Sunday, August 14, 2011

Crazy, Stupid Love (6)

Pagkatapos ng lahat-lahat na nangyari sa pagitan nilang dalawa ay tila nagbago na ang pakikitungo nila sa isa't isa. Napansin ni Devon na tahimik na rin sa wakas ang kanyang buhay... dahil bihira lang sila magusap ni Sam. Lagi kasi nitong kasama sila Robi o sila Aaron sa set. Suprisingly, she found life boring pag walang nang-aasar sa kanya. 

Out of nowhere ay biglang bumulaga si Enrique sa dressing room niya. Si Enrique ay isa sa close friends niya sa showbizness. At mas naging matibay ang pagkakaibigan nila dahil na rin lagi silang magkasama sa mga projects, lalo na sa movie nila ni Sam ngayon.

ENRIQUE: Devz, hindi ka pa ba tapos mag-ayos? (tanong niya sabay tingin sa stylist na nag-aayos sa kaibigan. Nagblush naman ang stylist nang ngitian siya nito)

DEVON: Wag mo nga kami istorbohin ni ate. Kailangan maganda ako mamaya sa premiere!

ENRIQUE: Maganda ka na! Kahit walang make-up! Kaya halika na! (halata dito ang pagkaatat umalis... sobra kasing sabik mapanuod ang sarili niya sa big screen)

DEVON: At bakit ka ba andito? Asan si Sam? (naglaho ang ngiti ni Devon nang magtanong na siya about Sam)

ENRIQUE: Loko nga yun eh. Kanina pa pala siya nasa van hindi siya nagsasabi. Pinapasundo ka nga niya sa akin eh! Ang bagal mo daw!

Biglang nalungkot si Devon at naconclude sa sarili na may nagbago na nga kay Sam. Kasi dati pagmatagal siyang magpaayos ay ito pa ang pumupunta para sunduin siya at asarin. Pero ngayon hindi sila naguusap at si Enrique pa ang pinakiusapan niyang  puntahan siya.

DEVON: Mas magandan nang maging mabagal kaysa sa maging isnabero! (seryosong sabi niya. At nahalata naman ni Quen na para kay Sam ang last word na iyon)

Napapansin na rin nila Enrique, Aaron at Robi ang pagiging mailap ni Sam kay Devon. Hindi pa niya naitatanong sa kaibigan kung bakit ito ganoon towards sa ka-love team pero later pag may oportunity ay itatanong na niya kay Sam.

After 30 minutes ay natapos na rin sa make-up and hair preparations si Devon. Namangha naman si Enrique nang lumabas na ang dalaga. Hindi siya naka-gown pero mistulang princesa ito mula sa fairy tales. With her red mini dress and stilleto heels, napaka nakaw tingin ito.

ENRIQUE: Wow! Ang ganda mo talaga Devz...

DEVON: Thanks! (nahihiyang sabi nito)

ENRIQUE: Kung makita ka lang ni Sam panigurado tameme sa iyo yun!

Biglaan namang nag-iba ang timpla ng mukha ni Devon. Hindi nalang siya nagsalita at sumama na kay Enrique patungo sa van na naghihintay sa labas. Pagbukas ng pintuan ay nakita nilang nakatulog na si Sam sa paghihintay. Tahimik na tumabi si Devon sa kanya habang si Enrique naman ay umupo sa harapan.

Nang umandar na ang kotse ay biglang nagising si Sam. Nung una ay hindi niya napansin si Devon kaya laking gulat niya na katabi na pala niya ito. Hindi niya maintindihan ang nadama... sobrang ganda kasi ni Devon eh. All of a sudden, bumilis ang heart beat niya, nanunuyot ang lalamunan at hindi maalis ang titig sa dalaga. Nabalik lang siya sa huwisyo nang magsalita na si Devon.

DEVON: Anong tinitingin-tingin mo dyan? (cold nitong tanong)

Hindi mapakali si Sam. Hindi kasi niya alam kung paano ipagtatanggol ang sarili. He was caught red handed by Devon. Nakakahiya kayang aminin na tumutitig siya dito kaya naman:

SAM: Ayoko ng look mo ngayon! (seryoso nitong sabi) Hindi appropriate sa age natin. Devon, wholesome ang image natin masyadong maiksi at revealing yan!

