Tuesday, November 29, 2011

Crazy, Stupid Love (12)



Madaling araw palang ay bumangon na si Devon sa kanyang kama at naghanda na para sa ASAP ROCKS na gaganapin sa Pampanga. Ang call time ay 4 a.m nang madaling araw kaya naman 2 a.m palang ay nagaayos na siya. Pagdating niya sa ABSCBN building ay aakalaing may sunog o anu mang holdapan dahil sa sobrang taranta at rami ng mga tao. Hindi na siya nag-atubiling pumasok pa sa building dahil mahihilo lang siya sa kakabalik-panaog ng mga tao. Lahat ng Stars ng ASAP ay present na at inaayos na lang ang mga gamit for the trip. Naguguluhang naglalakad si Devon nang maspottan niya sa may garden sila Linn. Kumaway ito sa kaibigan at sinenyas na lalapit na siya. Subalit… pumasok sa eksena si Sam na noo’y umiinom ng coke malapit sa kinapaparuonan ng kanyang mga kaibigan. Bigla tuloy humigpit ang dibdib niya, hindi makahinga at hindi makagalaw.

Tahimik na umiinom si Sam nang may maramdaman siyang nakatingin sa kanya. Bago pa niya maconfirm kung meron ngang tumititig ay bigla na lang siya ninerbyos. Kung pagtutuonan lang siguro ng mga tao ang tibok ng puso niya ay tiyak maririnig ng buong ABS. After maybe a whole eternity para sa kanya, ay sinulyapan na niya kung totoo nga ang hinala. At laking gulat niya nang makita niya si Devon. She was the first person na nakita niya… at hindi niya alam kung paano iinterpret ang nakita. Nagulat nalang siyang nang magkatitigan sila ng sandali ay dali-dali nalang umalis ang dalaga.

LINN: Oh! Bakit pulang-pula ka? Nasampal ka ba? (pagbibirong tanong ng kaibigan)

DEVON: Hindi! Siguro nilalamig lang ako! (pageexcuse nito)

Lubos-lubos ang pasasalamat niya dahil hindi nakita ni Linn ang small encounter nila ni Sam. Kundi titiisin niya ang ‘knowing looks’ nito the whole trip. Habang nagtatawanan ang mga kaibigan ay hindi niya mapigilan sumilip kung andoon pa ang ka-loveteam. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot dahil umalis na ito. Ibig sabihin yun lang ang moment nila this day! Kasi ang alam niya ay sa magkaiba silang van sasakay. Kasama ni Sam ang Gigger Boys habang kasama naman niya ng GV crew. Sad and disappointing nga kasi hindi nila kasama si Sam.

Mga around 5 a.m ay naayos na ang lahat ng mga gamit at ready na ang lahat na mag-road trip. Katabi ng driver ang isang road manager ng ASAP habang magkatabi naman sila Ivan at Devon sa second  row, the rest ay nasa likuran na. Papaandarin na sana ang van nang may binatang kumatok sa bintana ng road manager. At sa ilang saglit ay binuksan ni Sam ang pinto. Nagkatitigan sila ng sandali then nagsalita na ito,

SAM: I just got thrown out of the van!

QUEN: Dude, thank god dito ka na! We feared na baka mamiss ka nitong si Devon! (panunukso nito)

Matapos bitawan ni Quen ang mga sinabi niya ay tumingin nang may meaning si Sam kay Devon. Tila nagsasabing tama nga ang sinabi ni Quen. Natameme nalang si Devon sa sobrang katotohanan. Pumasok na si Sam sa loob at bago pa man umurong si Ivan papalapit kay Devon ay inunahan na niya ito. Sobrang naasar naman si Ivan sa nangyari. Buong akala niya kasi ay masosolo niya ang bestfriend pero nagkamali pala siya.

Nasa NLEX na sila nang abutan nila ang sunrise. Manghang-mangha sila sa sobrang kagandahan ng tanawin. Para nga silang mga turista dahil kuha ng kuha ng mga pictures. Sabay-sabay silang nagkantahan at nagsayawan nang magpatugtog si Quen sa kanyang iPad. At sabay-sabay din silang nanahimik nang makaramdam ng antok. From the road manager hanggang kay Heidi ay tulog na except for Sam and especially yung driver noh! Busying busy kasi si Sam sa kakalaro ng Fruits Slice! At nang mapagod ay nagprepare na itong matulog na din. Subalit may nakakuha ng kanyang atensyon.

SAM: Mapicturan nga kayong lahat! Magugulat na lang kayo nasa twitter na ito! (masayng pagpaplano nito)

Sinimulan niya kela Linn hanggang kay Ivan pero nang turn na ni Devon ay napatigil siya half-way. There was something na naka-apekto sa puso niya. Iba ang nararamdaman niya ngayon sa past na feelings niya whenever she’s with him. Hindi ito yung typical na ‘the heart skips a beat’. Ibang-iba! Napangiti nalang siya dahil sa sobrang ganda at nakaka-gaan na mukha ni Devon. Perfect n asana ang moment kung hindi lang sana sa tumulong laway ng dalaga. Pinipigilang humalakhak ni Sam sa kanyang nasaksihan. Hindi niya akalain na ngayon pa ito maglalaway.

SAM: Siguro you’re dreaming of me! (mahina niyang sambit habang may napakalaking ngiti sa mukha)

Napansin din niyang namumula na ang ilong nito sa sobrang lamig kaya naman hinubad niya ang kannyang hoodie at ipinatong sa dalaga. Inunbotton niya ang long sleeves ng kanyang purple na polo at pinangpunas sa bibig ni Devon.

