Friday, September 30, 2011

Crazy, Stupid Love (8)

Nabulabog ang industriya nang kumalat ang bulong-bulungan na may nanliligaw na nga kay Devon Seron. Sabi sa mga bali-balita ay isa itong mysterious suitor ng dalaga dahil walang nakakaalam kung sino ito. Subalit patuloy daw ang pagbibigay nito ng mga regalo sa artista kahit na paingay ng paingay ang mga intriga. Nanatiling tahimik ang dalaga na umaasang sa hindi niya pagsasalita ay huhupa din ang mga intriga. Pero nang pinagtatanong ang kanyang mga katrabaho at mga kaibigan ay halata sa mga mukha nila na may something na. For three weeks ay iyon ang laman ng mga balita... mula E-live hanggang The Buzz ay hindi pinalagpas ng mga tao ang pagtutok sa nakakaintrigang issue ng iniidolo.

Pero... malungkot si Devz dahil kahit minsan sa kasadsaan ng intriga ay hindi man lang nagtanong si Sam o hindi man lang ito nagsalita. Andyan nga lagi sa tabi niya pero hindi manlang niya maramdaman ang presensya. Stressed na stressed na siya sa kaiisip kay Sam.

DEVON: Wala man lang siyang sinabi! Pwede naman yung magselos siya ng onti dba? normal naman yun eh kasi love team niya ako pero... (biglang nainis ang Devon sa mga pinagsasabi niya at dahan-dahang inuntog ang ulo sa pader) Bakit ka ba ganyan Sam? You don't even care... (malungkot niyang bulong sa sarili)

Tiningnan niya ang mga patong-patong na mga regalo sa ilalim sa table niya. At napakunot nanaman ang kanyang noo.

DEVON: Ayaw ko mang sabihin ito pero… ANG HABA NG HAIR KO! (sabay tili ng malakas:))

Para makalimot ay nagdesisyon muna siya na making sa kanyang iphone at ang pinakaunang kanta ay ang Someone ni Sam Concepcion.

DEVON: (nagbuntong hininga muna) Sana I’m your someone… shit devz! Anu na bang nangyayari sayo? Yuck! (in denial nanaman ang lola niyo)

Ang hindi alam ni Devon ay same sila ng nararamdaman ni Sam. Hindi nga makatulog si Sam sa gabi dahil sa kaiisip about Devon’s suitor. Laging nag-kokross sa mind niya na maybe si Ivan ito. Ang kaibigan niya na hindi sinasadyang nasuntok nang makita niya ito with Devon. Nung mga panahon na iyon ay hindi niya alam kung anong naglalaro sa isipan niya. Basta lumapit lang siya at… yun sinuntok na ang kaibigan. Ang pinaka-nakakatakot pa ay nang makita niya itong nakahiga na ay tuwang-tuwa siya. Ang gulat na gulat at umiiyak na mukha ni Devon ang nagpabalik sa kanya sa ulirat.
Right now, he’s standing in front of a condominium unit, waiting for the door to open. His heart is in a rush… anxiety overpowering his emotions. He didn’t have any idea why he is there in the first place. Pero all he’s sure of is that he needs some answers.

The door finally opens…
IVAN: Sam? Why are you here? (gulat na gulat na pagtatanong nito)

He beamed a smile at him as if nothing happened between the two of them…
SAM: Just here to hang out with my bro! (sabay bigay ng friendly hug kay Ivan)

Kahit nagtataka ay pinapasok pa rin ng binata si Sam sa kanyang condo. Awkward ang first five minutes nila pero naging ice breaker ang maingay na NBA game kaya sandaling nakalimutan ng dalawa ang alitan. Sabay pa nga silang tumatawa at sumisigaw pag nakakascore ang team nila at sabay na napapasuntok pag nakakascore naman ang kalaban.

IVAN: I know you didn’t come here just to watch a game with me!

SAM: I’m not gonna apologize because I didn’t do anything wrong!

Napatawa naman si Ivan dahil alam niyang hindi talaga magsosorry ang kaibigan sa kanya. Lahat kayang sabihin ni Sam, name it, basta hindi ang word na “sorry”. Masyadong mataas ang pride nito kaya kahit kailan ay never pa niyang narinig itong humingi ng tawad.

IVAN: So what did you came for? (seryosong tanong nito)

Tinapatan ni Sam ng seryosong mukha si Ivan
SAM: Stop sending Devon gifts! It’s already getting on my nerves!