Kumulo naman ang dugo ni Devon sa mga narinig. Feeling prinsesa kasi siya ngayon, pero Sam took it away from her just by saying some hurtful words. Sasagot sana siya pero hindi siya binigyan ng chance ni Enrique.

ENRIQUE: Denial king ka talaga, Sam. Ang ganda ganda nga ni Devon eh... ngayong magkatabi kayo sobrang compatible talaga kayong tingnan.

Nagiba nanaman ang mood sa loob ng van thanks to Enrique. Tumahimik na rin ito dahil ayaw talagang makipag-usap ng dalawa. Nakarating na rin sila sa venue at gulat na gulat sila Sam at Devon dahil punong-puno ang mall ng fans nila, mula taas hangang baba. Ang iba ay nagsitilian habang may mga iba naman ang napapaiyak dahil sa sobrang tuwa.

Napagtanto tuloy ni Devon ang biglaang kasikatan nila ni Sam ngayon. Masaya siya dahil maraming sumusuporta kahit na marami ding haters... at super blessed siya kasi out of all the women sa fashion show noon ay siya ang nakita.  Wala siguro siya ngayon, sa rurok ng tagumpay. All throughout the film ay magkatabi sila Sam at Devon, nagpapaka-sweet sa isa’t isa dahil maraming nakatingin at maraming camera ang nakapaligid sa kanila. Pero sa likod ng mga ngiti at harutan nila ay nag-kakapikunan na pala ang dalawa.

After ng premiere ay nagpaunlak sila ng mga short interviews at nang matapos ang mga ito ay sabay na pumunta ang dalawa sa party na inilaan ng crew para sa success ng movie. Maraming press ang andun, kumpleto ang casts at crews and andun din ang GV barkada nila to support them.

Nainis si Sam dahil kakapasok pa lang nila sa venue ay agad lumapit si Ivan sa kanila, at onvious naman na si Devon lang ang gustong kausapin nito.

IVAN: Hey Dude! (maikli nitong bati kay Sam. Pagkatapos ay itinuon na niya ang pansin kay Devon) Devz, You're so pretty! 

DEVON: Ngayon lang, but thanks anyway (nahihiya nitong tugon)

IVAN: Anong ngayon lang? You grow even more beautiful by the days! (matuloy ito sa pagkokompliment)

Maganda ang aura between Ivan and Devon, yung parang sila lang ang tao sa mundo. Mawala na ang lahat basta magkasama lang sila. Kilig na kilig si Devon dahil ang full attention talaga ni Ivan ay asa kanya. Pero nasira ang magandang ambiance nang magsalita na si Sam.

SAM: Dude, do you mind? Mamaya na lang kayo magusap, we have errands to attend to (seryoso nitong sinabi na ikinagulat nila Ivan at Devon. Before pa makasagot si Ivan  ay hinila na palayo ni Sam si Devon)

DEVON: (Hindi makapaniwala si Devon) Bastos ka ba? Bakit mo sinabi yun kay Ivan?

SAM: Siya ang bastos. Kita naman niyang may mga kumukuha ng pictures natin tapos lalapit siya! Hindi kayo ang love team Devon... tayo ang love team! (pinipilit ni Sam na wag sumigaw para na rin hindi sila mahalata but in the situation they're in hindi niya mapigilang magbitiw ng mga salitang alam niyang ikakagalit ni Devon)

DEVON: Ang sama mo talaga! All he did was talk to a friend! Pinansin ka naman niya ah! (sumisigaw na si Devon dahil sa sobrang galit)

SAM: Masama na kung masama! Gawin mo na kung anong gusto mong gawin basta wag mong ipahalata ang pagiging fake natin!

Nasaktan si Devon sa mga pinagsasabi ni Sam. May nagbago na talaga... hindi na 'to ang dati nilang mga away... mukhang sobrang seryoso kasi si Sam at ngayon lang niya nakita itong ganito. Hinawakan siya ni Sam sa kamay na napakahigpit at sinimulang bumati sa iba pang mga bisita. Kahit anong pagkukubli ng poker face niya ay masama pa rin ang loob ni Devon. Nahihiya siya kay Ivan sa mga inasal ni Sam towards him. 

Makalipas ang ilang minuto ay naghiwalay na rin sila ni Sam at  biglang lumapit sila Kazel, Chikara at Heidi sa kanya.

KAZEL: DEVZ! (nakakabingi ang tili nito) Congratulations sa movie! sobrang ganda!

CHIKARA: You were awesome back there! May swagger talaga!

DEVON: Thanks Guys!

HEIDI: Okay ka lang? Parang wala ka sa mood! (napansin nito ang walang buhay na pagsasalita ni Devon)

DEVON: Pagod lang! Ang hectic kasi ng sched eh! (pagsisinungaling nito)

KAZEL: Ayy naku work ka lang ng work! Sama ka samin ni Chikara, magpapa-spa kami tomorrow! (hyper nitong paganyaya, nagulat naman si Chikara sa sinabi ni Kazel)

CHIKARA: Kasama ako? Ayoko nga!

Natawa si Devon sa reaction ni Chikara... at sa unang pagkakataon ay nakalimutan niya na rin si Sam. For a second lang yun... dahil;

CHIKARA: Asan nga pala si Sam? 

Asar na asar si Devon dahil narinig nanaman niya ang pangalan ni Sam. At without him knowing na nakasira na pala siya ng mood ay nagpatuloy parin si Chikara.

CHIKARA: Kinilig talaga ako sa kissing scene niyo! Hindi ata ako makakatulog sa sobrang kilig!

Napuno na talaga si Devon dahil nang marinig niya ulit ang pangalan ni Sam ay biglaan itong tumayo na ikinagulat nila Kazel, Chikara at Heidi.

HEIDI: Where are you going?

Bago pa siya makasagot ay natahimik ang lahat dahil lumapit si Ivan sa grupo nila. Nginitian nito si Devon at hiningi ang kamay nito para sumayaw. Kinikilig naman si Heidi para sa kaibigan dahil alam nitong crush na crush ni Devon si Ivan.

Meanwhile, si Sam naman ay kasama nila Enrique, Aaron at ni Robi nang may mapuna si Aaron.

AARON: Si Devon ba yun with Ivan? (sabay turo sa malayo)

Sabay-sabay silang lumingon at nakita sila Devon mula sa malayo. Sumikip ang dibdib ni Sam at nakaramdam siya ng galit.

ROBI: Bagay din sila ah. Infairness! (nang mapansin ang masamang tingin ni Sam sa kanya ay agad-agad itong nagsalita) No harm intended bro!

ENRIQUE: Hindi mo rin naman masisisi si Ivan eh... sobrang ganda naman talaga ni Devon. Kung hindi ko lang talaga best friend itong si Sam, kami na siguro ni Devz (pagbibiro nito)

SAM: Edi sayo na! She's not mine! (sabay inom ng wine)

AARON: May nahahalata ako sa iyo these days! Parang iba ka na! Simula nang halikan mo si Devon...

ROBI: Halikan? Hinalikan mo siya off screen? Bakit hindi ko alam to? (gulat na  gulat si Robi)

Hindi na pinansin ng iba si Robi... habang ito naman ay kulit ng kulit sa kanila para ikwento ang mga nangyari. Subalit, biglang nawala sa dance floor sila Devon at Ivan. Tinatanaw ni Sam sila Ivan sa mga tables pero wala. Masama ang kutob niya kaya agad-agad itong umalis nang hindi man lang nagpapaalam.

ENRIQUE: Unti-unti na atang natatamaan si Sam! (at nagbuntong hininga ito)

................................................................

DEVON: Sorry talaga sa mga sinabi ni Sam sa iyo kanina! (sinabi niya habang naglalakad silang dalawa ni Ivan sa garden)

IVAN: Okay lang yun! Someone just woke up at the wrong side of the bed! (sabay tawa)

DEVON: Nakakahiya talaga! Ewan ko kung bakit ganun si Sam! (maluungkot si  Devon kaya naman huminto sila sa paglalakad at hinarap siya ni Ivan)

IVAN: Let's not talk about him anymore. Let's talk about us!

Parang naubusan ng oxygen si Devon sa mga sinabi ni Ivan. Us? May ganun? Is this it? Narealize na kaya ni Ivan na may feelings din siya kay Devon? Kabadong-kabado siya! Super!

DEVON: Us?

Feeling niya nasa heaven na siya nang halikan siya sa pisngi ni Ivan. It was so gentle... close to perfect pero... all of a sudden she saw Ivan lying on the floor. May sumuntok dito!

