Sunday, October 16, 2011

Crazy, Stupid Love (11)



She was never the jealous type kahit noong gusto pa niya si Ivan ay hindi ito nagseselos kahit pa lapit-lapitan ito ng mga magagandang fans. Pero ngayon na nasa harapan niya si Sam at katabi pa nito si Coleen ay halos mamula-mula siya sa selos.

Alam ng lahat na kung hindi siya nadiscover sa kanyang modeling gig ay si Coleen ang magiging love team ni Sam. Subalit sa kamalasan ni Coleen ay siya ang napiling itambal kay Samuel. Parte ng barkada nila si Coleen… cast member rin kasi ito sa Good Vibes at napaka-enjoy ding kasama. Kaya everyone likes her… including Sam.

COLEEN: Then dun sa parade nakita namin sina Prince William at ang Duchess! Gosh! She’s so pretty! (patuloy pa rin ito sa pagkukwento ng kanyang vacation sa hometown, ang London)

HEIDI: WOW! Hindi ka humingi ng autograph?

COLEEN: You can’t come close to them eh. Maraming guards! (sabay tawa)

Sa bawat kwento nito ay napupukaw niya ang atensyon ng lahat. Ganun talaga si Coleen, whenever she speaks everyone listens. Pero ayaw man mainis ni Devon sa kaibigan, hindi niya ito mapigilan. Dahil nakikita niya sa mukha ni Sam ang kaligayahan, ang isang bagay na hindi niya maibigay sa mahal.

AARON: You know what guys, dapat mag-out of town tayo kahit minsan! (maligalig nitong saad)

Naexcite naman ang lahat sa proposition ni Aaron. Never pa kasi silang nag-out of town, puro hang out lang sa labas then hanggang sleep overs lang for the girls. Kaya naman kahit si Devon ay natuwa sa ideyang out of town ng barkada nila. Magvovolunteer na sana siya na sa Palawan nalang sila pero naunahan na siya ni Coleen.

COLEEN: Tamang-tama! May town house kami sa Tagaytay… dun nalang tayo!

ROBI: Tagaytay again? Alam mo bang every year dun kami lagi? (naaasar nitong sabi)

COLEEN: Kung ayaw niyo sa Tagaytay edi saan niyo gusto?

QUEN: Bora? 

LINN: Dapat dun sa place na hindi masyadong habituated ng mga tao para maenjoy talaga natin ang time at nature!

SAM: Edi sa Palawan nalang! (sabay tingin kay Devon) Sa pagkakaalam ko may bahay sila Devz doon! (mas bumilis ang tibok ng puso niya nang kindatan siya nito) 

Hindi maintindihan ni Devon kung nababasa ba ni Sam ang nasa isipan niya. A while ago she decided na wag nalang ibring up ang Palawan idea pero suddenly Sam mentioned it. Actually on a second thought ay ayaw niyang doon sila sa kadahilanan na masyadong malayo sa bayan. Pero hindi na siya makatanggi dahil mukha namang gustong-gusto ng lahat ang ideya ni Sam.

ROBI: That's a nice idea! I've never been to Palawan! At perfect opportunity ito para makita natin kung gaano kayaman si Devz. Manlilibre ka ba ng pamasahe? (tanong nito kay Devon)

HEIDI: Ano ka ba Robi? Napakakuripot mo talaga! Ang laki-laki ng sweldo mo tapos plane ticket lang hinihingi mo pa kay Devz?

ROBI: Heids, do you understand the word "joke"? Eto naman kung makareact! (naaasar na sabi nito)

DEVON: Tama na yan! (sa wakas nakapagsalita na rin siya) LQ nanaman kayo eh! Sige! Palawan nalang tayo!

Nagcheer naman ang lahat.

COLEEN: After SMB nalang... wait! Sinu-sino ang mga partners niyo?

Napaisip naman si Devon. Sabi sa kanya ng mga fans niya ay maghintay lang siya at meron ding magtatanong pero hanggang ngayon ay wala pa rin. At mas masakit pa dito ay alam naman niyang magiging partner parin niya si Sam kasi nga loveteam sila. Masakit dahil katulad dati mapipilitan lang ito. Gusto niya ay sa sariling free will ni Sam... hindi dahil sa responsibility at duty na love team sila.

LYNN: May nag-ask na! (nahihiya nitong pag-amin) Pero too many to mention eh! (WASAK! Haba ng hair)

COLEEN: (natawa naman ito kay Lynn) Mabuti ka pa, Ako I'm still waiting for Sam to ask me eh!