Sabi na nga ba! He thought.
IVAN: So you think I’m her “mysterious suitor?”

SAM: The way you always look at her gives me the idea

IVAN: Well, you’re wrong! I’m not the guy who keeps sending her gifts but… I’m thinking of becoming one of her suitors! (he gave him a mischievous and challenging smile) What are you gonna do about it?

Sam promised himself that never na niyang sasaktan ang kaibigan at kokontrolin na niya ang sarili. Sa mga sinasabi ni Ivan ay  parang hindi na ata niya matutupad ni Sam ang kanyang mga pangako sa sarili.

…………………………………………..

SAM: Shit Ivan! I really want to punch you so much (Sam grunted nang palabas na siya sa condo building nito)

Sa pananalita pa lamang nito ay halatang-halata na may gusto it okay Devon. At mas nakakaasar pa ay very close si Devon kay Ivan, parang kulang nalang ay ituring nito si Ivan na kapatid.

Padabog na isinara ni Sam ang pintuan sa kotse. Papa-andarin na niya ang engine nang biglang nag-vibrate ang phone niya sa pocket. And he saw that it was Devon.
Napamura siya nang makitang ang ka-loveteam niya ang tumatawag. Unbeknownst to him ay namamawis siya, nanginginig at nanunuyot ang laway before pa niya masagot ang phone. Mahabang panahon ang lumipas pero hindi parin nagsasalita ang dalaga.

SAM: Devon? Hello? (nanunuyot parin ang kanyang lalamunan)

DEVON: Sam, punta ka sa bahay! (utos nito)

SAM: Sa bahay niyo? Bakit naman? Baka machismis tayo… ayoko nga (pero pilit niyang pinipigilan na kiligin)

DEVON: Pumunta ka na!

SAM: Ayoko nga eh! At ano naman gagawin natin dun… don’t tell me…

DEVON: Tanga! Kung anu-ano ang iniisip mo! Pumunta ka na kasi kakauwi palang ni Mommy mula Cebu and pinapasabi niyang dito ka na kumain!



Close na close si Sam sa mommy ni Devon. Simula nang maging loveteam sila ay full support ang mommy ni Devon sa kanya. Isang taon ding nasa Cebu ang mommy ni Devz kaya namimiss na rin niya ito at ang mga lutong-bahay nito.


SAM: No thanks na lang


DEVON: Ma! (tinawag nito ang nanay sa kusina) Ayaw ka daw makita ni Sam!


Gulat na gulat si Sam sa sinabi ni Devon. Hindi naman sa ayaw niyang makita ang mommy ni Devon... at this state of his heart... ayaw niya munang makita si Devon. Pero sa tingin niya ay mapipilitan siyang pumunta.


SAM: Oi ano ka ba! Oo na, pupunta na ako! (sabay baba sa phone)


...............................................


Masayang nagdinner ito sa bahay ni Devon. Halos nakalimutan nga niyang naiilang siya evrytime she's there. Dahil na rin siguro sa mommy nito. Very happy at napakabubbly kasi eh! Kaya nadadala na rin siya!


Late na at pauwi na si Sam pero hinatid siya nila Devon ata ang mommy nito sa may gate.


MOMMY: BYe, Sam! Balik ka ulit bukas ah!


SAM: Thank you po, tita sa masarap na dinner!


MOMMY: Welcome! Ingat ka ah! (at pumasok na ito sa bahay)


Naiwang magisa sila Sam at Devon... tahimik lang ang dalawa, napaka-awkward.


SAM: Hindi ka ba magpapaalam sa akin... kahit ingat lang wala? Aalis na ako!


DEVON: Wait! About the audition...


Before pa magpatuloy si Devon ay may naramdaman siyang malamig at slimy sa kanyang paa. Napasigaw na lang siya nang makita na isa itong malaking palaka.


DEVON: AHHHH!! (sabay yakap kay Sam)


Tumigil ang oras nang magkatitigan ang kanilang mga mata... malapit na... sobrang lapit na ng kanilang mga mukha. Halos magdikit na ang kanilang mga ilong. Sobrang lapit na... pero!

Sunday, September 4, 2011

Crazy, Stupid Love (7)

Para bang kulang ang hangin sa paligid at masyadong mabilis ang mga pangyayari nang biglang saktan ni Sam si Ivan. Gulat na gulat si Devon nang makitang nakahilata na lang sa sahig ang best friend niya.

