Tuesday, October 11, 2011

Crazy, Stupid Love (9)

a/n: When I heard the news na magkaka-tv show sila Sam at Devon for real ay sobrang saya ko talaga. Immeasurable! At cherry on top pa yung pagiging love interests nila doon sa nasabing show. Natupad na rin ang matagal na demand ng Bubbles! Congrats to us all. I dedicate this chapter to all those bulas out there! I decided to make the first part based  sa POV ni Sam C. Wala lang I just want to know kung ano ba talagang tumatakbo sa isip niya :'') Ayy.. add ko lang... sa sobra kong SAMVON fanatic braces ko purple na, nail polish ko purple din... baka siguro one of these days pati narin buhok ko purple na rin. haha. joke! ENJOOOY!

Crazy, Stupid Love (9)

I believe there is that one special moment in our lives wherein no matter how much time pass by, the memory will never fade. You know, being with her right now is that “one special” moment in my life which I will never forget. Having her hands on my shouders and our foreheads almost touching, it feels like heaven para sa akin. I think de javu ito dahil kahawig nito ang scene na nagawa namin para sa SERENDIPITY pero I don’t care. Kahit anong scenario okay lang basta only with Devon. I want to kiss her… let my emotions rule over my reason. Bahala na kung anong mangyari after nito… tatanggapin ko ang mga sampal at suntok niya basta lang…

Under the starry night, malakas pa rin ang ingay na nagmumula sa mga palaka sa paligid subalit oblivious sina Devon at Sam dito. Sobra silang absorbed sa isa’t isa na hindi rin nila napansin na may padating na kotse. Hindi mawari ni Sam kung anong tumatakbo sa isipan ni Devon basta ang alam lang niya ay napakalakas ng tibok ng puso niya. Titig pa nga lang ni Devon nakakatunaw na, ano pa kaya pag nakaakbay ito sa kanya. Hindi niya alam kung ang katahimikan o ang mapupungaw na mga mata ni Devon ang nagpayuko sa kanya. Ang buong akala niya ay iiwas si Devon pero sa awa ng diyos ay nanatili lang itong nakatitig sa kanya. He was leaning closer at sapat nang encouragement ang pagpikit nito nang kanyang mga mata. Malapit na… sobrang lapit… konting-konti na lang…

AHEMM…

Nagulat silang dalawa nang marinig ito. Halos lumabas na ang kanilang mga eyeballs nang maliwanag sila na may ibang taong andoon. Bigla nilang nilingon ang mga ito at nakita ang kanilang barkada. Hiyang-hiya na tinulak papalayo ni Devon si Sam. Habang maingay na nangangantyaw ang kanilang mga kabarkada.

AARON: Wow! (sabay palakpak) Ibang-iba talaga ang pag-ibig pag offcam, napakarealistic! (pangangantyaw nito sa kaibigan)

HEIDI: Ang ganda naman nun Devz! It almost took my breath away (mala-hopeless romantic na saad nito)

Habang papalapit ang mga ito kasama sila Quen, Robi at Lynn hindi mapigilang takpan ni Devon ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay sa sobrang pagkahiya. Hindi naman siya ganito pag sa harap na ng camera pero sa harapan ng barkada niya ay sobrang nahihiya siya. Siguro dahil napaka-special ng nangyari para sa kanya. At kind of disappointed siya sa pangingistrbo ng mga ‘to.

LYNN: (patalon-talong kinikilig sa nakita) Haba talaga ng hair mo, best. One of these days nga ishare mo sken lahat ng secret mo ah! (sabay tawa ang buong barkada)

SAM: A-ano bang ginagawa niyo dito? (pinipilit ni Sam na magtunog casual siya pero halata parin ang pagkakilig nito sa kanyang namumulang mukha)

QUEN: Dapat nga tanungin ka din namin niyan eh!

ROBI: Hindi mo ba nakita Quen, nagpapractice sila ni Devz sa kissing scene nila (sabay tawa ito pagkatapos ay nakipag- high five kay Quen)

Nasa apex na ng Mount Everest ang level ng kahihiyan ni Devon. Hindi niya alam kung anong gagawin; itataboy ba niya ang mga kaibigan o magpatama na lang sa kidlat. At mas nagustuhan niya ang huli. Ni hindi nga niya alam kung anong sasabihin niya eh. Ang nagawa na lang niya ay saktan ang sarili mentally.

SAM: Si Devon ang nag-initiate kaya naman pinag-bigyan ko na (mayabang na sabi nito)

May lumabas namang mainit na hangin sa tenga ni Devon (parang toro lang) nang marinig ang mga sinabi ng ka-love team tungkol sa kanya. Nawala ang hiya at ang pumalit dito ay ang sense na ipagtanggol ang kanyang sarili.

DEVON: Ang kapal mo! Hindi ako ang nag-initiate!(sigaw nito)

SAM: Eh ikaw yung nakakapit sa akin eh! Kita niyo naman guys, diba?

At tumango ang lahat…

DEVON: That’s not what happened, may frog… (hindi siya pinatapos ni Sam nang ilapat nito ang kanyang daliri sa labi ni Devon)

SAM: Shh.. Tama na Devz, kahit anong paliwanag mo walang magbabago. Gustong-gusto mo ako halikan kaya naman tinalunan mo ako! (pangaasar nito) Pero sorry ka na lang dumating sila!

