung sabi ni Sarah Geronimo kay John Lloyd Cruz sa You Changed My Life… wag daw masyadong ispoil ni John Lloyd si Sarah kasi baka hanap-hanapin niya yung mga ginagawang kakiligan.

Naman oh! Dapat hindi ako spinoil ni Sam! Yan tuloy hinahanap-hanap ko na.
It’s already 1:15 am and I’m still awake. Nagbabasa kasi ako nung bagong book ni Paulo Coelho eh, balak kong tapusin sa isang araw lang pero parang napakaimposible kasi wala pa ako sa kalahati. Namamaga na ang aking mga mata kaya sinara ko na ang libro at piƱata na ang ilaw para makatulog na.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko sa nightstand. Hinayaan ko lang siya kasi akala ko  text lang pero nagpatuloy ang pagvivibrate at nang tingnan ko ay tumatawag si Sam. OH shit!!! OH… biglang bumilis ung tibok nang puso ko sa pangalan ppalang niya… sasagutin ko ba? Syempre noh! Namiss ko ata toh pero hindi ko naman ipahahalata. Ako pa!

“Hello?”

“Gising ka pa?” Nakoo… sasagot ba ako kung tulog na ako aber? Wala pala tong common sense eh! Pero kahot ganun mahal ko pa rin toh J

“Hindi… hindi… tulog na ako. Zzzzzz”

“Hahaha… Uyy hinihintay mo ba akong tumawag?” Oo! Kanina pa ako naghihintay.

“Hindi noh! Bakit naman ako maghihintay? Hindi nga kita naalala kung hindi ka lang tumawag eh!” ayy nakoo napakasinungaling ko talaga. Super liar!

“Sus… I know you… pustahan wala kang ibang inisip today maliban sa akin. Tama ako noh?” ang kulit!

“Hindi nga! At bakit ka ba tumawag?”

“Sorry ah… kasi something came up kaya hindi ako nakasama diyan paki sabi na lang kay tita”

What? Dapat sasama siya dito? Ininvite siya ni mama?

“Si mama talaga oh! Mabuti naman something came up kaya hindi ka na nakasama” lintik na bagay nay un! Bakit sa lahat-lahat pa ng araw, ngayon pa?

“Owss… pero actually malungkot ka. Hahaha. Kasi sinamahan ko si Coleen dahil nagpasama eh! May inasikaso lang kami” nasaktan naman ako dun. Kasama niya si Coleen buong araw? So hanggang ngayon mas importante pa rin si Coleen kesa sa akin? Ang sakit! Shit ka babae ka! Urggg!!! Pag uwi ko sa Manila itago mo na yang buhok mo from me kasi baka makalbo ka sa akin!

“Ah…”

“Ang saya nga namin kanina eh! Ang tagal ko na siyang hindi nakakabonding so very refreshing na makasama ulit siya. Kumain kami sa Korean resto sa libis… grbe sobrang sarap!” Wag mo nang ikwento pa! Nasasaktan mo lang ako Sam! Hindi ko na kailangang malaman kung anong nangyari sa date niyong dalawa.

“Ah…”

“Bumili rin kami ng friendship ring… it might sound gay pero cool naman eh! Hahaha… tapos I bought…” Hindi ko na siya pinagpatuloy magsalita kasi napupuno na ako eh. Just the mention of her name naaasar na ako… mas lalo na kung manggagaling sa bibig niya. Urghhh…

“Pwede bang tumigil ka na? Ayaw kong marinig! Lalalalalalala” naririnig ko siya from the other line na nagpipilit magexplain pero hindi ako nakinig… napahinto lang ako sa pag’lalala’ nang sumigaw siya.

“BINILHAN KITA NG SINGSING!”

“what?”

“Dapat after ka na makabalik dito ay sasabihin ko na pero nagseselos ka yata kay Coleen kaya yan sinabi ko na” naiinis niyang sabi?

Ako naman natameme lang. KINIKILIG obviously! “tlga?” sbe ko.

“Oo… hinatak niya ako dun sa store at nagpabili siya sa akin ng friendship rings so yun napabili ako. Then may nakita akong napacute na ring tapos naalala kita kaya binili ko sayo… yung sa Korean resto naman ako nagyaya sa kanya dun kahit na hindi niya masyadong gusto kasi naalala din kita. Alam ko naman kasi how much you love Korean foods kaya naisipan kong itry para dun kita dadalhin…”

Natahimik naman ako! So lahat yun ginawa niya para sa akin? Awww… Sam nakakatouch ka na! Slowwly but surely pinapatunayan mong mahal mo talaga ako. Shit!!! Gusto kong sumigaw dito sa sobrang kilig pero baka marinig nila mama eh… pati na rin ni Sam.