Baku-bako na ang daanan kaya naman yugyog ng yugyog ang van. Muntik na mabagok ang ulo ni Devon sa salamin pero mabuting mabilis ang reflexes ni Sam at sinandal nalang niya ang ulo nito sa kanyang balikat. Inakala ni Devon na unan ang katabi niya kaya naman comportableng pumusisyon at kumapit sa brasi ito. He froze sa nangyari! Para silang magboyfriend sa ganoong scenario. Cherishing the moment ay pinakiramdaman nalang niya ito at pumikit para matulog. Lingid sa kanyang kaalaman, ay kilig na kilig namang  nanunuod ang driver ng van.

DRIVER: Si Sr. Sam talaga hindi maalis ang ngiti! Ang swet!


After an hour and a half ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon subalit tulog pa rin ang lahat. Biglang binuksan ang pintuan at pinaalalahanan sila.

STAFF: Guys, gising na kayo! Marami pang kailangang gawin! (at umalis na ito agad)

Nagising agad ang lahat pwera lang kela Sam at Devon. Unang nakapuna ay si Heidi na nakaupo sa likod ng dalawa.

HEIDI: Ang sweet naman nilang dalawa! (at nakuha nito ang buong atensyon ng mga tao including Ivan)

ROAD MANAGER: Wait guys! Wag kayo maingay! (kinuha ang camera at nagtake ng photo ng dalawa) Mapost nga sa twitter… pasalubong para sa mga SamVons.

At galit na lumabas si Ivan.

ROAD MANAGER: Nu nangyari dun? Bad mood?

LINN: You better not know anything!

Bumaba si Manong driver para jumingle pero nabagsak niya ng hindi sinasadya ang pintuan kaya nagising ang dalawa. Napabuntong-hininga nalang ang lahat dahil nasira ang perfect moment ng dalawa. Alam kasi nila ang mangyayari pag naging aware ang dalawa sa kanilang situation.

SAM: Asan na tayo? (inaantok pa rin nitong tanong)

DEVON: Ang sarap ng tulog ko! (mas lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap)

Pero laking gulat ni Devon to find herself hugging Sam’s arm. Kaya tinulak niya ito papalayo.

SAM: Ano ba? Bakit mo ako tinulak? Nakabukas kaya yung pintuan paano kaya kung nahulog ako! (sigaw nito)

DEVON: Edi mabuti! Para mabawas-bawasan naman yang kapangitan mo!

Iisa lang ang nasa isip nila Quen, Linn, Heidi at ng road manager… ‘Here we go again!’ Kaya walang gana silang lumabas at iniwan ang dalawa para icontinue ang kanilang lovers' quarrel.

SAM: Bakit basa itong polo ko? Ano to? (nagtatakang tanong nito kay Devon nang maramdamang basa ang bandang balikat niya) Sh…t! Laway mo to?  Nakakadiri!

DEVON: Hindi ah! Baka sayo yan!

SAM: Anu yun pagilid ang tulo ng laway ko? 

DEVON: Ewan ko sayo! (sabay iwan kay Sam)

Naiwang nakaupo ang binata sa loob ng van at napaisip. Masaya siya dahil nag-away nanaman sila ni Devon. Hindi naman sa war freak siya pero alam niyang okay sila pag nag-aaway. Gulo noh! And that's one of the reasons why he fell in love with her... she's simple and honest. Nahinto ang pagiisip niya nang may tumawag sa kanya mula sa labas,

LUIS: Balbon, labas ka na nga diyan! Tinatamad ka nanaman ah! Gusto mong isumbong kita sa management! (pananakot nito, napalabas tuloy ng bigla si Sam) Effective talaga ang aking mga threats! (masyadong napabilib sa sarili si Luis)

SAM: Ui hindi ah! Lumabas ako dahil masakit na sa pwet! (pageexcuse nito pero sa totoo ay natakot nga siya sa sinabi ni Luis)

LUIS: By the way, hindi ka ba magpapasalamat sa akin?

SAM: Bakit naman?

LUIS: Because if it wasn't for me crashing sa van niyo hindi ka malilipat dito! (sabay kindat)

Narecall naman ni Sam ang nangyari. Napahawak tuloy siya sa balikat na may bakas ni Devon.

SAM: Thanks Luis... (then umalis na with a big smile on his face)

To be continued....
(bawi tayo guys... bukas magpopost ako ng chapter 13, PROMISE:))


Sunday, October 16, 2011

Crazy, Stupid Love (11)



She was never the jealous type kahit noong gusto pa niya si Ivan ay hindi ito nagseselos kahit pa lapit-lapitan ito ng mga magagandang fans. Pero ngayon na nasa harapan niya si Sam at katabi pa nito si Coleen ay halos mamula-mula siya sa selos.

Alam ng lahat na kung hindi siya nadiscover sa kanyang modeling gig ay si Coleen ang magiging love team ni Sam. Subalit sa kamalasan ni Coleen ay siya ang napiling itambal kay Samuel. Parte ng barkada nila si Coleen… cast member rin kasi ito sa Good Vibes at napaka-enjoy ding kasama. Kaya everyone likes her… including Sam.

