Madaling araw palang ay bumangon na si Devon sa kanyang kama at naghanda na para sa ASAP ROCKS na gaganapin sa Pampanga. Ang call time ay 4 a.m nang madaling araw kaya naman 2 a.m palang ay nagaayos na siya. Pagdating niya sa ABSCBN building ay aakalaing may sunog o anu mang holdapan dahil sa sobrang taranta at rami ng mga tao. Hindi na siya nag-atubiling pumasok pa sa building dahil mahihilo lang siya sa kakabalik-panaog ng mga tao. Lahat ng Stars ng ASAP ay present na at inaayos na lang ang mga gamit for the trip. Naguguluhang naglalakad si Devon nang maspottan niya sa may garden sila Linn. Kumaway ito sa kaibigan at sinenyas na lalapit na siya. Subalit… pumasok sa eksena si Sam na noo’y umiinom ng coke malapit sa kinapaparuonan ng kanyang mga kaibigan. Bigla tuloy humigpit ang dibdib niya, hindi makahinga at hindi makagalaw.
Tahimik na umiinom si Sam nang may maramdaman siyang nakatingin sa kanya. Bago pa niya maconfirm kung meron ngang tumititig ay bigla na lang siya ninerbyos. Kung pagtutuonan lang siguro ng mga tao ang tibok ng puso niya ay tiyak maririnig ng buong ABS. After maybe a whole eternity para sa kanya, ay sinulyapan na niya kung totoo nga ang hinala. At laking gulat niya nang makita niya si Devon. She was the first person na nakita niya… at hindi niya alam kung paano iinterpret ang nakita. Nagulat nalang siyang nang magkatitigan sila ng sandali ay dali-dali nalang umalis ang dalaga.
LINN: Oh! Bakit pulang-pula ka? Nasampal ka ba? (pagbibirong tanong ng kaibigan)
DEVON: Hindi! Siguro nilalamig lang ako! (pageexcuse nito)
Lubos-lubos ang pasasalamat niya dahil hindi nakita ni Linn ang small encounter nila ni Sam. Kundi titiisin niya ang ‘knowing looks’ nito the whole trip. Habang nagtatawanan ang mga kaibigan ay hindi niya mapigilan sumilip kung andoon pa ang ka-loveteam. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot dahil umalis na ito. Ibig sabihin yun lang ang moment nila this day! Kasi ang alam niya ay sa magkaiba silang van sasakay. Kasama ni Sam ang Gigger Boys habang kasama naman niya ng GV crew. Sad and disappointing nga kasi hindi nila kasama si Sam.
Mga around 5 a.m ay naayos na ang lahat ng mga gamit at ready na ang lahat na mag-road trip. Katabi ng driver ang isang road manager ng ASAP habang magkatabi naman sila Ivan at Devon sa second row, the rest ay nasa likuran na. Papaandarin na sana ang van nang may binatang kumatok sa bintana ng road manager. At sa ilang saglit ay binuksan ni Sam ang pinto. Nagkatitigan sila ng sandali then nagsalita na ito,
SAM: I just got thrown out of the van!
QUEN: Dude, thank god dito ka na! We feared na baka mamiss ka nitong si Devon! (panunukso nito)
Matapos bitawan ni Quen ang mga sinabi niya ay tumingin nang may meaning si Sam kay Devon. Tila nagsasabing tama nga ang sinabi ni Quen. Natameme nalang si Devon sa sobrang katotohanan. Pumasok na si Sam sa loob at bago pa man umurong si Ivan papalapit kay Devon ay inunahan na niya ito. Sobrang naasar naman si Ivan sa nangyari. Buong akala niya kasi ay masosolo niya ang bestfriend pero nagkamali pala siya.
Nasa NLEX na sila nang abutan nila ang sunrise. Manghang-mangha sila sa sobrang kagandahan ng tanawin. Para nga silang mga turista dahil kuha ng kuha ng mga pictures. Sabay-sabay silang nagkantahan at nagsayawan nang magpatugtog si Quen sa kanyang iPad. At sabay-sabay din silang nanahimik nang makaramdam ng antok. From the road manager hanggang kay Heidi ay tulog na except for Sam and especially yung driver noh! Busying busy kasi si Sam sa kakalaro ng Fruits Slice! At nang mapagod ay nagprepare na itong matulog na din. Subalit may nakakuha ng kanyang atensyon.
SAM: Mapicturan nga kayong lahat! Magugulat na lang kayo nasa twitter na ito! (masayng pagpaplano nito)
Sinimulan niya kela Linn hanggang kay Ivan pero nang turn na ni Devon ay napatigil siya half-way. There was something na naka-apekto sa puso niya. Iba ang nararamdaman niya ngayon sa past na feelings niya whenever she’s with him. Hindi ito yung typical na ‘the heart skips a beat’. Ibang-iba! Napangiti nalang siya dahil sa sobrang ganda at nakaka-gaan na mukha ni Devon. Perfect n asana ang moment kung hindi lang sana sa tumulong laway ng dalaga. Pinipigilang humalakhak ni Sam sa kanyang nasaksihan. Hindi niya akalain na ngayon pa ito maglalaway.