“BAKIT MO SINABI?”

“Eh ikaw kasi eh pinagseselosan si Coleen. Nagpanic ako na baka magalir ka sa akin kaya sinabi ko na”

“Yan tuloy alam ko na lahat ng pinaplano mo! Kaasar ka naman Sam eh! Giveaway ka talaga! Paano na yan? Paano na ang first date natin?”

“Oo… umo-oo na ako sa alok mong magdate tayo! Devz… alaka ko ba ako ang manliligaw pero bakit ikaw ang nagaayang makipagdate?” Sira ulo ba siya!!!

“Sira ulo ka ba? Kelan naman ako nagyaya ng date?”

“Nagaalala ka kasi sa first date natin eh!” mukhang natutuwa pa siya sa lagay na toh!

“eh sabi mo kasi dadalhin mo ako dun pag nagdate na tayo!”

“Ms. Seron wala akong sinabing date ah! Sabi ko lang dadalhin kita dun with the barkada… uiiiii!!!!! Kung ano anong iniisip!!! Hahaha” Oh shocks! Namali ata ako ng rinig. Bingi na kasi ako sahilsa earphones eh! CURSE YOU EARPHONES!

“Whatever… sya sya matutulog na ako… bye” bago ko pa madisconnect yung call ay humirit pa siya.

“Wait! Babawi nalang ako pagbalik mo dito pero for now eto na muna ang maibibigay ko sa iyo… wag mong ibababa ah…” then bigla siyang nawala. Naghello ako pero wala na. Ano to? Nangaasar nanaman?

Then biglang…
‘when you smile, everything’s in place
I’ve waited so long, can make no mistake
I can’t be scared, got to make a move

While we’re young, come away with me
Keep me close and don’t let go

Inch by inch we’re moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart this is the moment
I’m moving closer to you
I’m moving closer to you’

Pinatuloy niya ang pagkanta. Ang ganda talaga ng boses niya pero as much as gusto ko pa iyon marinig ay inabutan na ako ng antok. Isa lang ang naisip ko before I fall to sleep… ‘may panibago na akong favorite song…’


I’m really sorry for making my readers wait… yung mga bubbles dyan sorry tlga! Babawi talaga ako! Ngayon na nagbabasa na rin ako sa wattpad mas nagiging knowledgeable ako about writing, Nagsisisi ako for making you guys wait. Tapos sad din ako dahil patapos na ang ABA! Aww… how I wish hindi puchu puchu ung tabing ilog rumor. Kasi I love Devon talaga eh!! Hahaha love love Bubbles…

Wednesday, February 8, 2012

Crazy, Stupid Love 15

credits to the photo owners:)) ENJOY!


Sam's POV


The song was perfect from the rhythm up to the lyrics. This really is a magical moment. For me and for her. She turned her head to face me and I want to tell her she just made a wrong move. But I decided soon after to seal her lips with mine as the song nears its finish. I guess I'll love her for a thousand years. Then she closed her eyes.


The instant the song ended, I was surprised that she didn't pushed me away. Normally kasi pag bigla-bigla ko siyang hinahalikan ay tinutulak niya ako papalayo at lagi akong hinahampas o kung hindi naman ay susuntukin. I really felt through her reactions na kahit onti, if there is some, naramdaman din niya ang MAGIC na naramdaman ko. Lumipas ang ilang minuto pero wala paring nagsalita sa pagitan namin, all we did was stare at each other. It was like may electric current coming out of our eyes. Nakakaba but at the same time nakakakilig.


"Sorry Devz... I couldn't control myself! When I saw you here, I got the inclination to come over and kiss you. Pipigilin ko sana pero... your smiles undid me" hindi na ako nagpakatorpe... I'm proud of myself for being honest. There's no point in hiding my feelings for her anymore.


"Umm..." that was all she could say. Umiwas siya ng tingin at finocus nalang niya ang attention sa kanyang nilalamig na kamay. 


When I noticed that she's being awkward and cold ay hinawakan ko ang kamay niya to warm it up. And it drew a blush from her face. IT'S NOW OR NEVER! GO SAM! KAYA MO YAN! BE A MAN!