COLEEN: Then dun sa parade nakita namin sina Prince William at ang Duchess! Gosh! She’s so pretty! (patuloy pa rin ito sa pagkukwento ng kanyang vacation sa hometown, ang London)

HEIDI: WOW! Hindi ka humingi ng autograph?

COLEEN: You can’t come close to them eh. Maraming guards! (sabay tawa)

Sa bawat kwento nito ay napupukaw niya ang atensyon ng lahat. Ganun talaga si Coleen, whenever she speaks everyone listens. Pero ayaw man mainis ni Devon sa kaibigan, hindi niya ito mapigilan. Dahil nakikita niya sa mukha ni Sam ang kaligayahan, ang isang bagay na hindi niya maibigay sa mahal.

AARON: You know what guys, dapat mag-out of town tayo kahit minsan! (maligalig nitong saad)

Naexcite naman ang lahat sa proposition ni Aaron. Never pa kasi silang nag-out of town, puro hang out lang sa labas then hanggang sleep overs lang for the girls. Kaya naman kahit si Devon ay natuwa sa ideyang out of town ng barkada nila. Magvovolunteer na sana siya na sa Palawan nalang sila pero naunahan na siya ni Coleen.

COLEEN: Tamang-tama! May town house kami sa Tagaytay… dun nalang tayo!

ROBI: Tagaytay again? Alam mo bang every year dun kami lagi? (naaasar nitong sabi)

COLEEN: Kung ayaw niyo sa Tagaytay edi saan niyo gusto?

QUEN: Bora? 

LINN: Dapat dun sa place na hindi masyadong habituated ng mga tao para maenjoy talaga natin ang time at nature!

SAM: Edi sa Palawan nalang! (sabay tingin kay Devon) Sa pagkakaalam ko may bahay sila Devz doon! (mas bumilis ang tibok ng puso niya nang kindatan siya nito) 

Hindi maintindihan ni Devon kung nababasa ba ni Sam ang nasa isipan niya. A while ago she decided na wag nalang ibring up ang Palawan idea pero suddenly Sam mentioned it. Actually on a second thought ay ayaw niyang doon sila sa kadahilanan na masyadong malayo sa bayan. Pero hindi na siya makatanggi dahil mukha namang gustong-gusto ng lahat ang ideya ni Sam.

ROBI: That's a nice idea! I've never been to Palawan! At perfect opportunity ito para makita natin kung gaano kayaman si Devz. Manlilibre ka ba ng pamasahe? (tanong nito kay Devon)

HEIDI: Ano ka ba Robi? Napakakuripot mo talaga! Ang laki-laki ng sweldo mo tapos plane ticket lang hinihingi mo pa kay Devz?

ROBI: Heids, do you understand the word "joke"? Eto naman kung makareact! (naaasar na sabi nito)

DEVON: Tama na yan! (sa wakas nakapagsalita na rin siya) LQ nanaman kayo eh! Sige! Palawan nalang tayo!

Nagcheer naman ang lahat.

COLEEN: After SMB nalang... wait! Sinu-sino ang mga partners niyo?

Napaisip naman si Devon. Sabi sa kanya ng mga fans niya ay maghintay lang siya at meron ding magtatanong pero hanggang ngayon ay wala pa rin. At mas masakit pa dito ay alam naman niyang magiging partner parin niya si Sam kasi nga loveteam sila. Masakit dahil katulad dati mapipilitan lang ito. Gusto niya ay sa sariling free will ni Sam... hindi dahil sa responsibility at duty na love team sila.

LYNN: May nag-ask na! (nahihiya nitong pag-amin) Pero too many to mention eh! (WASAK! Haba ng hair)

COLEEN: (natawa naman ito kay Lynn) Mabuti ka pa, Ako I'm still waiting for Sam to ask me eh!

She intended that as a joke pero for Devon and the rest of the gang, they interpreted it as a "pagpaparinig" kay Sam. Devon felt very heavy when she saw Sam smile at Coleen and lean down to whisper something. Everyone was still shocked but Devon feels like she could throttle someone; it's either Coleen or Sam.  

Late na nang makauwi si Devon. Hinatid siya pauwi ni Ivan at agad-agad naman siyang pumasok sa loob ng kanyang bahay. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya at sa sobrang pagod ay agad siyang nakatulog. Siguro mga tatlong oras palang siya nakakaiglip nang magising siya ng biglang pagvivibrate ng kanyang iphone.

DEVON: Hello? (inaantok niyang tanong)

COLEEN: Devz! Sorry kung nagising kita (nagising naman si Devon nang marecognize niya na ang tumawag ay si Coleen, the last person she wants to talk to)

DEVON: It's 3 A.M, Coleen! (she grunted) This ought to be important!

COLEEN: Hindi kasi ako makatulog eh! I've been thinking about this kanina pa and I want to ask you kung okay lang na si Sam ang partner ko sa SMB?

'Shi...t! You got to be kidding me!' Devon thought.
Hindi makapagsalita si Devon. She assumed na si Sam mismo ang nag-ask sa kaibigan but love team sila for crying out loud at kung iba ang partner nila sa SMB for sure ay magkakaroon ng maraming issues. Worst case scenario ay baka makitaan ng potential sila Sam at Coleen... baka mawala siya sa eksena. At baka sa later projects ay maging 3rd party nalang siya sa dalawa. Natakot siya ng husto.
 Sam knows about that. Pero he still asked Coleen... did she just got her heart broken?

DEVON: Okay lang! (she wants to hurt herself) Change is good! (pero ang isip niya ay walang ibang sinasabi kundi 'I don't like it to change') It's perfectly f-fine! (No it's not!)