SAM: Siguro you’re dreaming of me! (mahina niyang sambit habang may napakalaking ngiti sa mukha)
Napansin din niyang namumula na ang ilong nito sa sobrang lamig kaya naman hinubad niya ang kannyang hoodie at ipinatong sa dalaga. Inunbotton niya ang long sleeves ng kanyang purple na polo at pinangpunas sa bibig ni Devon.
Baku-bako na ang daanan kaya naman yugyog ng yugyog ang van. Muntik na mabagok ang ulo ni Devon sa salamin pero mabuting mabilis ang reflexes ni Sam at sinandal nalang niya ang ulo nito sa kanyang balikat. Inakala ni Devon na unan ang katabi niya kaya naman comportableng pumusisyon at kumapit sa brasi ito. He froze sa nangyari! Para silang magboyfriend sa ganoong scenario. Cherishing the moment ay pinakiramdaman nalang niya ito at pumikit para matulog. Lingid sa kanyang kaalaman, ay kilig na kilig namang nanunuod ang driver ng van.
DRIVER: Si Sr. Sam talaga hindi maalis ang ngiti! Ang swet!
After an hour and a half ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon subalit tulog pa rin ang lahat. Biglang binuksan ang pintuan at pinaalalahanan sila.
STAFF: Guys, gising na kayo! Marami pang kailangang gawin! (at umalis na ito agad)
Nagising agad ang lahat pwera lang kela Sam at Devon. Unang nakapuna ay si Heidi na nakaupo sa likod ng dalawa.
HEIDI: Ang sweet naman nilang dalawa! (at nakuha nito ang buong atensyon ng mga tao including Ivan)
ROAD MANAGER: Wait guys! Wag kayo maingay! (kinuha ang camera at nagtake ng photo ng dalawa) Mapost nga sa twitter… pasalubong para sa mga SamVons.
At galit na lumabas si Ivan.
ROAD MANAGER: Nu nangyari dun? Bad mood?
LINN: You better not know anything!
Bumaba si Manong driver para jumingle pero nabagsak niya ng hindi sinasadya ang pintuan kaya nagising ang dalawa. Napabuntong-hininga nalang ang lahat dahil nasira ang perfect moment ng dalawa. Alam kasi nila ang mangyayari pag naging aware ang dalawa sa kanilang situation.
SAM: Asan na tayo? (inaantok pa rin nitong tanong)
DEVON: Ang sarap ng tulog ko! (mas lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap)
Pero laking gulat ni Devon to find herself hugging Sam’s arm. Kaya tinulak niya ito papalayo.
SAM: Ano ba? Bakit mo ako tinulak? Nakabukas kaya yung pintuan paano kaya kung nahulog ako! (sigaw nito)
DEVON: Edi mabuti! Para mabawas-bawasan naman yang kapangitan mo!
Iisa lang ang nasa isip nila Quen, Linn, Heidi at ng road manager… ‘Here we go again!’ Kaya walang gana silang lumabas at iniwan ang dalawa para icontinue ang kanilang lovers' quarrel.
SAM: Bakit basa itong polo ko? Ano to? (nagtatakang tanong nito kay Devon nang maramdamang basa ang bandang balikat niya) Sh…t! Laway mo to? Nakakadiri!
DEVON: Hindi ah! Baka sayo yan!
SAM: Anu yun pagilid ang tulo ng laway ko?
DEVON: Ewan ko sayo! (sabay iwan kay Sam)
Naiwang nakaupo ang binata sa loob ng van at napaisip. Masaya siya dahil nag-away nanaman sila ni Devon. Hindi naman sa war freak siya pero alam niyang okay sila pag nag-aaway. Gulo noh! And that's one of the reasons why he fell in love with her... she's simple and honest. Nahinto ang pagiisip niya nang may tumawag sa kanya mula sa labas,
LUIS: Balbon, labas ka na nga diyan! Tinatamad ka nanaman ah! Gusto mong isumbong kita sa management! (pananakot nito, napalabas tuloy ng bigla si Sam) Effective talaga ang aking mga threats! (masyadong napabilib sa sarili si Luis)
SAM: Ui hindi ah! Lumabas ako dahil masakit na sa pwet! (pageexcuse nito pero sa totoo ay natakot nga siya sa sinabi ni Luis)
LUIS: By the way, hindi ka ba magpapasalamat sa akin?
SAM: Bakit naman?
LUIS: Because if it wasn't for me crashing sa van niyo hindi ka malilipat dito! (sabay kindat)
Narecall naman ni Sam ang nangyari. Napahawak tuloy siya sa balikat na may bakas ni Devon.
SAM: Thanks Luis... (then umalis na with a big smile on his face)
To be continued....
(bawi tayo guys... bukas magpopost ako ng chapter 13, PROMISE:))