"Kahit na palagi mo akong sinisigawan... iniisnab... at sinasaktan, honestly I've never been happier in my life nang ginagawa mo sa akin lahat ng mga iyon. Kasi alam ko sa sarili ko na nakukuha ko ang attenion mo. Pag andyan ka, inspired ako. At pag wala ka naman, sobrang lugmok ako. Mahirap na nga sa loob ang kimkimin lahat ng ito kaya sasabihin ko na... Devon Mae Natividad Seron, will you go out with me?"


Kinakabahan ako hindi dahil sa mga salitang binitawan ko kung hindi ay sa nakakabinging katahimikan. Kelan kaya siya magsasalita? I'm dying here...


"Umm... sige labas tayo! Go out diba sabi mo? Halika labas tayo ng hotel!" she jokingly said. WHAT THE! Nang-aasar ba siya o umiiwas lang? THE HELL! I never expected this reaction.


"Ehhh!! Alam mo namang hindi yun ang ibig kong sabihin... ang ganda-ganda na nga ng speech ko pero you ruined the moment!" asar kong sinabi but she just laughed at me. "Ano ba Devon? Seryoso ako sa sinabi ko kanina... hindi kita pinagtritripan! Lahat nun totoo! I like you!" 


"Sige, nagtatapatan na din tayo kaya may icoconfess na rin ako sayo! I feel the same way"


Kung alam lang niya kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko... she feels the same way? "So... gusto mo din ako?" I nervously asked.


"Uhhh--huum" she nodded. At nung mga oras na iyon ay para akong baliw sa tuwa... I hugged her so tightly taking the breath out of her. So this means?


"So this means tayo na?"


Then a frown crossed her face, "Sorry Mr. Concepcion! Pero I don't do that 'so tayo na' thing. Ako'y isang dalagang pilipina kaya I wouldn't settle for that. Kailangan mo munang manligaw before maging tayo" she said. 


"Yun lang ba? With all my heart... sige! Liligawan kita then maging tayo na?"


She crossed her arms in front of her, she likes to torment me so much! But that's what I like about her... "Kung mapapa-oo mo ako!" she beamed a smile at me. "Galingan mo ah!" she can't stop laughing sa mga pinagsasabi niya at sa reaction ko.


Girls talaga... maraming demand! She started to walk away at humabol ako and held her hand. Pero she swatted mine away.


"Ano ba? Nanliligaw ka pa nga lang tapos hawak na agad sa kamay! Tayo na ba? Hindi pa di ba. Kaya lumayo ka ng ilang metro" she laughed again while walking completely out of the rink until she vanishes from my sight.


"This is gonna be hell..."


................................................................................................................................................................


"Congrats Bro! Finally nasabi mo na rin... I'm so happy for you" Quen gleefully said. Umaga na at tumila na ang bagyo, nasa may balcony kami nang kinuwento ko lahat-lahat ng nangyari sa amin ni Devon.


"Now na nahimasmasan na ako... naasar ako!"


"Bakit? Nagsisisi ka na?" nalilito niyang tanong.


"Hindi ako nagsisisi about yung kay Devon. Naaasar ako kasi ngayon ko lang narealize na ang corny lahat ng pinagsasabi ko kagabi. Nawala yung words na lagi kong pinagpapractisan sa salamin! ASAR!" I placed my hand on top of my head and held it like I'm going crazy.


"Sus... akala ko naman nagbago na  ang feelings mo agad. Alam mo pag nandun na talaga ang isang tao sa  situation na yun mawawala talaga lahat ng pinagpraktisan niya. Kasi nakakalimutan mo na ang lahat besides the two of you. Kaya bro, normal lang yan. I bet nagustuhan ni Devon yang pagka-corny mo... corny din kasi yun eh" natatawang sabi ng kaibigan ko. Kahit papaano ay nakatulong ang mga sinabi ni Quen sa akin. Thanks Bro!


"Hey guys! We have to go now! Hahabol pa kayo sa SMB" narinig naming lahat ang road manager na sumigaw. Oo nga pala, all I could think about was Devon kaya nakalimutan kong mamayang gabi na pala ang Star Magic Ball. Ako wala akong problema sa oras na natitira... konting make-up lang and ayos sa damit then go na go na ako. Pero ewan ko lang sa girls. Natawa naman ako nang magpanic sila Linn, Heidi at ang cute na cute na si Devon.


"You have 5 minutes before dumating ang sundo natin!"