COLEEN: Thanks Devz! Ngayon makakatulog na ako ng mahimbing! Good night, hugs and kisses! (sabay baba sa phone)

Devon could never forgive herself. What has she done? She just gave him away! But she knows perfectly na siya naman ang hindi na makakatulog nito.

................................

Two days later ay maaga siyang pumasok sa rehearsals at naasar siya sa kanyang road manager dahil siya palang ang andoon at napaka-aga siyang ginising nito.She was on the phone when Sam entered the rehearsals room. Hindi niya ito napansin dahil ang full attensyion niya ay nasa kausap.

DEVON: Really? (hindi ito makapaniwala)

CLARE: Ready na yung dress mo!  Phew! Salamat naman sa diyos at natapos yun on time! You don’t have to come her for the fitting. Magkita nalang tayo sa SMB night 3 days from now ah!

DEVON: Thank you ate Clare! How could I manage without you? Thank you talaga!

Binaba na niya ang phone  at hindi maitago sa kanyang mukha ang kaligayahan. Natapos na rin ang kanyang fantastic gown! Yes! Ipapakita niya kay Sam na nagkamali siya sa pagiinvite kay Coleen instead of her. 

DEVON: Makikita mo din, Concepcion! (masaya nitong saad with a slight vengeance sa kanyang isipan)

SAM: Anong makikita ko? (bigla itong nagsalita malapit sa tainga ni Devon at napatalon naman ang huli sa sobrang gulat)

DEVON: Ano ka ba? May balak kabang patayin ako? (sabay hawak sa kanyang dibdib para mapabalika ng normal na heart beat ng kanyang puso) Kanina ka pa ba diyan?

SAM: Ano nga yung makikita ko? (pagpipilit nito)

DEVON: At what made you think na ikaw ang tinutukoy ko?

SAM: You just said Concepcion! (inosente nitong inulit ang kanyang narinig)

'Ayy! Oo nga pala! ANG TANGA MO TALAGA DEVZ' she thought.

DEVON: Wala iyon! (sabay iwas ng tinggin)

Napangiti naman si Sam dahil sa biglang pagbublush ng kausap. 'Nahihiya rin pala ito!' ang sabi ng isip niya about Devon. Unti unti siyang lumapit dito habang si Devz naman ay paatras ng paatras hanggangsa wala na siyang maatrasan. Nakorner na siya nito at ang nakakakaba pa ay silang dalawa lang ang andoon. Hindi niya magawang tingnan ng deretso si Sam kaya naman napatitig na lang siya sa sahig.

SAM: Ngayon ko lang narealize… maganda ka pala!

Was she suppose to take that as a compliment or a criticism? ‘Loko ‘to ah! Ngayon lang niya narealize’ she thought.

DEVON: Of course I am. After all these year, ngayon mo lang naisip yan? How slow Samuel! (nanumbalik ang kanyang lakas ng loob, ganoon talaga siya pagnaooffend; tumatapang)

SAM: Alam mo mas bagay yung kaninang ikaw!

DEVON: What do you mean?

SAM: Bagay sayo yung Devon na bigla-biglang magbublush at hindi makapagsalita, mas nagmumukha kang babae (pagkatapos manginsulto ay napalakas ang paghalakhak nito)

Hahampasin na sana ng dalaga si Sam pero napigilan niya ito. Siguro isang miracle na nahasa siya nito pagdating sa pag-iwas sa mga sampal at suntok. Nakatitig pa rin siya dito habang mahigpit pa rin ang kanyang hawak kay Devon.

SAM: Hindi bagay sayo pag ganyan ka… mukha kang amazona at sa paningin ko tuloy ang laki-laki ng mga muscles mo! (mas worse pa to sa unang insulto! Patuloy si Sam sa pagtawa habang hindi makawala si devon sa pagkakahawak niya)

DEVON: Bitiwan mo nga ako! Sam! Bitiwan mo ako!

SAM: Ayoko nga! Make me! (paghahamon nito)

But she’s not the type of person to back down from a challenge. At may naisip siyang paraan para mabitawan na rin. Sinipa niya ng napakalakas si Sam sa tuhod. At hindi siya nabigo… binitiwan na rin siya nito.

SAM: Sh…t! HEY! Ang sakit nun ah!

DEVON: Buti nga sayo! (sabay belat dito)

‘I like it when you do that’ Sam thought kahit na sobrang sakit pa ng tuhod niya.

SAM: I’ll pick you up at 6!

Nagtaka naman si devon sa sinabi ni Sam. What 6? May event ban a hindi niya alam?

DEVON: What? Anong 6?

SAM: Sa Thursday ano pa ba?

DEVON: May event ba tayo sa Thursday? SMB kaya… (napatulala siya nang mabagal na nagproseso ang impormasyon sa kanyang utak) Are you inviting me? (hindi pa rin siya makapaniwala, akala kasi niya magisa siyang pupunta sa ball)

SAM: Hindi ba obvious? We’re a love team! Expected na dapat magkasama tayo dun!

‘Oh! So napilitan ka nanaman!’ sobrang disappointed siya sa sarili for expecting. At least he’s going with her… not with Coleen.