SAM: I warned you Ivan! (nang-gigigil nitong sabi)

Nanlaki ang mga mata ni Devon nang marinig ang pagbabanta ni Sam sa kaibigan. Ano ba ang karapatan niyang manakit ng tao? Lalo na at kabarkada pa nila. Magkasundo naman ang dalawa dati ah... hindi nga siya nakakita ng kahit ano mang pagkainis o cold behaviors sa pagitan ng dalawa. Pero ano ang nagdulot kay Sam na gawin ang mga ito sa sarili niyang kaibigan? Gulong-gulo ang isip niya habang tulala lang na tumingin kay Sam. Ang pag-ungol ni Ivan ang nakapagpahinto sa kanyang mga iniisip. Agad-agad siyang lumuhod at inakap ito.

DEVON: What the hell are you doing, Sam? (galit niyang sigaw)

Nabigla si Sam sa kanyang nagawa kay Ivan na hindi muna siya sumagot sa tanong ni Devon. Maybe dahil hindi rin naman niya alam kung ano ang isasagot dito. Itinuon muna ni Devon and atensyon kay Ivan... nagdudugo ang labi nito kaya naman ipinahid niya ang sleeves ng damit sa labi ng best friend.

DEVON: Are you okay? (nag-papanic niyang tanong)

IVAN: Relax, Devz! Sugat lang 'to 

Ngumiti na lang si Ivan kahit na mahapdi and sugat sa labi para hindi na kabahan at mag-alala si Devon. Pero masama ang tingin na ibinigay nito kay Sam.

SAM: Devon, umalis na tayo! (ma-autoridad niyang sambit sabay hila sa ka-love team)

Ayaw ni Devon iwan si Ivan nang nag-iisa after ng mga nangyari kaya pilit niyang inaalis ang mahigpit na hawak sa kanya ni Sam. Malayo na sila nang bitawan na siya ng binata. Pagkatanggal ng kamay ni Sam ay bigla-biglang hinampas ng dalaga ng malakas ang dibdib nito. Hinayaan na lang ni Sam na ipagpatuloy ni Devon ang pagsuntok sa kanya. Wala rin siyang nagawa nang biglang napahagulgol na lang ang dalaga. Akmang yayakapin na niya ito nang lumayo si Devon.

SAM: Devon! Saan ka pupunta? (galit na sumigaw si Sam)

DEVON: Kailangan mo pa bang itanong? Edi kay Ivan! (sarcastic nitong sagot )

SAM: Wag ka pumunta sa kanya! Bumalik na tayo! (eto nanaman ang pagiging ma-authoridad ni Sam)

DEVON: Mag-isa ka! (sabay takbo papunta kay Ivan)


Hindi alam ni Sam kung bakit nalang niya hinayaan si Devon na bumalik kay Ivan. Masakit mang mmakita siyang umalis ay ayaw na rin kasi niyang madagdagan ang galit nito sa kanya. Simula't sapol pa naman ay asar na asar na sila sa isa't-isa. Pero bakit nalang ba naging importante ang emosyon ni Devon para kay Sam?
Wait! Ano ba ang nangyayari sa kanya? At bakit all of a sudden ay nakaramdam siya ng sakit nang makita si Ivan na hinalikan si Devon? Iyon tuloy nasuntok pa niya ang kaibigan. Sumakit na ang ulo niya sa kaiisip at nawalan na rin siya sa mood para makipag-party.


Meanwhile...


DEVON: Sorry talaga Van!  Okay ka lang? (sabay hawak sa mukha ng kaibigan)


Napatameme naman si Ivan nang ilapit ni Devon ang mukha nito para tingnan ang sugat niya. Bumilis ang heart beat niya... at hindi rin siya makahingga ng maayos. To Ivan, lahat ng kanyang nararamdaman at that moment was a mystery.


IVAN: I'm fine. Don't Worry, it's just a scratch! (pinilit niya sumagot amidst his heavy feelings)


DEVON: (napatawa naman) Just a scratch ah! Sige, paano ka haharap sa mga tao niyan ngaun?


IVAN: Edi I won't go back... we won't go back! (seryoso nitong sagot)


Natawa na lang si Devon dahil onti-onti niyang napapansin ang mga malalalim na titig sa kanya ng best friend. Natahimik sila ng sandali before;


DEVON: Nag-away ba kayo ni Sam? Any misunderstandings? (concerned nitong tanong)


IVAN: (he stared down at her) No! It's just him declaring war! (sabay ngiti ng napakasweet)


DEVON: War?


