Monday, August 1, 2011

Crazy, Stupid Love (3)

Nag-start na ang practice pero hindi pa rin kumpleto ang mga artista na magpeperform sa production number sa ASAP. Nakatambay sa corner ng kwarto sila Sam, Robi, Aaron at Enrique habang naghihintay nang sumigaw na si Teacher Georcelle.

TEACHER GEORCELLE: We’ll start practicing na.

Napatayo naman ang lahat sa pagkakaupo pagkatapos nitong magsalita. Takot kasi sila sa choreographer. Mabait naman ito, pero pag asa loob na siya ng practice room ay nagiiba na ang ugali.  Laging sumisigaw at nagagalit, totally different from the Georcelle they know outside.

LYNN: Heids, paano yan wala parin si Devon? (nagaalalang tanong sa kaibigan)

Hinarap naman ni Heidi si Sam na katabi niyang nakatayo. Nagtatawanan ang mga boys kasama na si Sam at nakahalata siya na parang hindi worried ito sa ka-love team.

HEIDI: Sam, tinawagan mo na ba si Devz? Bakit kaya late siya?

SAM: I’m not my ka-love team’s keeper! (cold nitong sagot bago nakipagtawanan ulit kela Enrique)

Asar na asar na humarap si Heidi kay Lynn. Best friend nilang dalawa si Devon, at hindi rin linggid sa kaalaman nila ang totoong namamagitan sa dalawa. Naisipan na nga nilang ibuko ang dalawa dahil sa sobrang pagkainis kay Sam pero hindi nila magawa dahil sa respeto nila sa kaibigan.

HEIDI: Bwiset talaga yang Sam na yan! Kung ako lang ang masusunod ay sa iba ko nalang ipapareha si Devz. Bwiset talaga!

LYNN: Bakit ba ganoon sila ni Devz kung magbangayan? Daig pa ang aso’t pusa!

HEIDI: Ang weird nga nila eh! Pero parang may nafefeel ako… (pabulong na sinabi kay Lynn)

Dahil sa sobra pagkacurious ni Lynn ay hindi niya namalayan na naguumipisa na pala ang iba sa pagsasayaw. Halos mangiyak-iyak sila ni Heidi ng pinagalitan sila ni Teacher Georcelle.

TEACHER GEORCELLE: Ano ba yan, Lynn and Heidi? Umayos nga kayo! Nagmamadali na nga tayong matapos to then nagchichismisan pa kayo. Wake up girls!

Napatango nalang ang dalawa sa sobrang takot. Nasulyap naman ni Heidi sa corner ng kanyang mata ang pagngisi ni Sam sa nangyari sa kanila. Pabulong itong nagmura at ipinukol na niya ang atensyon sa sayaw. Makalipas ang ilang minute, biglang dumating na ang hinihintay nila!

TEACHER GEORCELLE: Devon! You’re so late! (seryoso nitong pagsasaad)

Hingal na hingal naman si Devon na yumuko at nagsorry. Nginitian niya ang kaibigang choreo at hindi na ito nagsalita pa. Kasundo kasi niya halos lahat sa showbiz, minsan nga ay nakakatakas siya sa mga alanganing sitwasyon sa pamamagitan ng kanyang sobrang sweet na smile. Nagpa-break muna ang choreo para na rin makapaghanda si Devon. Lumapit naman sila Lynn at Heidi sa kaibigan after umalis ni Teacher Georcelle.

LYNN: Bakit ka ba late?

Akmang magsasalita na sana si Devon nang pinigilan siya ni Heidi.

Heidi: Wait! Let me guess (masaya nitong sinabi)… natanghali ka ng gising no! (napatawa naman si Lynn)

DEVON: Yes. Pero hindi sana ako malelate kung hindi dahil sa iba dyan! (tila nagpaparinig ito nang dumaan si Sam malapit sa kanila)

Nag katinginan sila ng sandali, habang galit na galit siya ay nakangiting umalis si Sam. Napabuntong hininga nalang siya nang ibinalik sa mga kaibigan ang atensyon.

DEVON: Tumawag yang gagong yan sa akin kagabi. Sabi niya nagbago daw sched natin ngayon, eto naman ako naniwala!

HEIDI: Kaya pala kanina ang saya saya niya! (pagrerecall ni Heidi)

LYNN: Bakit ba ganyan kayo? Love team kayo, dapat nga welfare ng isa’t isa ang iniisip niyo eh… pero imbis na ganon ay downfall ang iniisip niyo!