DEVON: Okay na rin ‘to (mahina niyang sabi morelike to herself)

SAM: Huh? Anong sabi mo? (narinig pala ito ni Sam)

Subalit hindi na nakasagot  si Devon dahil nagsimula nang pumasok ang iba pang GV crew. For 2 hours ay very tiring ang kanilang practice… pawis na pawis ang lahat kahit naka-aircon ang room at hindi lalagpas sa 5 minutes ang water breaks nila. Napaka-strict ng kanilang practice. Nang mabigyan sila ng 15 minutes break ay sinamahan ni Devon sa CR si Lynn. Paglabas nila ay nagulat silang dalawa dahil andun nakatayo si Ivan. At parang gusto nitong kausapin si Devon.

LYNN: Maiwan ko muna  kayo! (at nang makaalis na ito ay nagsimula na si Ivan)

IVAN: Best! Will you be my partner sa Ball? (hindi niya mawari kung ngingiti o magmumukhang seryoso in front of his best friend)

DEVON: (She felt very sorry for her best) Sorry… partner ko na si Sam eh!

Kahit na rejected ay Ivan still found the way to act cool. Perhaps para na rin hindi niya maramdaman ang sakit na kanyang nadadama.

IVAN: There’s no harm in trying naman Best, di ba? I thought hindi ka yayayain ni Sam eh!

DEVON: Bakit dahil gusto niyang partner si Coleen? (malungkot niyang tanong)

IVAN: No! (bigla naman ito nagtaka kung bakit biglang nag-appear ang pangalan ni Coleen) Kasi sabi ni Mr. M na we can invite anyone we want to be our partner regardless of any loveteams! Pwede kasing hindi mo love team ang partner mo!

Bakit ganun na lang ang panlalamig ni Devon… hindi nanaman normal ang kanyang heart beat and the only face she could see was Sam’s.

DEVON: Pero niyaya pa rin niya ako!

Nakabalik na sila at nang pumasok na si Devon sa loob ay sakto namang napalingon si Sam sa direksyon niya. Sa paningin niya ay silang dalawa lang nanaman ni Sam sa loob at napapalibutan sila ng mga bulaklak. Time stopped and she thought her breathing also stopped.

‘Sam… I’m sorry… I think I’m falling further and further in love with you’

Crazy, Stupid Love (10)

London, Great Britain


In a spacious and luxurious office building overlooking the magnificent view of London was a man sitting calmly on his chair. He was having his regular brewed coffee and a bagel for breakfast. The suit he was wearing fits his handsome rustic look perfectly. And he has that charismatic air on him that so many girls fall for. Some say he has everything… but to him the most important thing hasn’t come yet.
His attention was taken away from his breakfast when the huge door to his office opens. An old man, his secretary entered the room.

SECRETARY: Sir J, a parcel arrived and it was addressed for you. Shall I bring it in or should I deliver it to your house instead?

SIR J: Just bring it in. I’ve been waiting for that! (he took a last sip of his coffee and then stood up)

His secretary returned with a medium sized parcel that was wrapped in brown paper. He immediately left to leave his boss to his privacy. Sir J opened it and shock overtook his face when he saw the things the parcel contained. Jealousy crept up his face and instead of blushing bright red, he burned with anger.

SIR J: I surely underestimated the situation. I couldn’t just stay here and watch!

He abruptly took his phone out and called. The person on the other line quickly answered “hello”.

SIR J: We need to go back to the Philippines.

GIRL: We? I thought I’m the only one going home!

SIR J: I changed my mind… and I think I need your help

GIRL: My help? Are you really my cousin? (she sarcastically stated)

SIR J: I need your help as much as you’ll need mine… Coleen! (he said a matter-of-factly)

………………………………………….

ABS-CBN BUILDING


Pack-up na ang staffs and crew ng noontime show na Showtime wherein nag-guesting sila Sam, Devon at iba pang GV crew to promote the last 2 weeks of their show. Napaka-init ng kanilang ginawang dance performance na kahit ang mga director ng naturang show ay napatameme sa panunuod. Kasalukuyang nasa iisang dressing room ang magbebestfriends na sila Devon, Lynn at Heidi. At nasa kalagitnaan na sila sa iang usapang lubos naman nagpapakilig sa kanila.


HEIDI: Hay naku! Tama na nga yan about my love life! Ayaw ko nang pagusapan! (nagtatampong saad nito sa dalawang kaibigan)


LYNN: (pinipilit ang sarili na wag na tumawa habang si Devon naman ay halakhak parin ng halakhak) Ang sakit na ng tiyan namin! (napapalakpak na lang siya sa sobrang kapaguran)


HEIDI: Yeah whatever! (nagtatampo pa rin ito) It's your turn naman Devz (sabay turo sa walang kammuang-muang na si Devon)


DEVON: Ako? Wala akong love life noh!


LYNN: And you expect us to believe you? (sarkastiko nitong tanong) We saw you kaya with Sam the other night... muntik na kayong mag-ki... (nerbyos na nerbyos na tinakpan ni  Devon ang bibig nito)


DEVON: Shhh... Wag ka maingay! Baka may makarinig! 


HEIDI: Ayie! At since when ka pa nahiya about these things? (pangaasar nito)


LYNN: Remember after every kissing scene mo with him simula sa teleserye hanggang sa GV 2 ay lagi nating pinagtatawanan. Bakit naman ngayon parang bigla kang nahiya?


Hindi makasagot si Devon dahil totoo naman ang mga sinabi ng kanyang kaibigan. Being a love team for a year na ay nagkakissing scenes na siya with Sam. At after every take ay pinagtatawanan nila ang scenes na iyon. Ayaw na ayaw nga niya kay Sam noon kaya naman the only way para wala siyang maramdaman towards dito ay laitlaitin nalang niya ito. Pero ngayon nagiba na ang lahat. Bakit kaya?


LYNN: Best, gusto mo na ba siya? (pero hindi pa rin sumagot si Devon)


HEIDI: Alam mo Devz, malalaman mo lang naman na gusto mo ang isang tao pag-gusto mo na siyang araw-araw kasama...ganun ka ba kay Sam? (concerned na tanong nito)


DEVON: Gusto kong andyan siya para may aawayin ako! Yun lang (buong pusong pagsagot nito)


HEIDI: (sigh) Eh masaya ka ba pag andyan siya?


DEVON: Oo naman! May paglalabasan kasi ako ng stress eh!


LYNN: Eh nagseselos ka naman sa iabng girls? (impatient nitong saad)


DEVON: NO! I don't get jealous! I never get jealous!


Nagkatinginan  sila Lynn at Heidi at parang nakapag-usap sila sa pamamagitan ng isipan lamang.


DEVON: Edi ibig sabihin hindi ko siya gusto! I told you! (masaya itong tumayo, kinuha ang kanyang phone at lumabas muna saglit)


LYNN: Actually, hindi pa kasi dumarating ang pagseselosan mo Devz!

…………………………………..

Lumabas siya para makahinga. Kinorner ba naman siya ng mga kaibigan. Matagal na niyang tanggap na may feelings na siya sa kalove-team pero ayaw niya iyong ipakita sa iba... lalo na kay Sam. Mataas din naman kasi ang pride niya. At baka pag nalaman ni Sam ito ay baka magbago na ang pagtrato nito sa kanya. Tama ang mga sinabi nila Lynn at Heidi sa kanya; masaya siya pag Sam is there at nagiging selfish na siya for wishing na sana everytime ay kasama niya ito. Mahal niya kasi ito. Napamahal na siya dito.


Naistorbo ang kanyang pagiisip nang may makitang isang pamilyar na lalaking dumaan sa harapan niya. Kahit na nakita na siya nito ay patuloy-tuloy pa rin ito sa paglalakad. Kailangan pang habulin ni Devon si Ivan para lang makausap. Then she grabbed his arm.

DEVON: Ivan! Best! Bakit hindi ka namamansin?

IVAN: Wala lang!

DEVON: Galit ka ba? (naalala niya tuloy ang mga nangyari noong isang gabi)

IVAN: Bakit naman ako magagalit?

DEVON: Wala lang. Best, bonding naman tayo! Sama tayo sa lakad nila Robi mamaya

IVAN: Kasama si Sam?

DEVON: Bakit? Pag andun ba siya hindi ka sasama? (nagtataka nitong tanong)

IVAN: Well, yes! (hindi papala nagkakaayos ang dalawa)

DEVON: May lakad siya mamaya! (nalungkot siya sa sinabi pero hindi na niya pinahalata kay Ivan)

IVAN: Good! (for the first time that day ay nakita narin ni Devon na ngumiti ito)
……………………………………

Noong una ay they can’t make up their minds kung manunuod sila ng sine, kakain sa resto o magbobowling sa mall. Kinalaunan ay KTV ang kinahantungan nila. Feel na feel nina Aaron at Quen ang isang napakasenting love song habang ang girls naman ay hindi matigil-tigil sa pagkuha ng nakakatuwang video nila Quen. Si Ivan naman ay masinsinang nakikipaggkwentuhan sa kanyang best friend sa isang corner.

IVAN: Yes, I remember that day perfectly! You were so funny then!

DEVON: Bakit ngayon hindi na?

IVAN: Hindi na masyado… nakakadistract na kasi yang kagandahan mo! (pagbibiro nito)

DEVON: Bakit dati hindi nakakadistract ang beauty ko? Best nakakainsulto ka na ah!

IVAN: Seriously, from the very first time we met and up until to this moment… and I know as long as I see you smile… you’ll always be the most beautiful woman in my eyes! 

Kung nakakatunaw ang mga tingin nito sa kanya… ang mga sinabi naman nito ang makakapag-pahimatay sa kanya. Kahit na pawala na ang kanyang feelings para sa best friend ay hindi pa rin niya mapigilang kiligin sa mga titig nito. Umiwas na lang siya ng tingin at iniba ang usapan.

AARON: Sam’s on his way! (bigla nitong sigaw sa barkada)


The smile on Ivan's face suddenly vanished nang marinig niya ito.

IVAN: I thought he’s not coming? (naaasar na tanong nito)

AARON: May surprise daw siya sa atin!

HEIDI: Baka naman surprise para kay Devz hindi para sa atin!

Biglang bumukas ang pinto at isang masayang lalaki ang pumasok. Para bang nanalo siya sa loto dahil sa kakaibang ngiti nito.

ROBI: Where have you been, Dude?

SAM: Sorry Guys kung late ako! May sinundo lang ako sa airport

LYNN: Airport? Bakit? Sino ba ang dumating?

Bago pa sagutin ni Sam ang tanong ni Lynn ay cute na bumulaga mula sa likod ni Sam si Coleen. Lahat sila ay nabigla at masayang lumapit sa kaibigan para batiin ito.

HEIDI: We miss you girl!

QUEN: Wala bang pasalubong?

COLEEN: Nasa hotel eh! Tomorrow na lang!