Pero hindi na sumagot si Ivan. Sabay silang umalis sa venue nang patago. 
Hindi na bumalik pa sa party si Ivan at takang-taka naman ang lahat ng tao nang mahalata nilang wala rin sila Sam at Devon. Umingay tuloy ang ugong-ugong na sabay ang dalawang umalis at nagsarili ng date. Pero sila Enrique lang ang may alam na kaya ito agad umuwi ay may nangyaring comprontasyon between Sam and Ivan.

.........................................................................

Bothered pa rin si Devon about sa nangyari kahit ilang araw na ang nakakalipas. Kahit na may times na magkasama sila ni Sam ay wala siya sa mood kausapin ito kaya never niya natanong kung bakit nagawa nitong saktan ang kaibigan nila.


Kakagaling palang niya from a Pond's Endorsement taping kaya naman feel na feel niya ang pagkablooming and pagkaganda niya. Aside sa problem niya kay Sam, wala na atang iba pang sakit ng ulo para sa kanya. So isinet aside nalang niya ang ka-love team at pinagpasyahan na wag na muna isipin iyon. I-eenjoy nalang niya muna ang company ng mga fans niya. Right! Amidst the packed schedule ay nahanapan parin niya ng time makipagbonding sa kanyang mga die-hard fans.


Binuksan na niya ang pintuan ng hotel room at binigla siya ng maingay na pagsalubong ng kanyang mga fans.


CATH(fan): Ate Devz! Mabuti andito ka na! Grabe ang rami nating dapat pagdesisyonan! (natataranta nitong sabi sabay hila kay Devon papasok)


DEVON: Wait Cath! Chill ka muna ha!


CLARE(fan): Kanina pa yan! Hindi mapakali sa susuotin mo!


Dun nalang niya naalala na kaya andito siya with her fans ay dahil sa gaganaping Star Magic Ball. Nawala talaga sa kanyang isip.


CATH: Ate, nakalimutan mo noh? hindi rin kita masisisi eh. Sobrang tight naman kasi ng sched mo eh.


CLARE: Blooming ka today! (biglang sabi niya out of the blue at ginantihan naman ni Devon ng isang malaking smile)


Nagsimula na silang mag-usap about Devon's look for SMB. Marami silang ideas for her na minsan ay hindi na tuloy alam kung ano ang bagay for her. Bagay naman kasi anng lahat at gusto ni Devon ang every ideas. Pero you could choose only 1 dress.


FAYE(fan): Sino ba partner mo Devz?


Ikinagulat ni Devon ang tanong dahil up until now ay wala pa talagang nagtatanong kung pwede maging escort niya. Nakaka-sad man ay sinagot niya ang tanong with the sweetest smile.


DEVON: Wala pang nag-aask eh! (tila hindi ito makapaniwala)


CLARE: Wehh! Si Sam? Hindi ka pa ba niya tinatanong?


FAYE: Wag ka magalala... sa ganda mong iyan magkakandarapa lahat sa kakainvite sayo for the ball


DEVON: (laughs) I know!


Biglang may kumatok sa pintuan na agad-agad namang binuksan ni Cath. Shock na shock ang lahat nang may mga lalaking pumasok na may buhat-buhat na mga bouquet ng red roses.


CATH: Wow! Ang rami nito ah! Galing kanino?


FAYE: DEvz, tingnan mo sa card! (atat na utos nito)


Shocked na shocked pa rin si Devon pero hinanap niya ang greeting card para basahin. Nagtaka tuloy siya sa mga nabasa:


Dear Devon,


The red roses signifies my burning passion for you so don't ever forget that! I'm just here,watching.


With love, J.R
       
CLARE: J.R? Sino yun?


Pilit inalala ni Devon kung may kilala nga ba siyang J.R. Pero wala siyang matandaan. At ang hand-writting ay may feel ng familiarity for her but she couldn't decide kung sino ang nagbigay ng roses. For sure hindi ito si Sam. Pero  nagtaka siya sa last sentence ng letter; " I'm just here, watching". Kinabahan tuloy siya.


DEVON: I don't know (mahina niyang sagot)


a/n: sino nga ba si J.R? any guesses, guys:))