She intended that as a joke pero for Devon and the rest of the gang, they interpreted it as a "pagpaparinig" kay Sam. Devon felt very heavy when she saw Sam smile at Coleen and lean down to whisper something. Everyone was still shocked but Devon feels like she could throttle someone; it's either Coleen or Sam.  

Late na nang makauwi si Devon. Hinatid siya pauwi ni Ivan at agad-agad naman siyang pumasok sa loob ng kanyang bahay. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya at sa sobrang pagod ay agad siyang nakatulog. Siguro mga tatlong oras palang siya nakakaiglip nang magising siya ng biglang pagvivibrate ng kanyang iphone.

DEVON: Hello? (inaantok niyang tanong)

COLEEN: Devz! Sorry kung nagising kita (nagising naman si Devon nang marecognize niya na ang tumawag ay si Coleen, the last person she wants to talk to)

DEVON: It's 3 A.M, Coleen! (she grunted) This ought to be important!

COLEEN: Hindi kasi ako makatulog eh! I've been thinking about this kanina pa and I want to ask you kung okay lang na si Sam ang partner ko sa SMB?

'Shi...t! You got to be kidding me!' Devon thought.
Hindi makapagsalita si Devon. She assumed na si Sam mismo ang nag-ask sa kaibigan but love team sila for crying out loud at kung iba ang partner nila sa SMB for sure ay magkakaroon ng maraming issues. Worst case scenario ay baka makitaan ng potential sila Sam at Coleen... baka mawala siya sa eksena. At baka sa later projects ay maging 3rd party nalang siya sa dalawa. Natakot siya ng husto.
 Sam knows about that. Pero he still asked Coleen... did she just got her heart broken?

DEVON: Okay lang! (she wants to hurt herself) Change is good! (pero ang isip niya ay walang ibang sinasabi kundi 'I don't like it to change') It's perfectly f-fine! (No it's not!)

COLEEN: Thanks Devz! Ngayon makakatulog na ako ng mahimbing! Good night, hugs and kisses! (sabay baba sa phone)

Devon could never forgive herself. What has she done? She just gave him away! But she knows perfectly na siya naman ang hindi na makakatulog nito.

................................

Two days later ay maaga siyang pumasok sa rehearsals at naasar siya sa kanyang road manager dahil siya palang ang andoon at napaka-aga siyang ginising nito.She was on the phone when Sam entered the rehearsals room. Hindi niya ito napansin dahil ang full attensyion niya ay nasa kausap.

DEVON: Really? (hindi ito makapaniwala)

CLARE: Ready na yung dress mo!  Phew! Salamat naman sa diyos at natapos yun on time! You don’t have to come her for the fitting. Magkita nalang tayo sa SMB night 3 days from now ah!

DEVON: Thank you ate Clare! How could I manage without you? Thank you talaga!

Binaba na niya ang phone  at hindi maitago sa kanyang mukha ang kaligayahan. Natapos na rin ang kanyang fantastic gown! Yes! Ipapakita niya kay Sam na nagkamali siya sa pagiinvite kay Coleen instead of her. 

DEVON: Makikita mo din, Concepcion! (masaya nitong saad with a slight vengeance sa kanyang isipan)

SAM: Anong makikita ko? (bigla itong nagsalita malapit sa tainga ni Devon at napatalon naman ang huli sa sobrang gulat)

DEVON: Ano ka ba? May balak kabang patayin ako? (sabay hawak sa kanyang dibdib para mapabalika ng normal na heart beat ng kanyang puso) Kanina ka pa ba diyan?

SAM: Ano nga yung makikita ko? (pagpipilit nito)

DEVON: At what made you think na ikaw ang tinutukoy ko?

SAM: You just said Concepcion! (inosente nitong inulit ang kanyang narinig)

'Ayy! Oo nga pala! ANG TANGA MO TALAGA DEVZ' she thought.

DEVON: Wala iyon! (sabay iwas ng tinggin)

Napangiti naman si Sam dahil sa biglang pagbublush ng kausap. 'Nahihiya rin pala ito!' ang sabi ng isip niya about Devon. Unti unti siyang lumapit dito habang si Devz naman ay paatras ng paatras hanggangsa wala na siyang maatrasan. Nakorner na siya nito at ang nakakakaba pa ay silang dalawa lang ang andoon. Hindi niya magawang tingnan ng deretso si Sam kaya naman napatitig na lang siya sa sahig.

SAM: Ngayon ko lang narealize… maganda ka pala!

Was she suppose to take that as a compliment or a criticism? ‘Loko ‘to ah! Ngayon lang niya narealize’ she thought.

DEVON: Of course I am. After all these year, ngayon mo lang naisip yan? How slow Samuel! (nanumbalik ang kanyang lakas ng loob, ganoon talaga siya pagnaooffend; tumatapang)

SAM: Alam mo mas bagay yung kaninang ikaw!