"I thought all roads are flooded?" Ivan asked. Naku kung hindi lang siya nagtanong, hindi ko maaalala na andyan pala siya.


"That's true. Kaya nagpahatid ng helicopter ang management" nashock kaming lahat... kahit nga yung mga girls na abalang-abala kanina ay napahinto.


"Ehhh!!! Ang cool naman! Mahal na mahal talaga tayo ng management!" tumatalon sa tuwa si Quen. Kasi nalungkot kami kagabi bago kami matulog dahila ang alam namin ay hindi kami makakapunta sa ball. Good thing umaliwalas ang panahon. After a minute or so ay bumalik na ulit ang mga girls sa kanilang frantic packing.


"Mabuti pa kami nila Sam at Ivan... wala problema! Ang kakalat niyo kasi eh!" pangaasar ni Quen na hindi naman pinansin ng mga girls.


Naconcern naman ako kay Devon dahil hanap siya ng hanap ng kung alin-alin kaya naman I decided to help. "Anong maitutulong ko?"


"Paki kuha nung lotion at conditioner sa banyo, then pakihanap na rin yung heels ko..." she didn't even look up at me dahil sa sobrang busy.


"Sam pakihanap din nung bracelet ko!" sigaw ni Heidi. 


"'Pati na rin yung pink earphones ko!" pahabol ni Linn. ANO AKO ALILA NIYO!? Nagtanong lang ako kay Devon tapos bigla namang dagdag tong dalawang to. Hindi na ako nakipag-away dahil dagdag pogi points na rin to kay Devz. Kailangan nang magipon ng pogi points, after all I'm courting her! 


................................................................................................................................................................


                                     a/n: How I imagine Devz' dress:)) hahaha credits to the owner
                                           
"W.O.W!" yun ang nasabi ko nang makita ko si Devon in her gown sa kanyang room sa Manila Peninsula. Ang ganda talaga niya! She wore her hair in a long curly mess and the gown... shit! Bagay na bagay talaga!


"Yun lang? Wow lang?" naasar na sabi niya sa akin.


"Ang ganda mo Devz... mabuti pala nang dark purple din ako. Now bagay na bagay na talaga tayo" I smiled at her. "Uhh... here! Roses for you" at inabot ko ang isang malaking bouquet ng bulaklak.






She was speechless. "Wow! Ang cool! Purple roses! Ang ganda! Thanks Sam!"


"Nakadagdag ba ng pogi points?" I decided to make a joke para naman mas mapatawa ko pa si Devon. And I didn't fail kasi napahalakhak siya sa tawa. 


"Hmm... pwede na!" she faked a mataray look which is bagay pa din sa kanya. Kahit anong gawin niya maganda pa rin siya sa paningin ko.


"Ayiieee!!! Ang sweet ng SAMVON!" panunukso ng mga tao sa loob ng kwarto. I forgot na andun pa pala ang mga bula. We took some photos together and signed some autographs. After half an hour, we're ready to PARTY!


It was our turn to walk down the read carpet and I felt Devon tighten her hand on my arm. Kinakabahan ba siya?


"Nervous?"


"I never got used to it" she laughs. How cute!


"Basta hawak ka lang, hindi kita pababayaan!" then I winked at her. We walked as some photographers took photos and reporters started to ask some questions. After that ay nakahinga na rin kami ng maluwang ni Devon.


"Grabe! Nakakasilaw, nakakabingi, nakakakaba!" she imitated Chikara whenever pagot ito sa practice. Minsan kasi si Chikara O.A! Hahahaa... natawa ako kay Devon! CUTE!


"Let's go! Gusto na kitang masayaw!" masisisi niyo ba ako? Impatient eh! hahaha... sa ganda ba naman ng partner ko, gugustuhin kong buong gabi kaming sasayaw.


For the duration of the party, hindi ako humihiwalay sa kanya. We go greet our friends together. Mahirap na noh! Baka may pumorma pa! Ang possessive ko talaga, hindi ko pa naman siya girlfriend! Well, malapit na! SOON!


Then lumapit sa amin si Mr. M na may kasamang lalaki sa likod niya. He doesn't look familiar pero napansin kong siya ang tingin ng tingin kay Devon kanina pa.


"Sam! Devon! I want to introduce to you our new Star Magic investor... Mr. Reid!" Mr. M said.


That Reid guy just gave me a nod and didn't bother to accept my handshake. But he did gave Devon a huge smile and a hug. What the! Naku, masama ang kutob ko dito. After our short greeting ay umalis na sila ni Mr. M to greet other guests but I didn't ignore the small smirk forming on his face.


"Kilala mo ba siya?" I asked Devon.


"Hindi nga eh! pero familiar siya!" she got confused as well. "Ui Sam halika na! Iaannounce na nila ang best dressed at best couple! Bilis" agad niya akong hinatak papalayo sa crowd at papalapit sa table namin. Ang saya ko! Magkahawak ang kamay namin! Okay lang ito... siya naman ang unang humawak eh! Hahaha...


"Okay guys... are you having fun?" sigaw ni Bianca at sumigaw naman ng "Yeah" ang lahat. "Are you excited to know who's the best dressed and best couple for the night?!" she shouted again and the crowd repeated a "Yeah"


"So hindi na namin patatagalin pa... the best dressed for the evening are... PAULO AVELINO AND ANNE CURTIS!" sigaw ni John. And nagpalakpakan naman ang lahat. Deserving nga ang dalawa... ang ganda nga ni Anne ngayon pero mas nakakabighani si Devon.


"And sa best couple naman... naku John mahirap to! Ang raming couples for the evening eh! Mahirap makapagdecide!"


"Well! Baka tayo manalo diyan so let's see... the best couple... SAM AND DEVON!" sigaw ng dalawang hosts. Nagulat naman kami ni Devon nang marinig namin na kami pala ang best couple. First time! Kinongratulated kami nila Quen at ng iba pa naming mga kaibigan. Inalalayan ko si Devz sa pagpunta sa may gitna...


"Thanks po sobra! Wow! Parang nanalo lang ng Oscars!" Devon gleefully said.


Now it's my turn... "Guys, alam kong para nang akong sirang plaka nito pero I'll say it anyway... Thanks sa support sa Loveteam namin ni Devon. Pero guys... gusto ko nang maiba eh!" alam kong nagulat ang lahat sa sinabi ko, pati na rin si Devon.




 "Ayaw ko nang maging loveteam... gusto ko nang maging boyfriend!" at nagreact naman ang lahat sa sobrang kilig. Pati nga ako kinikilig na rin sa mga pinag-gagawa ko. "Guys! Announcement lang! I'm officially courting Devon kaya dun sa mga nagbabalak na manligaw... wag na kayong umasa" natawa naman ang lahat pero nakatuon ang tingin ko sa isang lalaki. He wasn't laughing! And he gave me a stare. Mr. Reid, hanggang pangarap ka lang!



















Friday, January 20, 2012

Crazy, Stupid Love (14)

SAM'S POV


Did you ever encountered a moment in your life where you want to murder a person so much? Like stab him senseless with a fork? Or push him off a cliff? Well, if you haven't... you're such a kind human being. Because right now, there's nothing more to me than killing Ivan with my bare hands. As I watch him talking to My Girl, the blood in my veins is boiling... and my fist hungry for a fight. He knows about my true feelings towards Devon but I guess he's really challenging my patience... he's not doing what I had told him a while ago. Back off, Ivan! You pathetic brat!


Then I heard someone behind me... it's a girl's voice and a very familiar one. I turned around to look at her and wasn't surprised to see Linn,


"You know, walang magagawa yang pagmamaktol mo! Kahit gaano katagal ka tumingin ng masama kay Ivan lamang na lamang pa rin siya sayo" she said. Nasaktan naman ako sa sinabi niya. I know... she doesn't need to rub it in noh!


"What are you talking about?" Of course I know what she's talking about... I just don't want to give it away.


"You know what I'm talking about!" Is she reading my mind? "I know you already fell in love with my best friend" she said. I didn't made any attempts to lie to her because she's so serious. At baka she can help me get what I want.


"How did you know?"


"Ano ka ba? Halata kaya! Lalo na kanina sa practice! I'm much smarter than them kaya ako unang nakahalata" she said with pride. Akala mo ikaw ang una... Quen had beaten you. Pero I wouldn't tell her that pa... baka magalit at magbago pa ang isip niya.


"I just hate him so much" I said as I watched them. All of a sudden, I felt my heart drop when Ivan placed his arm around Devon's shoulder. Bwiset! I'm gonna punch him na! Magka-issue na, wala akong pake. Basta maturuan lang ng leksyon yang si brat na don't ever touch what's mine.