SAM: I warned you Ivan! (nang-gigigil nitong sabi)

a/n: nalagpasan ko na rin ang sixth curse ko! kasi tuwing ika-sixth chapter na ako ng iba kong ffs ay nawawalan na ako ng interes at hindi ko na tinutuloy... pero proud to be samvon ako kaya naconquer ko ang curse!:))


































































Sunday, August 7, 2011

Crazy, Stupid Love (5)

Masama ang chismis, lalo na pag hindi aware ang isa o both parties. Pero in the situation they are in, hindi na lang nila inisip na masama pagchismisan ang bestfriend nila. It's a matter between life and death... for Lynn and Heidi of course.

LYNN: Sayang wala ka kahapon... you missed out on a very shocking sight!

HEIDI: Wag mo na nga akong bitinin... ano ba ang nangyari?

LYNN: Shit! Iniisip ko palang kinikilig na ako (exaggerated na sinabi)

HEIDI: Have mercy Lynn! Tell me na! (anxious naman si Heidi na malaman)

LYNN: Kasi ganito yun, nagaaway nanaman ang SamVon kagabi. We played spin the bottle, (huminto muna siya para sa onting suspense) natapat sa kanilang dalawa! (sabay tili… at na-carried away na rin si Heidi)

HEIDI: Nagkiss sila? For real? (Tila hindi makapaniwala sa mga naririnig)

LYNN: Eto pa, tanggi ng tanggi si Devz, naasar na ata si Sam kaya hinawakan niya yung mukha ni Devz at hinalikan! Shit talaga! (she cursed sa sobrang kilig)

HEIDI: Weh… as in! Bwiset talaga yung ate ko, nang dahil sa kanya wala ako kahapon… bwiset talaga! Ano nga palang ginawa ni Devz? For sure may ginawa yun

LYNN: hahha… kakaloka talaga yun. Ang lakas ng loob… after ng kiss sinampal niya si Sam nang super super lakas… Feeling ko nga hanggang ngayon bakat parin kamay niya sa mukha ni Sam eh


Tumili si Heidi at sinabayan naman iyon ni Lynn ng malakas na pagtawa. Napahinto sila nang biglang bumukas ang pinto ng dressing room. At nagbuntong hininga after… out of relief.

HEIDI: Bakit ganyan ang face mo? Ang haggard mo Devz (concerned na tanong sa kaibigan)

LYNN: Hahaha! alam ko na! hindi yan nakatulog kagabi... (tumingin bigla nang parang may alam kay Devon)

DEVON: Tumigil na nga kayong dalawa. I woke up at the wrong side of the bed! Kaya wala ako sa mood!

HEIDI: Okay na Devz… You don’t need na ikwento pa sa akin ang mga nagyari kagabi… nagawa na ni Lynn (sabay tawa)

Tumingin ng masama si Devon kay Lynn, as much as possible ay gusto na niya iyong makalimutan. Sinasabi nga niya sa sarili na isang malaking nightmare lang ang lahat… pero seeing Lynn’s mischievous smile brought her back to reality.

Tama nga ang sinabi ng kaibigan, hindi talaga siya nakatulog kahit ano mang gawin niyang pag-ikot sa kama. Hindi nga niya maintindihan eh, baka dahil iyon sa sobrang pagkainis kay Sam sa ginawa niya. O baka… sa sobrang kilig? Mas lalong na-BV si Devz nang maisip ang kilig-kilig thing na yan.

DEVON: Please don’t make me remember!

May sasabihin pa sana ang dalawa niyang kaibigan nang biglang pumasok na sa loob ang make-up stylists. Sobrang pasasalamat ni Devon na sa wakas may tao na rin aside from the three of them. This way ay hindi muna mapaguusapan ang issue niya with Sam.

STYLIST 1: Hi Devz, Lynn and Heids… (sabay hug sa tatlong mga artista)

STYLIST 2: What happened Devz? Bakit ganyan ang mukha mo today? Puyat ka ba?

Before pa makasagot ay inunahan na siya ni Heidi.

HEIDI: Yes ate… you wanna know why?

Tiningnan naman siya ni Devon ng masama at nahalata ng mga stylist na may underlying meaning sa mga sinabi ni Heidi.

STYLIST 3: Why?

Kinabahan agad si Devon… kasi naman baka biglang sabihin nila Lynn at Heidi ang nangyari between Sam and her. Pag nagkataon yun ay ma-iissue sila at baka wala na siyang takas sa misconception ng mga tao na lovers nga sila ng ka-love team. Kaya naman… she changed the topic.

