Sunday, September 4, 2011

Crazy, Stupid Love (7)

Para bang kulang ang hangin sa paligid at masyadong mabilis ang mga pangyayari nang biglang saktan ni Sam si Ivan. Gulat na gulat si Devon nang makitang nakahilata na lang sa sahig ang best friend niya.

SAM: I warned you Ivan! (nang-gigigil nitong sabi)

Nanlaki ang mga mata ni Devon nang marinig ang pagbabanta ni Sam sa kaibigan. Ano ba ang karapatan niyang manakit ng tao? Lalo na at kabarkada pa nila. Magkasundo naman ang dalawa dati ah... hindi nga siya nakakita ng kahit ano mang pagkainis o cold behaviors sa pagitan ng dalawa. Pero ano ang nagdulot kay Sam na gawin ang mga ito sa sarili niyang kaibigan? Gulong-gulo ang isip niya habang tulala lang na tumingin kay Sam. Ang pag-ungol ni Ivan ang nakapagpahinto sa kanyang mga iniisip. Agad-agad siyang lumuhod at inakap ito.

DEVON: What the hell are you doing, Sam? (galit niyang sigaw)

Nabigla si Sam sa kanyang nagawa kay Ivan na hindi muna siya sumagot sa tanong ni Devon. Maybe dahil hindi rin naman niya alam kung ano ang isasagot dito. Itinuon muna ni Devon and atensyon kay Ivan... nagdudugo ang labi nito kaya naman ipinahid niya ang sleeves ng damit sa labi ng best friend.

DEVON: Are you okay? (nag-papanic niyang tanong)

IVAN: Relax, Devz! Sugat lang 'to 

Ngumiti na lang si Ivan kahit na mahapdi and sugat sa labi para hindi na kabahan at mag-alala si Devon. Pero masama ang tingin na ibinigay nito kay Sam.

SAM: Devon, umalis na tayo! (ma-autoridad niyang sambit sabay hila sa ka-love team)

Ayaw ni Devon iwan si Ivan nang nag-iisa after ng mga nangyari kaya pilit niyang inaalis ang mahigpit na hawak sa kanya ni Sam. Malayo na sila nang bitawan na siya ng binata. Pagkatanggal ng kamay ni Sam ay bigla-biglang hinampas ng dalaga ng malakas ang dibdib nito. Hinayaan na lang ni Sam na ipagpatuloy ni Devon ang pagsuntok sa kanya. Wala rin siyang nagawa nang biglang napahagulgol na lang ang dalaga. Akmang yayakapin na niya ito nang lumayo si Devon.

SAM: Devon! Saan ka pupunta? (galit na sumigaw si Sam)

DEVON: Kailangan mo pa bang itanong? Edi kay Ivan! (sarcastic nitong sagot )

SAM: Wag ka pumunta sa kanya! Bumalik na tayo! (eto nanaman ang pagiging ma-authoridad ni Sam)

DEVON: Mag-isa ka! (sabay takbo papunta kay Ivan)


Hindi alam ni Sam kung bakit nalang niya hinayaan si Devon na bumalik kay Ivan. Masakit mang mmakita siyang umalis ay ayaw na rin kasi niyang madagdagan ang galit nito sa kanya. Simula't sapol pa naman ay asar na asar na sila sa isa't-isa. Pero bakit nalang ba naging importante ang emosyon ni Devon para kay Sam?
Wait! Ano ba ang nangyayari sa kanya? At bakit all of a sudden ay nakaramdam siya ng sakit nang makita si Ivan na hinalikan si Devon? Iyon tuloy nasuntok pa niya ang kaibigan. Sumakit na ang ulo niya sa kaiisip at nawalan na rin siya sa mood para makipag-party.


Meanwhile...


DEVON: Sorry talaga Van!  Okay ka lang? (sabay hawak sa mukha ng kaibigan)


Napatameme naman si Ivan nang ilapit ni Devon ang mukha nito para tingnan ang sugat niya. Bumilis ang heart beat niya... at hindi rin siya makahingga ng maayos. To Ivan, lahat ng kanyang nararamdaman at that moment was a mystery.


IVAN: I'm fine. Don't Worry, it's just a scratch! (pinilit niya sumagot amidst his heavy feelings)


DEVON: (napatawa naman) Just a scratch ah! Sige, paano ka haharap sa mga tao niyan ngaun?