Umupo na sila para making sa mga kwento ni Coleen, lahat ng kanilang attensyon  ay nakatuon sa kanya. At every minute ay mas lalong naaasar si Devon dito. Paano ba naman… palo ng palo kay Sam. Sa pagkakatanda niya walang ibang  gumagaw niyan sa ka-love team kundi siya. For the first time ay nakadama siya ng selos dahil kay Coleen. Kaya naman pala hindi sumasagot si Sam sa mga text niya... he's with Coleen.

Tuesday, October 11, 2011

Crazy, Stupid Love (9)

a/n: When I heard the news na magkaka-tv show sila Sam at Devon for real ay sobrang saya ko talaga. Immeasurable! At cherry on top pa yung pagiging love interests nila doon sa nasabing show. Natupad na rin ang matagal na demand ng Bubbles! Congrats to us all. I dedicate this chapter to all those bulas out there! I decided to make the first part based  sa POV ni Sam C. Wala lang I just want to know kung ano ba talagang tumatakbo sa isip niya :'') Ayy.. add ko lang... sa sobra kong SAMVON fanatic braces ko purple na, nail polish ko purple din... baka siguro one of these days pati narin buhok ko purple na rin. haha. joke! ENJOOOY!

Crazy, Stupid Love (9)

I believe there is that one special moment in our lives wherein no matter how much time pass by, the memory will never fade. You know, being with her right now is that “one special” moment in my life which I will never forget. Having her hands on my shouders and our foreheads almost touching, it feels like heaven para sa akin. I think de javu ito dahil kahawig nito ang scene na nagawa namin para sa SERENDIPITY pero I don’t care. Kahit anong scenario okay lang basta only with Devon. I want to kiss her… let my emotions rule over my reason. Bahala na kung anong mangyari after nito… tatanggapin ko ang mga sampal at suntok niya basta lang…

Under the starry night, malakas pa rin ang ingay na nagmumula sa mga palaka sa paligid subalit oblivious sina Devon at Sam dito. Sobra silang absorbed sa isa’t isa na hindi rin nila napansin na may padating na kotse. Hindi mawari ni Sam kung anong tumatakbo sa isipan ni Devon basta ang alam lang niya ay napakalakas ng tibok ng puso niya. Titig pa nga lang ni Devon nakakatunaw na, ano pa kaya pag nakaakbay ito sa kanya. Hindi niya alam kung ang katahimikan o ang mapupungaw na mga mata ni Devon ang nagpayuko sa kanya. Ang buong akala niya ay iiwas si Devon pero sa awa ng diyos ay nanatili lang itong nakatitig sa kanya. He was leaning closer at sapat nang encouragement ang pagpikit nito nang kanyang mga mata. Malapit na… sobrang lapit… konting-konti na lang…

AHEMM…

Nagulat silang dalawa nang marinig ito. Halos lumabas na ang kanilang mga eyeballs nang maliwanag sila na may ibang taong andoon. Bigla nilang nilingon ang mga ito at nakita ang kanilang barkada. Hiyang-hiya na tinulak papalayo ni Devon si Sam. Habang maingay na nangangantyaw ang kanilang mga kabarkada.

AARON: Wow! (sabay palakpak) Ibang-iba talaga ang pag-ibig pag offcam, napakarealistic! (pangangantyaw nito sa kaibigan)

HEIDI: Ang ganda naman nun Devz! It almost took my breath away (mala-hopeless romantic na saad nito)

Habang papalapit ang mga ito kasama sila Quen, Robi at Lynn hindi mapigilang takpan ni Devon ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay sa sobrang pagkahiya. Hindi naman siya ganito pag sa harap na ng camera pero sa harapan ng barkada niya ay sobrang nahihiya siya. Siguro dahil napaka-special ng nangyari para sa kanya. At kind of disappointed siya sa pangingistrbo ng mga ‘to.

LYNN: (patalon-talong kinikilig sa nakita) Haba talaga ng hair mo, best. One of these days nga ishare mo sken lahat ng secret mo ah! (sabay tawa ang buong barkada)

SAM: A-ano bang ginagawa niyo dito? (pinipilit ni Sam na magtunog casual siya pero halata parin ang pagkakilig nito sa kanyang namumulang mukha)

QUEN: Dapat nga tanungin ka din namin niyan eh!

ROBI: Hindi mo ba nakita Quen, nagpapractice sila ni Devz sa kissing scene nila (sabay tawa ito pagkatapos ay nakipag- high five kay Quen)

Nasa apex na ng Mount Everest ang level ng kahihiyan ni Devon. Hindi niya alam kung anong gagawin; itataboy ba niya ang mga kaibigan o magpatama na lang sa kidlat. At mas nagustuhan niya ang huli. Ni hindi nga niya alam kung anong sasabihin niya eh. Ang nagawa na lang niya ay saktan ang sarili mentally.

SAM: Si Devon ang nag-initiate kaya naman pinag-bigyan ko na (mayabang na sabi nito)

May lumabas namang mainit na hangin sa tenga ni Devon (parang toro lang) nang marinig ang mga sinabi ng ka-love team tungkol sa kanya. Nawala ang hiya at ang pumalit dito ay ang sense na ipagtanggol ang kanyang sarili.

DEVON: Ang kapal mo! Hindi ako ang nag-initiate!(sigaw nito)

SAM: Eh ikaw yung nakakapit sa akin eh! Kita niyo naman guys, diba?