"Wait! Ano ka ba? Anong gagawin mo? Sasaktan mo nanaman siya? Di ka talaga nagiisip noh! Sige, go! Suntukin mo si Ivan, tingnan natin kung kanino kakampi si Devon" As much as possible, I don't want to listen to her. But she has a point.


"What do you want me to do? Just watch as he touches and hugs Devon? Hindi ako emotionless kagaya ng iniisip mo" I blurted out. Aalis na sana ako subalit bigla siyang nagsalita.


"Di ba you want to get rid of Ivan?" I was shocked. Yung tono ng pagsasalita niya ay bigla-biglang nagbago and I couldn't hide my doubt sa kanya. But I said yes anyways. "I'll help you!" she plainly said.


"Why are you so bluntly offering me your help? Why are you doing this?" I'm so confused. There's definitely something inside that head of hers that I couldn't read. She's so suspicious.


"There's nothing wrong with wanting to see my best friend happy" she smiled. Kahit na hindi buo ang tiwala ko sa kanya ay I can't afford to lose this opportunity. This is the only way.


"Okay! So what are your suggestions?"


"Confess" What? Is she out of her mind? Ako? aamin? No way in hell! "I know ayaw mo! But paano kung gusto ka rin niya... naisip mo ba yun?" she really is a mind-reader. Very creepy.


She has a point. And I hate it when she's right. Kasi may possibility talaga na magkagusto sa akin si Devon. Sa gwapo kong ito at makisig kong pangangatawan... imposibleng hindi siya mainlove! hahaha.. Ang yabang ko nanaman!


"If you need my help, I'm just a text away" then she left. I was so busy pondering about what she said na I didn't realize na wala na pala sila Ivan at Devon. Shit! Asan na sila? I searched all over the venue pero they were nowhere to be found. I asked their friends pero they haven't seen Devon pa daw. Where the hell did he take her?


End of Sam's POV
............................................................


Devon's POV


"Where are you taking me, Bes?" I asked Ivan who was covering my eyes. A while ago, hinila niya ako papalayo because may ipapakita daw siya sa akin. Naglakad pa kami for a little longer then we stopped.


"Okay... andito na tayo bes! Open your eyes" he removed his hand frommy face and I did as he said. I opened my eyes. Then my heart just fluttered....




"WOW! Bes, ang ganda naman dito!" abot tenga ang ngiti ko. All the weights that i was carrying were suddenly lifted away from me. At naramdaman kong mas gumaan ang pakiramdam ko. My bes really knows how to make me so happy.


"Alam mo, kanina when I was roaming around.... i was helplessly thinking about you. I felt troubled because of you! Then I saw this! I'm having these feelings that are very inappropriate for our friendship and I don't want to be selfish. But I can't control it anymore... you know how much I love you..." I cut him off because I had the feeling kung anong sasabihin niya sa akin. And I don't want to hear it.


"Of course, Bes kita kaya I love you too" nginitian ko na lang siya pero nagiging awkward na rin ako sa situation namin ngayon. I didn't know how my feelings changed towards him. Dati more than friends ang tingin ko sa kanya, but because of Sam...


"No Devz! Hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo! Please... Be my girl!"


If  dati pa niya sinabi sa akin to, with this fantastic view behind us... siguro I had jumped from the ground and hugged him so tightly. And I would say yes. But iba na ngayon! I don't want to hurt him pero walang choice.
"I'm sorry, Ivan!" tears started to fall down my eyes. And I just couldn't bare to see his eyes so watery. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra... pero hindi ko pwedeng ipilit ang hindi ko na gusto.


"Si Sam ba?" he angrily asked me. And I just nodded. "Huh! He doesn't even care about you! But still... you have feelings for him? He doesn't deserve even an ounce of affection, Devz!" 


My brain dictates that he's right. Sa lahat ng panahon lagi akong inaaway ni Sam, lagi kaming nagtatalo, lagi kaming hindi okay. Pero dikta ng puso ko ay iba. Hindi nawawala ang pag-asang pareho kami ng nararamdaman ni Sam. How I wish the one standing before me is not Ivan kundi si Sam. Sana...


"He cares about me, Ivan! Hindi lang niya pinanapakita..." I tried to defend Sam.


"Stop fooling yourself, Devz! WALA SIYANG PAKIALAM SAYO!" he lost all control at dahil sa galit niya ay nasambit niya ang mga salita na nagawa pa niyang isigaw sa mukha ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Iiyak ba ako, matatakot o magagalit? This is the first time na nakita kong ganito si Ivan... at hindi mapagkakaila na nakakatakot na ako sa kanya. Tila nahimasmasan na siya at niyakap ako... "I'm so sorry Devz" But I still broke down into tears.


"What's happening here?" Napalingon ako when I recognized HIS voice. "Anong ginawa mo sa kanya?" his expression was very dark, galit na galit.


End of Devon's POV


.............................


Sam's POV


I've been searching for her for a long time now. Asan ba kasi siya? Awhile ago nakita daw siya with Ivan, sabi ng ilang staffs sa set. Hindi man lang naisip ni Devon na baka may mabuong rumors sa basta-bata niyang pagsama sa brat na yun. Pero wala na akong pakialam kung magspeculate man sila.... the only important thing right now is to find Devon. When the trees cleared sa aking dinadaanan, I spotted them. Nag-init ang dugo ko kasi mukha silang lovers. Magkayakap sila? What the hell!


"What's happening here?" Napalingon sila when they recognized my voice and tinulak ni Devon si Ivan papalayo. "Anong ginawa mo sa kanya?" I am so angry. I walked right up to them and grabbed Devon's hand. I looked at Ivan with a messed up face. Grabe! Galit na galit ako kaya naman siguro mukha akong ewan. Hindi daw kasi bagay sa akin magalit... at ako yung tipong laging nakangiti. Whenever I'm with this guy lang naman ako nagkakaganito. Akmang susuntukin ko na siya when Linn's words popped inside my head. So instead of continuing, nagsalita na lang ako.


"Di ba sabi ko sayo to back off! Bakit ba ang kulit-kulit mo?" I told him only inches away from his face. When Devon heard my furious tone ay she tugged my polo shirt. Kaya I looked at her. But wrong move Sam!!! Mas lalong bumaga ang galit ko. She was crying! "What did you do to her? Bakit umiiyak si Devon?" I cursed under my breath.


"It's none of your business, Sam. It's between me and Devon" matapang na sinabi ni Ivan. The hell! It is my business din noh! You just made my GIRL cry, tapos sasabihin mo sa akin it's none of my business? Ang kapal ng mukha mo!


"How dare you..." I clutched my fist and was ready to punch him but Devon pulled me to face her.


"Please Sam! Wag mong sasaktan si Ivan... Umm... Umiiyak ako kasi natouch ako dahil pinakita niya sa akin tong magandang view na toh! Hindi niya ako pinaiyak! So please wag ka na magalit" she begged. All of a sudden, naliwanagan ang utak ko. I calmed myself and smiled at her.


"Akala ko naman kung anong ginawa niya sayo! And oa mo talaga! Nakita mo lang to naiyak ka na" then I pinched her cheeks. I don't know if she's lying or not but I just brushed off my doubts. Then I grabbed her hand and left Ivan there. 


As we were walking back to the set, hindi ko maiwasang mapansin ang katahimikan at ang malalim na pag-iisip ni Devon. Something was wrong!


.................


Two hours after matapos ang ASAP everyone was on their way to go back to Manila. Everyone was rushing to go home because bukas na ang Star Magic Ball. Of course, it was an event to prepare for. But nagpahuli ang group namin because inenjoy pa namin ang delicious foods dito sa Pampanga. But sa kasamaang palad ay inabutan kami ng malakas na bagyo and we had to stop and take shelter sa isang hotel. Isa itong modernized hotel na tinatanaw ang mga bundok at ang magandang dagat. 


"Guys! Isang room nalang ang available dito so magshashare nalang tayo sa kwarto. Okay lang ba?" tanong ng aming kasamang road manager.


"Para namang may choice kami, Ate!" pagbibiro ni Quen. Pero hindi naman kami natawa. Parang ewan lang!


"Do you mean we have to share rooms with the guys? Hindi ba pwedeng dito nalang sila sa lobby?" maarteng nagtanong si Heidi. Nababaliw na ba siya? Ang isang Sam Concepcion? Matutulog sa lobby? Umasa kayo!


"That's a good suggestion though!" nagulat akong sabi ng aming road manager.


"WHAT? Seryoso ka Ate?" sabay kaming nagsalita ni Quen. At seryoso namang tumingin sa amin sila Devon. Diyos ko! Pag-ininsist niya na dito kami matutulog, maglalatag na agad ako! Hahaha.. Basta para sa kanya handa akong gawin ang lahat.