DEVON: (tawa muna ng malakas) Kamusta nap ala kayo mga ate?

STYLIST 2: Hay okay naman kami girl…

STYLIST 1: Pero ah, concerned ako sa isang taong nakasalubong ko kanina…

LYNN: Sino? Bakit?

STYLIST 3: Ay naku, kung nakita niyo lang si Sam kanina. Parang may something sa pisngi niya eh… d ko nga madistinguish kung pasa o sampal eh…

Nabigla naman si Devon sa narinig. Biglang nagkatinginan sina Lynn, Heidi at Devon. Hindi mabasa ang mukha ni Devon habang pinipilit ng dalawang babaeng pigilan ang paghalak-hak.
Devon thought that lagot na lagot na siya kay Sam. Kilala niya ng lalaking iyon, hindi nito papalagpasin ang kahit ano… lalong-lalo na ang pananampal nito sa kanya. Napamura si Devon in her thoughts. Naisip din niyang nababagay na rin iyon kay Sam, after all the things he did. Big deal kasi sa kanya ang kanyang first kiss—wait!—oo nga pala first kiss na niya si Sam. Pero she doesn’t regard that as her first kasi naman for their teleserye iyon. Walang feelings… lahat-lahat ay scripted. Kaya sabi niya sa sarili na ang REAL first kiss niya ay dapat off-screen; walang mga camera, walang director na magdidictate at walang script. Pure feelings lang lahat.
Lagi nga niyang pinagprepray na sana si Ivan ang first kiss niya… pero to her disappointment ay si Sam parin. Pero sa mga nangyari kahapon, kahit na ideny niya ay may onti… kahit onting feelings for her love team.

……………………………………………………

DEVON: Shit! Andun nga pala si Ivan noh! (bigla niyang sinabi out of nowhere) Nakita niya ang lahat… nakakahiya! (gustong-gusto na niyang umiyak)

Kasalukuyang naghihintay siya ng airing time ng ASAP sa loob ng dressing room. Hindi na talaga niya alam kung anong gagawin. Ngayon lang niya napagtanto na nakita ni Ivan ang lahat.

DEVON: Sam... I hate you!

All of a sudden, biglang pumasok si Sam sa loob. Nang makita ang lalaking lubos niya kinasusuklaman ay nagdilim ang kanyang paningin. Agad-agad siyang tumayo at lumapit kay Sam.

SAM: Look what you did! (sabay turo sa pisngi) Mabuti natakpan pa ng concealer kundi...

DEVON: Kundi sasampalin mo din ako? Bakit mo ginawa yun? (galit na galit niyang tinanong)

SAM: Dare mo yun pero I did you a favor kaya ako nalang ang humalik! (pagrereason out nito)

Pinipigilan lang talaga ni Devon ang sarili... baka madagdagan pa niya ang marks sa mukha ng kaharap.

SAM: at alam ko namang hindi mo kayang gawin yun eh... wala ka kasing lakas ng loob! Duwag!

Tila nabingi si Devon nang marinig ang word na "duwag"! Siya ang tipo ng babaeng super competitive. She won't accept any word associated with cowardice.

DEVON: Ano? hahaha. Akala mo di ko kaya ah!

Bigla niyang hinila ang collar ni Sam, leading for him to face her super closely. Nagulat talaga si Sam... hindi niya ineexpect ang ginawa ni Devon.

SAM: Kiss me (ma-authoridad nitong sabi)

Before pa makareact si Devon ay nag-gulantang sila nang biglang bumukas ang pintuan. Tumambad sa kanila ang gulat na gulat na mga mukha nila Luis Manzano, Billy Crawford at Vhong Navarro. Kitang-kita nila ang mala-lovers na posisyon ng SamVon; Devon's hand on Sam's collar, Sam's left hand on her waist at ang magkalapit na mukha ng dalawa.

Nagblush sila Sam at Devon before maghiwalay.

VHONG: Turn niyo na kasi kaya... sorry nakakaistorbo ata kami
(awkward na sinabi ni Vhong)

BILLY: Hormones!

LUIS: Huli kayo! (sabay ngisi)










Saturday, August 6, 2011

Crazy, Stupid Love (4)

Papaalis palang sila Devon at Lynn sa ABS para pumunta sa house ni Ivan kung saan magaganap ang small get-together nila at ang GV crew. Excited na excited si Devon, makikita na rin niya sa wakas ang love of her life. Even though they're together in a show ay bihira paring magkuos ang kanilang mga landas. For instance, seldom lang silang magkasama sa isang scene, sa mga production #s ay laging si Sam ang kanyang kapareha. 