DEVON: Gaganti ako, antayin niya lang!

Isang oras nang sumasayaw non-stop ang GV crew nang may kumatok sa pinto ng rehearsal room nila. Nagulat sila nang tumambad sa kanila ang pilyang ngiti ni Iya Villania, kahit nga ang Teacher Georcelle nila ay nagulat.

TEACHER GEORCELLE: Hey, Iya! Why are you here? (nakipagbeso-beso muna ito bago pinaupo ang bisita)

IYA: Umm… wala lang… napadaan lang ako eh! I decided to watch your practice na lang… at papanuorin ko ang favorite love team ko eh… (napatawa ito sa mga sinabi)

Nagkatinginan naman sila Devon at Sam, para bang nagkausap sila sa pamamagitan ng mga tingin at dahan dahan na lumapit si Sam sa ka-love team niya. Ipinulupot nito ang kamay sa beywang ni Devon at napangiti ng napakalaki kay Iya.

SAM: Iya, nakakahiya naman! (nagaaalangang sinabi ni Sam)

DEVON: Oo nga… wag ka na lang manuod. Sama ka nalang sa sayaw namin! (sweet na pagaanyaya nito)

Lubos namang natuwa si Iya sa kanila, natouch din ito sa sinabi ni Devon na sumali na lang sa practice nila. Passion talaga niya ang pagsasayaw at hindi na rin niya pinalagpas ang pagkakataon. Mabilis itong tumayo at hyper na yumakap kay Devon.

IYA: You’re so sweet talaga! (at tumingin naman ito kay Sam at sinabi) Ang swerte mo kay Devon!

Bigla namang naalala niya ang ginawa ni Sam na pagsisinungaling kanina. Naasar ito pero  hindi niya pinahalata kay Iya. Nagulat nalang siya nang nakita ang mala-anghel na pagngiti ni Sam.

SAM: I know… sobrang swerte ko sa kanya 

Biglang nakaramdam ng pagkakilig si Devon sa nakita. Kahit na kilalang-kilala niya si Sam saa pagiging mapangasar towards her ay iba ang ngiti nito kanina. May truth at honesty... pero hindi na niya ito pinansin.

................................................................................................................................................................

Nasa dressing room sila Devon, Lynn at Heidi nang tumawag si Ivan sa best friend.

IVAN: Hey DEvz! How are you na?

Bigla namang kinilig si Devon at nahalata na rin ng mga kaibigan niya kung sino ang tumawag. 

HEIDI: Si Prince Charming yan! Promise!

LYNN: Tingnan mo naman ito (sabay turo kay Devon).. sobra naman ang pagkakilig!

Hinayaan nilang makapagusap ang dalawa, umalis muna sila Lynn at Heidi sa dressing room para na rin sa privacy na kailangan ni Devon.

IVAN: Gusto mong labas tayo?

DEVON: Sige... go ako dyan!! saan tayo? (masigla niyang pagtatanong)

IVAN: Kain lang kahit saan...  excited na akong makita ka!

Halos mapatili-tili na sa kinauupuan niya si Devon. Alam niyang kaibigan lang ang tingin sa kanya ni Ivan pero umaasa pa rin siyang sa tuwing magkasama sila ay marealize na rin niyang may feelings siya for her.

IVAN: And don't forget to bring Sam along

Biglang nagbago ang timpla ng mukha niya. Ang akala niya ay silang dalawa lang, pero to her dissappointment ay kasama pa ata ang ibang cast members ng GV... mas nakakalungkot pa at kasama si Sam. Gustong-gusto niyang bawiin ang oo pero naisipan niyang baka magtampo ang best friend niya.

DEVON: Sige na nga!

Binaba na rin niya ang phone after magpaalam ang kausap. Napabuntong hininga siya at napatulala na lang sa ceiling.

DEVON: Kung alam mo lang... mahal na mahal kita! (Napapikit na lang siya )

Meanwhile, without her noticing, ay may nakikinig na pala kanina kanina pa sa usapan nila ni Ivan. Sam clenched his fist when he heard her say na mahal na mahal niya si Ivan. Bigla nalang itong umalis at napakamot ng ulo.

SAM: Mahal ah... tingnan nalang natin! (pabulong niyang sinabi)

No comments:

Post a Comment