Sunday, July 31, 2011

Crazy, Stupid Love (2)

Paano nga ba nabuo ang Samvon?

Nadiscover si Devon Seron ng isang talent manager sa isang runway show. Oo, nagmomodelo ito bago pa mapapasok sa showbiz. Agad siyang kinuha ng ABSCBN at sinali sa isang teen oriented show, ang Shoutout. Sa mismong show na iyon ay isa sa mga main hosts si Sam Concepcion, ang very multi-talented na singer. Kakaiba ang charisma ng dalawa nang ipagsama sila sa isang prod number. Sa bawat tinginan nila ay nakakahalata na ang iba na may something na sila. Mas lalong tumibay ang mga hinala nang sa di inaasahang pagkakataon ay nahulog sa stage si Devon at sinalo naman ito ni Sam. Ever since nun ay nagkaroon na sila ng loveteam, ang SamVon.
…………………………………………………..
That day, maraming nagaabang sa paglabas nila Sam at Devon mula sa ABSCBN building after ng The Buzz interview nila. Nakahawak si Devon sa braso ni Sam nang magpakita na sa mga tao. Pinutakte agad sila ng mga showbiz reporters na naguunahang makakuha ng interview. Patuloy pa rin ang pagngiti ni Devon kahit na nasisilaw na siya sa flash ng mga camera. Hindi nga naman maganda na may litrato kang panget sa cover ng isang magazine. Napahinto sila para paunlakan ang isang reporter.

REPORTER 1: Anong masasabi niyo sa patuloy na pagsuporta ng mga tao sa inyong love team?

Nagka-eye contact ang dalawa at sabay silang tumawa. Napabilis naman ang tibok ng puso ng reporter nang makitang ipinulupot ni Sam ang kamay niya sa beywang ng ka-love team. Nakangiting sumagot ng sabay ang dalawa.

SAMVON: Super happy and very thankful kami na mahal kami ng mga tao!

Pagkatapos ng maikling panayam ay nagpatuloy na ang dalawa sa kotse ni Sam at tuluyan na ngang umalis. Naiwan naman ang mga reporters na bitin at hindi contented sa maikling sagot ng dalawa. Pero hindi  nila maitanggi na naramdaman nila kahit sandali ang “Samvon Effect”. Isang effect na nararamdaman tuwing magkasama ang dalawa. Hindi man happy ang lahat ay wari’y okay na sa kanila ang mga nakuha kaysa naman sa wala. Subalit may isang paparazzi ang hindi umalis sa kanyang kinatatayuan. Nakayuko siya at nakangisi. Tingnan niya ang nakuhang litrato nila Sam at Devon at pabulong na sinambit ang pangalan ng love team.

PAPARAZZI: Mapapatunayan ko ding peke kayong dalawa! Antayin niyo lang!
………………………………………………………………………………..

Tahimik na binabaybay nila Sam at Devon ang EDSA nang biglang buksan ni Devon ang radio ni Sam. Napatingin ito sa kanya nang masaktong kay Dr. Llove ang naabutan nilang radio show. Pinagbigyan nalang niya ang kasama at hindi na nagreact. Pagod na kasi siya at ayaw na muna niyang makipagtalo dito.

DR. LlOVE: Okay, we have another caller for this evening. Hello, What’s your name?

CALLER: Sid po! (sagot from the other line)
DR. LOVE: And what’s your love problem, Sid?

CALLER: Uhmmm… sa school po ay may lagi akong inaasar na babae. Gustong gusto ko po siya kaya binubully ko na lang po para mapansin ako. Pero problemado po ako about her growing hatred sa akin. Paano ko po masasabi sa kanya na gusto ko siya kung Makita lang niya ako ay nagbabago na ang timpla ng mukha niya?

Napabaling tuloy si Sam ng tingin kay Devon. Mabilis ang tibok ng puso niya sa hindi malaman-laman na dahilan. Wari’y may isang parte ng utak niya ang nagsasabing ‘Hoy! Pareho kayo ng sitwasyon oh!’ Pero nabalik siya sa wisyo nang sumigaw si Devon.

DEVON: Ano ba, Sam? Ayusin mo nga yang pagmamaneho mo, pag tayo nabangga ah!

SAM: Uhh… S…Sorry! (nauutal na sinabi ni Sam)

DEVON: Dapat pala hindi na lang ako sumabay sayo. May balak ka pa atang patayin ako eh!

Patuloy pa rin sa pagtalak si Devon habang naririndi naman si Sam sa kanya. Nakumbinsi naman niya ang sarili na imposibleng may maramdaman siyang espesyal sa brat na kasama. Inantay niyang tumigil ito pero hindi na siya naka-tiis.

SAM: Devon, stop!

DEVON: Stop? Eh muntikan na ako dun eh. Kung gusto mong magpakamatay sa susunod, magisa ka! Wag mo akong idamay… marami pa…

Hindi na naituloy ni Devon ang sasabihin nang biglang huminto si Sam sa tabi.

DEVON: Ano ba? Bakit ka biglang huminto?

SAM: Napipikon na ako sa iyo! (biglang sigaw ng binata)

DEVON: At ikaw pang may ganang magalit!

Subalit, hindi na nakasagot si Sam dahil tumunog bigla ang phone ni Devon. Sa mukha palang ni Devon ay alam na niya kung sino ang tumawag. Isang tao lang naman ang nakakapagpa-ngiti sa brat niyang ka-love team nang ganito.

DEVON: Hello!

IVAN: Hey Devs… I saw your interview. Nakakakilig talaga kayo ni Sam? Kasama mo siya ngayon?

Napasimangot naman si Devon nang marinig ang mga sinabi ng  kausap. Matagal na kasi niyang crush si Ivan pero maka-Samvon naman ito. Best friend niya si Ivan, gawa na rin iyon siguro ng lagi nilang pagsasama sa parehong runway shows. Pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na sana… kahit kaonti ay may nararamdaman ito sa kanya.

DEVON: Yes. Bakit?

IVAN: Well, nothing really.  Just checking on my best friend.

DEVON: Sinong best friend? Siya o ako? (halos galit na tanong niya sa kausap)

IVAN: Syempre ikaw, Devz! Sige bye na! Take care!

Nagpaalam na si Devon at binaba ang phone. Nahalata naman ni Sam ang biglang pagtahimik ng kanina pang maingay na kasama.

SAM: Si Ivan ba yun?

DEVON: Ano naman pakialam mo? Asan na nga pala tayo… hindi pa ako tapos!

Wari’y mas lalong napikon si Sam at hindi na lang pinakinggan si Devon. Lagi silang ganito pag silang dalawa  lang. Magiisang taon na ang love team nila pero hindi pa rin siya sanay sa katambal… wala naman atang masasanay sa kaartehan nito. Pag kaharap ang ibang tao ay parang magkasundong magkasundo sila. Hindi lang nila alam na matagal nang gustong magpatayan ang favorite love team nila.

1 comment:

  1. next chapter pls .. ang cute nito :)
    kakaiba .. aabangan ko tlga toh :)

    ReplyDelete