IVAN: Edi I won't go back... we won't go back! (seryoso nitong sagot)


Natawa na lang si Devon dahil onti-onti niyang napapansin ang mga malalalim na titig sa kanya ng best friend. Natahimik sila ng sandali before;


DEVON: Nag-away ba kayo ni Sam? Any misunderstandings? (concerned nitong tanong)


IVAN: (he stared down at her) No! It's just him declaring war! (sabay ngiti ng napakasweet)


DEVON: War?


Pero hindi na sumagot si Ivan. Sabay silang umalis sa venue nang patago. 
Hindi na bumalik pa sa party si Ivan at takang-taka naman ang lahat ng tao nang mahalata nilang wala rin sila Sam at Devon. Umingay tuloy ang ugong-ugong na sabay ang dalawang umalis at nagsarili ng date. Pero sila Enrique lang ang may alam na kaya ito agad umuwi ay may nangyaring comprontasyon between Sam and Ivan.

.........................................................................

Bothered pa rin si Devon about sa nangyari kahit ilang araw na ang nakakalipas. Kahit na may times na magkasama sila ni Sam ay wala siya sa mood kausapin ito kaya never niya natanong kung bakit nagawa nitong saktan ang kaibigan nila.


Kakagaling palang niya from a Pond's Endorsement taping kaya naman feel na feel niya ang pagkablooming and pagkaganda niya. Aside sa problem niya kay Sam, wala na atang iba pang sakit ng ulo para sa kanya. So isinet aside nalang niya ang ka-love team at pinagpasyahan na wag na muna isipin iyon. I-eenjoy nalang niya muna ang company ng mga fans niya. Right! Amidst the packed schedule ay nahanapan parin niya ng time makipagbonding sa kanyang mga die-hard fans.


Binuksan na niya ang pintuan ng hotel room at binigla siya ng maingay na pagsalubong ng kanyang mga fans.


CATH(fan): Ate Devz! Mabuti andito ka na! Grabe ang rami nating dapat pagdesisyonan! (natataranta nitong sabi sabay hila kay Devon papasok)


DEVON: Wait Cath! Chill ka muna ha!


CLARE(fan): Kanina pa yan! Hindi mapakali sa susuotin mo!


Dun nalang niya naalala na kaya andito siya with her fans ay dahil sa gaganaping Star Magic Ball. Nawala talaga sa kanyang isip.


CATH: Ate, nakalimutan mo noh? hindi rin kita masisisi eh. Sobrang tight naman kasi ng sched mo eh.


CLARE: Blooming ka today! (biglang sabi niya out of the blue at ginantihan naman ni Devon ng isang malaking smile)


Nagsimula na silang mag-usap about Devon's look for SMB. Marami silang ideas for her na minsan ay hindi na tuloy alam kung ano ang bagay for her. Bagay naman kasi anng lahat at gusto ni Devon ang every ideas. Pero you could choose only 1 dress.


FAYE(fan): Sino ba partner mo Devz?


Ikinagulat ni Devon ang tanong dahil up until now ay wala pa talagang nagtatanong kung pwede maging escort niya. Nakaka-sad man ay sinagot niya ang tanong with the sweetest smile.


DEVON: Wala pang nag-aask eh! (tila hindi ito makapaniwala)


CLARE: Wehh! Si Sam? Hindi ka pa ba niya tinatanong?


FAYE: Wag ka magalala... sa ganda mong iyan magkakandarapa lahat sa kakainvite sayo for the ball


DEVON: (laughs) I know!


Biglang may kumatok sa pintuan na agad-agad namang binuksan ni Cath. Shock na shock ang lahat nang may mga lalaking pumasok na may buhat-buhat na mga bouquet ng red roses.


CATH: Wow! Ang rami nito ah! Galing kanino?


FAYE: DEvz, tingnan mo sa card! (atat na utos nito)


Shocked na shocked pa rin si Devon pero hinanap niya ang greeting card para basahin. Nagtaka tuloy siya sa mga nabasa:


Dear Devon,


The red roses signifies my burning passion for you so don't ever forget that! I'm just here,watching.


With love, J.R
       
CLARE: J.R? Sino yun?


Pilit inalala ni Devon kung may kilala nga ba siyang J.R. Pero wala siyang matandaan. At ang hand-writting ay may feel ng familiarity for her but she couldn't decide kung sino ang nagbigay ng roses. For sure hindi ito si Sam. Pero  nagtaka siya sa last sentence ng letter; " I'm just here, watching". Kinabahan tuloy siya.


DEVON: I don't know (mahina niyang sagot)


a/n: sino nga ba si J.R? any guesses, guys:))










2 comments: