Masama ang chismis, lalo na pag hindi aware ang isa o both parties. Pero in the situation they are in, hindi na lang nila inisip na masama pagchismisan ang bestfriend nila. It's a matter between life and death... for Lynn and Heidi of course.
LYNN: Sayang wala ka kahapon... you missed out on a very shocking sight!
HEIDI: Wag mo na nga akong bitinin... ano ba ang nangyari?
LYNN: Shit! Iniisip ko palang kinikilig na ako (exaggerated na sinabi)
HEIDI: Have mercy Lynn! Tell me na! (anxious naman si Heidi na malaman)
LYNN: Kasi ganito yun, nagaaway nanaman ang SamVon kagabi. We played spin the bottle, (huminto muna siya para sa onting suspense) natapat sa kanilang dalawa! (sabay tili… at na-carried away na rin si Heidi)
HEIDI: Nagkiss sila? For real? (Tila hindi makapaniwala sa mga naririnig)
LYNN: Eto pa, tanggi ng tanggi si Devz, naasar na ata si Sam kaya hinawakan niya yung mukha ni Devz at hinalikan! Shit talaga! (she cursed sa sobrang kilig)
HEIDI: Weh… as in! Bwiset talaga yung ate ko, nang dahil sa kanya wala ako kahapon… bwiset talaga! Ano nga palang ginawa ni Devz? For sure may ginawa yun
LYNN: hahha… kakaloka talaga yun. Ang lakas ng loob… after ng kiss sinampal niya si Sam nang super super lakas… Feeling ko nga hanggang ngayon bakat parin kamay niya sa mukha ni Sam eh
Tumili si Heidi at sinabayan naman iyon ni Lynn ng malakas na pagtawa. Napahinto sila nang biglang bumukas ang pinto ng dressing room. At nagbuntong hininga after… out of relief.
HEIDI: Bakit ganyan ang face mo? Ang haggard mo Devz (concerned na tanong sa kaibigan)
LYNN: Hahaha! alam ko na! hindi yan nakatulog kagabi... (tumingin bigla nang parang may alam kay Devon)
DEVON: Tumigil na nga kayong dalawa. I woke up at the wrong side of the bed! Kaya wala ako sa mood!
HEIDI: Okay na Devz… You don’t need na ikwento pa sa akin ang mga nagyari kagabi… nagawa na ni Lynn (sabay tawa)
Tumingin ng masama si Devon kay Lynn, as much as possible ay gusto na niya iyong makalimutan. Sinasabi nga niya sa sarili na isang malaking nightmare lang ang lahat… pero seeing Lynn’s mischievous smile brought her back to reality.
Tama nga ang sinabi ng kaibigan, hindi talaga siya nakatulog kahit ano mang gawin niyang pag-ikot sa kama. Hindi nga niya maintindihan eh, baka dahil iyon sa sobrang pagkainis kay Sam sa ginawa niya. O baka… sa sobrang kilig? Mas lalong na-BV si Devz nang maisip ang kilig-kilig thing na yan.
DEVON: Please don’t make me remember!
May sasabihin pa sana ang dalawa niyang kaibigan nang biglang pumasok na sa loob ang make-up stylists. Sobrang pasasalamat ni Devon na sa wakas may tao na rin aside from the three of them. This way ay hindi muna mapaguusapan ang issue niya with Sam.
STYLIST 1: Hi Devz, Lynn and Heids… (sabay hug sa tatlong mga artista)
STYLIST 2: What happened Devz? Bakit ganyan ang mukha mo today? Puyat ka ba?
Before pa makasagot ay inunahan na siya ni Heidi.
HEIDI: Yes ate… you wanna know why?
Tiningnan naman siya ni Devon ng masama at nahalata ng mga stylist na may underlying meaning sa mga sinabi ni Heidi.
STYLIST 3: Why?
Kinabahan agad si Devon… kasi naman baka biglang sabihin nila Lynn at Heidi ang nangyari between Sam and her. Pag nagkataon yun ay ma-iissue sila at baka wala na siyang takas sa misconception ng mga tao na lovers nga sila ng ka-love team. Kaya naman… she changed the topic.
DEVON: (tawa muna ng malakas) Kamusta nap ala kayo mga ate?