"Hindi naman siguro panget ang ideya na yan!" I lied. Nagpapasikat lang kay Devon para dagdag pogi points. Though sobra na akong pogi, syempre dapat makita din niya na may gintong puso din naman ako.


"Naka-drugs ka ba, Sam? Akala ko we're all in this together! Hindi pala!" napaka-OA talaga nitong si Quen. Hindi talaga marunong magbasa ng mood. Syempre ayaw ko din noh... pero para kay Baby Devz gagawin ko.


"Tama na yan guys! Nagbibiro lang kami noh! Pero kung gusto mo talaga Sam edi gawin mo! Sige magpahinga na kayo... I'll figure out a way to return to Manila first thing in the morning" the road manager said. At then we went up to our room and was astonished to see it... for an average hotel it's not half as bad. I expected less pero I guess I was wrong.



Quen, Heidi, Linn and I ran inside the room and jumped on the beds. Immediately claiming one bed as ours. But Devon and Ivan just stood there. I looked at them and I could feel the awkwardness between them. Usually kasi very lively si Devz pero ngayon very quiet siya.


"Devz! Dito tayo. Mas malaki yung kama!" Heidi grabbed Devon away from Ivan. I should thanks her later for doing that! Hahaha...


"So ano nang gagawin natin? Matutulog na ba tayo? Kasi sobrang aga pa, 6:00 palang" I asked. Oo, ang aga aga pa pero sa pag sumilip ka sa bintana aakalain mong gabi na. Ang lakas pa ng bagyo. But will this stop us? Hell no!


"Let's see..." Kinuha ni Linn ang brochure from the night stand and scanned it. "Wow! Ang sosyal naman dito! May hot spring sila sa lower ground and a private pool"


"So... mga bro swimming tayo!" nilagay ni Quen and kanyang dalawang braso sa leeg namin ni Ivan. 


"Tinatamad ako! Dito nalang ako" I lay on our bed.


"Your'e no fun, bro! Halika Ivan let's swim" Quen grabbed him and they disappeared. Soon after, the girls left to try the hot spring. I was expecting na magpapaiwan si Devon pero nadisappoint ako. Before I knew it nakaiglip na pala ako. I just woke up when my phone vibrated. Sino nanamang nangiiistorbo sa akin? Ganda na ng panaginip ko eh!


"Hello?" I cursed under my breath.


"Sam? Bakit ngayon ka lang sumagot? Kanina pa kaya ako tumatawag!" Linn scolded me. Bakit ba siya tumatawag sa akin?


"Anong kailangan mo?" 


"May nalaman ako... and you wouldn't like it... Si Ivan, he already confessed!" bigla akong nagising at napaupo.


"WHAT? Confess to Devon?" I couldn't believe it. "When? Where?" I'm getting more anxious.


"Kani-kanina lang daw" So kaya pala umiiyak si Devon. I was right! There's something wrong with the two of them kaya very awkward sila kanina. I disconnected the call and stood up. I feel very bad. Naunahan pa ako ni Ivan!


"SHIT!" I left the room and started to walk. I don't know where I am going but hinayaan ko na lang ang aking paa na i-lead ako kung saan man. Naaasar ako! Nahihirapan na ako! Hindi ko ata makakaya kung maging sila ni Ivan. Hindi makakayanan ng puso ko. 


Then I found myself inside a skating rink and there was someone in the center. I could recognize her; her straight hair that smells like honey, the way she stood which reminds me of a model's stance and her graceful movements that reminds me of a tree swaying with the wind. 
I walked right up to her and I was overwhelmed when she smiled at me. God, that smile! It makes my heart beat tremendously.


"Sam!" she sounds happy to see me. "Bakit ka andito?" I'm here to be with you.


"I want to see you" I uttered. I was locked by her stare. She's so incredible. It's as if she's looking straight through my soul. Then there was a song.


"Oh! Nirequest ko kasi magseskate ako eh!" she laughed.


"Anong song to?" Bakit parang first time kong narinig tong song na to?


"A Thousand Years by Christina Perri! Ang ganda diba?" then she started to hum along with the song. 


'I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
for a thousand years
I'll love you for a thousand more'


The song was perfect. From the rhythm up to the lyrics. This is really a magical moment. For me and for her. She turned her head to face me and I want to tell her she just made a wrong move. But I decided soon after to seal her lips with mine as the song nears its finish. I guess I'll love her for a thousand years. Then she closed her eyes.