DEVON: BWISET KA TALAGA! (nakakabingi nitong sigaw at pinagpapalo na nang sobrang lakas si Sam)

Natawa naman at kinilig ang iba dahil sa aso’t pusang pagbabangayan ng dalawa. Minsan nga pagsila-sila lang at hindi kasama ang Samvon ay ito ang lagi nilang pinaguusapan. Kung tutuusin ay yun na nga lang ang topic nila lagi, favorite. Agree ang lahat sa idea na kahit papaano ay may pagtingin na ang Samvon sa isa’t isa. Hindi man ito aminin ay mismong sila ang nakakakita. Friends know best.

LYNN: Wait! Parang may mali (hindi ito pinansin ng Samvon dahil may sarili silang mundo pero sumang-ayon naman ang iba dito)

HEIDI: Where’s Ivan? (Napahinto naman si Devon)

DEVON: Ivan? (kinakabahan niyang sinambit ang pangalan)

HEIDI: Yes, he was here with us pero baka umalis na.

Napatulala lang si Devon sa mga narinig. Pumasok sa isipan niya na baka nakita nito ang nangyari sa kanilang dalawa ni Sam. Imposible namang hindi nito makita iyon eh kasabay nga niyang dumating ang barkada. Paano na yan? Kinabahan siya sa maaring isipin ng best friend niya sa kanya.

DEVON: Bakit ba kayo andito? (walang ganang tanong nito)

AARON: Yayayain ka sana naming lumabas... bonding lang 

DEVON: No thanks!

QUEN: Sure ka? Sasama naman si Sam eh (pagbibiro nito subalit hindi naman natawa si Devon. Tiningnan lamang siya nito ng masama)

Nahalata nila ang biglang pagbabago sa mood ni Devon kaya naman sineryoso na rin nila ito.

ROBI: Okay lang! Baka masama ang pakiramdam ni Devz... Let's go na, Guys! (yaya nito)

Tahimik lang si Devon at naintindihan agad nila Heidi at Lynn ang dahilan kung bakit ganoon ang kaibigan. Inakbayan nalang nila ito at sumunod na kela Aaron. Nasa kotse na ang lahat subalit andoon pa rin si Sam.

DEVON: Bakit andito ka pa? (naiinis na tanong nito)

Tiningnan lang siya ni Sam. Hindi ito sumagot kaya naman iiwanan na sana niya ito pero bago pa siya makalayo ay hinablot nito ang kanyang kamay.

SAM: It doesn't matter kung nakita man niya o hindi... just don't think about him anymore (seryoso nitong saad)

DEVON: Doesn't matter? Oo baka sa iyo it doesn't matter pero sa akin big deal iyon! (padabog na itinanggal ang pagkakahawak ni Sam sa kanya)

SAM: Bakit naman napaka-big deal iyon for you? Diba best friend mo lang naman siya? Why are you acting like this? (naguguluhang tanong nito)

DEVON: Nevermind. Just go home! (pagod na siyang maki-away kaya naman naisipan niyang isuko muna ang pakikipagtalo kay Sam. Pero hinablot uli nito ang kanyang kamay)

SAM: Say it Devon! Ano ba talaga siya sayo? TELL ME! (lumakas ang boses nito at nagulat si Devon)

DEVON: Ano ba? Bitiwan mo nga ako! (pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa kanyang kamay pero bigo siya dito)

SAM: Sagutin mo muna ang tanong ko! What are your true feelings?

DEVON: I LIKE HIM! (nagulat si Sam sa isinigaw nito, kahit si Devon ay nagulat din sa mga lumabas sa bibig niya)

Nang tumingala siya sa kausap ay nakita niya ang pagkalugmok sa mukha nito. At lubos na nasaktan si Devon nang bitawan na ni Sam ang kamay niya. Kahit ayaw mag-assume ni Devon ay may nararamdaman siyang pagkabigo sa parte ni Sam. Nakasimangot na nagpaalam at humingi ng tawad si Sam kay Devon. Hindi inaasahan ni Devz na gagawin iyon ng ka-love team dahil sa pagkakaalam niya ay hindi ito humihingi ng tawad. Mas lalo tuloy lumakas ang tibok ng puso niya.

DEVON: Sam! (mahinang banggit nito subalit narinig pa rin ng binata) I like him as a friend. (malam nitong saad)

Napuno tuloy ng pagasa si Sam.

DEVON: I like Ivan as a friend dahil may mahal na akong iba

It was like binuhusan ng malamig na tubig si Sam. Nadisappoint siya noong una pero nilinaw ni Devon na kaibigan lamang ang turing nito kay Ivan. Tapos ngayon sasabihin niya na meron na siyang mahal na iba. Bwiset na bwiset si Sam na sumakay sa kanyang kotse.

Pauwi na si Sam subalit patulo pa rin siyang binabagabag ng mga sinabi ni Devon.

SAM: Ano ba to? Akala ko si Ivan ang rival ko... tapos ngayon may panibago naman? Sino kaya yun? Arghh! Nakakabwiset!
................................

Meanwhile...

DEVON: Kung alam mo lang Sam! 











1 comment:

  1. ay naku sam pormahan mo na kasi para di na maagaw sayo >_^

    ReplyDelete