STYLIST 2: Hay okay naman kami girl…
STYLIST 1: Pero ah, concerned ako sa isang taong nakasalubong ko kanina…
LYNN: Sino? Bakit?
STYLIST 3: Ay naku, kung nakita niyo lang si Sam kanina. Parang may something sa pisngi niya eh… d ko nga madistinguish kung pasa o sampal eh…
Nabigla naman si Devon sa narinig. Biglang nagkatinginan sina Lynn, Heidi at Devon. Hindi mabasa ang mukha ni Devon habang pinipilit ng dalawang babaeng pigilan ang paghalak-hak.
Devon thought that lagot na lagot na siya kay Sam. Kilala niya ng lalaking iyon, hindi nito papalagpasin ang kahit ano… lalong-lalo na ang pananampal nito sa kanya. Napamura si Devon in her thoughts. Naisip din niyang nababagay na rin iyon kay Sam, after all the things he did. Big deal kasi sa kanya ang kanyang first kiss—wait!—oo nga pala first kiss na niya si Sam. Pero she doesn’t regard that as her first kasi naman for their teleserye iyon. Walang feelings… lahat-lahat ay scripted. Kaya sabi niya sa sarili na ang REAL first kiss niya ay dapat off-screen; walang mga camera, walang director na magdidictate at walang script. Pure feelings lang lahat.
Lagi nga niyang pinagprepray na sana si Ivan ang first kiss niya… pero to her disappointment ay si Sam parin. Pero sa mga nangyari kahapon, kahit na ideny niya ay may onti… kahit onting feelings for her love team.
……………………………………………………
DEVON: Shit! Andun nga pala si Ivan noh! (bigla niyang sinabi out of nowhere) Nakita niya ang lahat… nakakahiya! (gustong-gusto na niyang umiyak)
Kasalukuyang naghihintay siya ng airing time ng ASAP sa loob ng dressing room. Hindi na talaga niya alam kung anong gagawin. Ngayon lang niya napagtanto na nakita ni Ivan ang lahat.
DEVON: Sam... I hate you!
All of a sudden, biglang pumasok si Sam sa loob. Nang makita ang lalaking lubos niya kinasusuklaman ay nagdilim ang kanyang paningin. Agad-agad siyang tumayo at lumapit kay Sam.
SAM: Look what you did! (sabay turo sa pisngi) Mabuti natakpan pa ng concealer kundi...
DEVON: Kundi sasampalin mo din ako? Bakit mo ginawa yun? (galit na galit niyang tinanong)
SAM: Dare mo yun pero I did you a favor kaya ako nalang ang humalik! (pagrereason out nito)
Pinipigilan lang talaga ni Devon ang sarili... baka madagdagan pa niya ang marks sa mukha ng kaharap.
SAM: at alam ko namang hindi mo kayang gawin yun eh... wala ka kasing lakas ng loob! Duwag!
Tila nabingi si Devon nang marinig ang word na "duwag"! Siya ang tipo ng babaeng super competitive. She won't accept any word associated with cowardice.
DEVON: Ano? hahaha. Akala mo di ko kaya ah!
Bigla niyang hinila ang collar ni Sam, leading for him to face her super closely. Nagulat talaga si Sam... hindi niya ineexpect ang ginawa ni Devon.
SAM: Kiss me (ma-authoridad nitong sabi)
Before pa makareact si Devon ay nag-gulantang sila nang biglang bumukas ang pintuan. Tumambad sa kanila ang gulat na gulat na mga mukha nila Luis Manzano, Billy Crawford at Vhong Navarro. Kitang-kita nila ang mala-lovers na posisyon ng SamVon; Devon's hand on Sam's collar, Sam's left hand on her waist at ang magkalapit na mukha ng dalawa.
Nagblush sila Sam at Devon before maghiwalay.
VHONG: Turn niyo na kasi kaya... sorry nakakaistorbo ata kami
(awkward na sinabi ni Vhong)
BILLY: Hormones!
LUIS: Huli kayo! (sabay ngisi)
hehehehe...awkward naman pero kilig!!!hayzzzz...sana laging may update...
ReplyDeleteayan huli tuloy hahaha
ReplyDeletenext na plzzzz
ReplyDelete