Napakunot ang noo ni Devon nang maalala ang ka-love team na hate na hate niya. Napansin naman iyon ni Lynn at agad nitong nahulaan kung ano (rather sino!)ang nakapagsimangot sa matalik na kaibigan.

DEVON: Nakakainis talaga! Dapat si Ivan na lang kasi ang love team ko! (Hindi niya namalayan na nasambit na pala niya ang iniisip)

LYNN: (sigh) Hay naku! sabi na nga ba eh! Alam mo magpasalamat ka na lang at tayo lang ang andito. Patay ka pag may nakarinig sayo! (pananakot ni Lynn kay Devon)

Sandaling nagalala si Devon sa sinabi ng kaibigan, napatingin tuloy siya sa paligid kung meron ngang nakarinig sa kanya. Thank you at wala. Kaya hindi siya nagpatinag ang nagsabing,

DEVON: Edi Mabuti nang malaman nila! Para hindi na ako stuck with Sam! That crazy guy!

LYNN: Devz, kumalma ka please! Bahala ka baka may nakatago diyan! matabloid ka nanaman! (nagwarning siya sa kaibigan dahil napapalakas na ang boses nito. Wala pa naman siyang tiwala sa mga obsessed na mga paparazzi na nagaaligid kay Devon)

DEVON: Sige na nga! Halika na natatakot na ako sa iyo ha! (bigla niyang hinila si Lynn papalayo)

Meanwhile, totoo nga ang sinabi at hinala ni Lynn, may nakakubling misteryosong tao sa mga halaman. Tila narinig nito nang malinaw ang usapan ng dalawang magkaibigan. Tuwang tuwa siya sa nakuhang impormasyon at bigla nitong kinuha ang kannyang cellphone at nagdial ng number.

PAPARAZZI: Sir J, confirmed. Nagmula na po kay Devon, peke nga ang kanilang love team! (tuwang tuwa nitong sinabi)

SIR J: Are you sure about that?

PAPARAZZI: Yes po, Sir! Narinig ko po ang lahat lahat!

SIR J: That's not enough! We need tangible evidences! I expect more from you, don't ever disappoint me or you'll pay! (pasigaw niyang sinabi at dali daling binaba ang cellphone)

PAPARAZZI: (sigh) Iba nga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao... nakakatakot!

................................................................................
................................................................................


Ilang saglit palang ang lumipas nang makarating na sila sa bahay ni Ivan. Naabutan nilang naliligo na sa pool ang ilang mga kabarkada nila, ang iba naman ay kumakain, specifically sila Enrique at Robi. Tuwang tuwa si Devon nang makita na rin si Ivan na papalapit. Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng napakahigpit na hug.


IVAN: Devz! I miss you too much! (sabay hug ulit na nagpakilig kay Devon)

LYNN: Ivan, baka naman hindi na makahinga yang best friend ko!

IVAN: Best friend mo? (sabay harap kay Devon) Devz, sinong best friend mo, si Lynn o ako?

Natawa nalang silang dalawa ni Lynn sa sinabi nito. Nakakaaliw naman nga ang facial expression nito, tila aping api siya ng mundo.
DEVON: Loko talaga kayong dalawa! Syempre both of you.. (sa isip-isip niya ay sinasabing lover hindi best friend ang turing niya kay Ivan)
IVAN: Hey why don't you swim?

DEVON: Kakadating ko palang. Later Ivan!
(sabay bigay ng isang napakasweet na ngiti)

Lalapit sana sila Lynn at Devon kela Robi para kumain muna. Napakaganda talaga ng mood niya dahil andito siya with Ivan and she's far away from her crazy love team. Kumpleto na ang lahat eh, masaya na siya. Subalit nag-iba ang lahat nang may lumapit sa kanya at bumulong;


SAM: Late ka Devz...

Biglang nagdilim ang kanyang paningin...

DEVON: Anong ginagawa mo dito?