DEVON: What do you mean?

SAM: Bagay sayo yung Devon na bigla-biglang magbublush at hindi makapagsalita, mas nagmumukha kang babae (pagkatapos manginsulto ay napalakas ang paghalakhak nito)

Hahampasin na sana ng dalaga si Sam pero napigilan niya ito. Siguro isang miracle na nahasa siya nito pagdating sa pag-iwas sa mga sampal at suntok. Nakatitig pa rin siya dito habang mahigpit pa rin ang kanyang hawak kay Devon.

SAM: Hindi bagay sayo pag ganyan ka… mukha kang amazona at sa paningin ko tuloy ang laki-laki ng mga muscles mo! (mas worse pa to sa unang insulto! Patuloy si Sam sa pagtawa habang hindi makawala si devon sa pagkakahawak niya)

DEVON: Bitiwan mo nga ako! Sam! Bitiwan mo ako!

SAM: Ayoko nga! Make me! (paghahamon nito)

But she’s not the type of person to back down from a challenge. At may naisip siyang paraan para mabitawan na rin. Sinipa niya ng napakalakas si Sam sa tuhod. At hindi siya nabigo… binitiwan na rin siya nito.

SAM: Sh…t! HEY! Ang sakit nun ah!

DEVON: Buti nga sayo! (sabay belat dito)

‘I like it when you do that’ Sam thought kahit na sobrang sakit pa ng tuhod niya.

SAM: I’ll pick you up at 6!

Nagtaka naman si devon sa sinabi ni Sam. What 6? May event ban a hindi niya alam?

DEVON: What? Anong 6?

SAM: Sa Thursday ano pa ba?

DEVON: May event ba tayo sa Thursday? SMB kaya… (napatulala siya nang mabagal na nagproseso ang impormasyon sa kanyang utak) Are you inviting me? (hindi pa rin siya makapaniwala, akala kasi niya magisa siyang pupunta sa ball)

SAM: Hindi ba obvious? We’re a love team! Expected na dapat magkasama tayo dun!

‘Oh! So napilitan ka nanaman!’ sobrang disappointed siya sa sarili for expecting. At least he’s going with her… not with Coleen.

DEVON: Okay na rin ‘to (mahina niyang sabi morelike to herself)

SAM: Huh? Anong sabi mo? (narinig pala ito ni Sam)

Subalit hindi na nakasagot  si Devon dahil nagsimula nang pumasok ang iba pang GV crew. For 2 hours ay very tiring ang kanilang practice… pawis na pawis ang lahat kahit naka-aircon ang room at hindi lalagpas sa 5 minutes ang water breaks nila. Napaka-strict ng kanilang practice. Nang mabigyan sila ng 15 minutes break ay sinamahan ni Devon sa CR si Lynn. Paglabas nila ay nagulat silang dalawa dahil andun nakatayo si Ivan. At parang gusto nitong kausapin si Devon.

LYNN: Maiwan ko muna  kayo! (at nang makaalis na ito ay nagsimula na si Ivan)

IVAN: Best! Will you be my partner sa Ball? (hindi niya mawari kung ngingiti o magmumukhang seryoso in front of his best friend)

DEVON: (She felt very sorry for her best) Sorry… partner ko na si Sam eh!

Kahit na rejected ay Ivan still found the way to act cool. Perhaps para na rin hindi niya maramdaman ang sakit na kanyang nadadama.

IVAN: There’s no harm in trying naman Best, di ba? I thought hindi ka yayayain ni Sam eh!

DEVON: Bakit dahil gusto niyang partner si Coleen? (malungkot niyang tanong)

IVAN: No! (bigla naman ito nagtaka kung bakit biglang nag-appear ang pangalan ni Coleen) Kasi sabi ni Mr. M na we can invite anyone we want to be our partner regardless of any loveteams! Pwede kasing hindi mo love team ang partner mo!

Bakit ganun na lang ang panlalamig ni Devon… hindi nanaman normal ang kanyang heart beat and the only face she could see was Sam’s.

DEVON: Pero niyaya pa rin niya ako!

Nakabalik na sila at nang pumasok na si Devon sa loob ay sakto namang napalingon si Sam sa direksyon niya. Sa paningin niya ay silang dalawa lang nanaman ni Sam sa loob at napapalibutan sila ng mga bulaklak. Time stopped and she thought her breathing also stopped.

‘Sam… I’m sorry… I think I’m falling further and further in love with you’

1 comment:

  1. ahhhhhhhhhhh kilig to d bones!!! can't wait 4 d next chapter ^_^

    ReplyDelete