At tumango ang lahat…

DEVON: That’s not what happened, may frog… (hindi siya pinatapos ni Sam nang ilapat nito ang kanyang daliri sa labi ni Devon)

SAM: Shh.. Tama na Devz, kahit anong paliwanag mo walang magbabago. Gustong-gusto mo ako halikan kaya naman tinalunan mo ako! (pangaasar nito) Pero sorry ka na lang dumating sila!

DEVON: BWISET KA TALAGA! (nakakabingi nitong sigaw at pinagpapalo na nang sobrang lakas si Sam)

Natawa naman at kinilig ang iba dahil sa aso’t pusang pagbabangayan ng dalawa. Minsan nga pagsila-sila lang at hindi kasama ang Samvon ay ito ang lagi nilang pinaguusapan. Kung tutuusin ay yun na nga lang ang topic nila lagi, favorite. Agree ang lahat sa idea na kahit papaano ay may pagtingin na ang Samvon sa isa’t isa. Hindi man ito aminin ay mismong sila ang nakakakita. Friends know best.

LYNN: Wait! Parang may mali (hindi ito pinansin ng Samvon dahil may sarili silang mundo pero sumang-ayon naman ang iba dito)

HEIDI: Where’s Ivan? (Napahinto naman si Devon)

DEVON: Ivan? (kinakabahan niyang sinambit ang pangalan)

HEIDI: Yes, he was here with us pero baka umalis na.

Napatulala lang si Devon sa mga narinig. Pumasok sa isipan niya na baka nakita nito ang nangyari sa kanilang dalawa ni Sam. Imposible namang hindi nito makita iyon eh kasabay nga niyang dumating ang barkada. Paano na yan? Kinabahan siya sa maaring isipin ng best friend niya sa kanya.

DEVON: Bakit ba kayo andito? (walang ganang tanong nito)

AARON: Yayayain ka sana naming lumabas... bonding lang 

DEVON: No thanks!

QUEN: Sure ka? Sasama naman si Sam eh (pagbibiro nito subalit hindi naman natawa si Devon. Tiningnan lamang siya nito ng masama)

Nahalata nila ang biglang pagbabago sa mood ni Devon kaya naman sineryoso na rin nila ito.

ROBI: Okay lang! Baka masama ang pakiramdam ni Devz... Let's go na, Guys! (yaya nito)

Tahimik lang si Devon at naintindihan agad nila Heidi at Lynn ang dahilan kung bakit ganoon ang kaibigan. Inakbayan nalang nila ito at sumunod na kela Aaron. Nasa kotse na ang lahat subalit andoon pa rin si Sam.

DEVON: Bakit andito ka pa? (naiinis na tanong nito)

Tiningnan lang siya ni Sam. Hindi ito sumagot kaya naman iiwanan na sana niya ito pero bago pa siya makalayo ay hinablot nito ang kanyang kamay.

SAM: It doesn't matter kung nakita man niya o hindi... just don't think about him anymore (seryoso nitong saad)

DEVON: Doesn't matter? Oo baka sa iyo it doesn't matter pero sa akin big deal iyon! (padabog na itinanggal ang pagkakahawak ni Sam sa kanya)

SAM: Bakit naman napaka-big deal iyon for you? Diba best friend mo lang naman siya? Why are you acting like this? (naguguluhang tanong nito)

DEVON: Nevermind. Just go home! (pagod na siyang maki-away kaya naman naisipan niyang isuko muna ang pakikipagtalo kay Sam. Pero hinablot uli nito ang kanyang kamay)

SAM: Say it Devon! Ano ba talaga siya sayo? TELL ME! (lumakas ang boses nito at nagulat si Devon)

DEVON: Ano ba? Bitiwan mo nga ako! (pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa kanyang kamay pero bigo siya dito)

SAM: Sagutin mo muna ang tanong ko! What are your true feelings?

DEVON: I LIKE HIM! (nagulat si Sam sa isinigaw nito, kahit si Devon ay nagulat din sa mga lumabas sa bibig niya)

Nang tumingala siya sa kausap ay nakita niya ang pagkalugmok sa mukha nito. At lubos na nasaktan si Devon nang bitawan na ni Sam ang kamay niya. Kahit ayaw mag-assume ni Devon ay may nararamdaman siyang pagkabigo sa parte ni Sam. Nakasimangot na nagpaalam at humingi ng tawad si Sam kay Devon. Hindi inaasahan ni Devz na gagawin iyon ng ka-love team dahil sa pagkakaalam niya ay hindi ito humihingi ng tawad. Mas lalo tuloy lumakas ang tibok ng puso niya.

DEVON: Sam! (mahinang banggit nito subalit narinig pa rin ng binata) I like him as a friend. (malam nitong saad)

Napuno tuloy ng pagasa si Sam.

DEVON: I like Ivan as a friend dahil may mahal na akong iba

It was like binuhusan ng malamig na tubig si Sam. Nadisappoint siya noong una pero nilinaw ni Devon na kaibigan lamang ang turing nito kay Ivan. Tapos ngayon sasabihin niya na meron na siyang mahal na iba. Bwiset na bwiset si Sam na sumakay sa kanyang kotse.

Pauwi na si Sam subalit patulo pa rin siyang binabagabag ng mga sinabi ni Devon.

SAM: Ano ba to? Akala ko si Ivan ang rival ko... tapos ngayon may panibago naman? Sino kaya yun? Arghh! Nakakabwiset!
................................

Meanwhile...

DEVON: Kung alam mo lang Sam!