SAM: Oh! Bakit naman ako mawawala sa party? GV member ako di ba?
(abot tenga ang ngiti niya nang makita ang galit na galit na mukha ng kausap)
DEVON: Akala ko pa naman I'll get a break! Hay... so disappointing! (sabay irap kay Sam)


Nawalan rin siya ng ganang kumain nang makausap si Sam kaya naman naligo nalang siya kasama ang ibang girls ng GV. From a distance ay hindi matanggal ni Sam ang mata niya kay Devon.

SAM: Wow! (out of nowhere ay bigla niya iyong nabanggit)

Hindi naman ito nakalampas kela Robi at Enrique. Nagtinginan ang dalawa ang patuksong inakbayan si Sam.

ENRIQUE: Dude, sexy ni Devz noh?

ROBI: Oo nga eh! hahaha... sayang kay Sam na siya!

Bigla namang nagreact si Sam sa narinig...

SAM: Hindi akin yan ah! (sabay turo kay Devon) At sexy? Tingnan mo nga, not even close! Parang lata lang sa sobrang straight! (nagpatuloy siya sa panlalait sa walang kamuang-muang na ka-love team)

................................................................................................................................................................

Nang dumilim na ay napagpasyahan na nilang umahon sa pool dahil sa sobrang lamig ng tubig. After maligo at magayos, they joined the boys sa sala.

KAZEL: Hey spin the bottle tayo! (anyaya niya)

IVAN: That's a great idea!

Nagsimula na nga sila sa game, lahat ay masaya pwera kay Devon. Dahil katabi niya si Sam. At hindi na talaga niya makayanan ang mga pangaasar nito. At ang sabi lang niya sa sarili ay gaganti siya ngayong gabi.

Napaparami na ang mga nainom na alak ni Devon nang pigilan na siya ni Lynn.

LYNN: Ano ka ba? Hinay-hinay lang

DEVON: (tinanggal niya ang kamay ng kaibigan sa braso niya) Why so serious, Lynn? Hindi pa ako lasing... promise! (sabay ngiti)

Napatingin naman sa kanya si Sam... nahalata na ata nito ang distress ni Lynn. Bigla niyang hinablot ang alak ni Devon at kanyang ininom. Galit na galit si Devon.

DEVON: Ano ba? Bwiset ka! (pinalo niya ito ng napakalakas at narinig ng buong barkada ang hampas na iyon)

KAZEL: Hala ka Devz... pulang pula na ang braso ni Sam

DEVON: Dapat lang yan sa mga nakikialam... (masama ang tingin na ibinigay niya sa ka-love team)

AARON: Hay naku... huminto na nga kayong dalawa... continue na natin ang spin the bottle. Okay guys, this time kiss naman ah... para exciting!

Nag-agree ang lahat at yun na nga, pinaikot na ni Aaron ang bottle. Gulat na gulat si Devon nang natapat sa kanya ang bote. Naghiyawan ang mga kabarkada nila.

ROBI: Si Devz ang hahalik! sino kaya?

Kahit na hindi pa rin siya nakakarecover ay inikot na niya ang bote. Tila natanggal ang pagkakalasing niya nang ipinagdadasal niya na sana kay Ivan tumapat.

DEVON: Sana please si Ivan... Ivan... Ivan... (pabulong niyang hiniling)

Pero to her dismay ay tumutok ito malapit sa kanya. Meaning kay Sam tumapat ang bote.

KAZEl: Yun oh! hahaha.. first time ko silang makikitang magkiss live! hahaha

AARON: Devz go kiss Sam na!

Subalit, si Ivan lang ang hindi nangangantyaw sa dalawa. Tahimik lang siya at walang imik, pinapakalma ang sarili.

SAM: Oh ano na? Kiss me na (pangaasar na bulong ni Sam)

DEVON: Ayoko nga... Over my dead body!!! (mataray  na umirap ito)

Napipikon na si Sam sa buong araw nitong pagtataray sa kanya. Kaya naman may naisip si Sam na gawin na lubos na ikaiinis ni Devon.

SAM: Hmm... Alam ko namang matagal mo na akong gustong halikan off screen eh.. dati pa.. Now's your chance!

DEVON: (mabilis itong humarap kay Sam) What? Ang kap....

Hindi na naituloy ni Devon dahil pinigilan siya ng labi ni Sam. Mabilis ang tibok ng puso niya... para bang sasabog na. Pero hindi alam ni Devon na mas grabe ang nararanasan ni Sam. Tila bang mamamatay siya sa sobrang kilig at saya.

:)) hope everyone liked it