It was another TV guesting sa The Buzz. Magkatabi si Sam and Devon habang nasa harapan nila si Tito Boy. Naguusap silang tatlo at halata ng mga studio audiences na natutuwa ang host sa dalawa. Napapahalak-hak si Tito Boy sa ikinukwento ni Devon habang naaawa naman ang mga tao kay Sam tuwing hinahampas siya ng ka-love team. Nang magsignal na ang direktor kay Tito Boy ay hindi nito maitago ang saya sa mukha. At nagsimula na siyang magsalita sa camera.
Tito boy: At nagbabalik tayo ngayon with one of the country’s most in-demand love teams, SamVon!
Biglang umingay sa loob ng studio nang initroduce na ng host ang mga guests. Naghiyawan ang Samvon Bubbles nang kumaway sila Sam at Devon sa audience.
SAMVON: Good afternoon po, Tito Boy.
Abot tenga ang ngiti nila Sam at Devon, overwhelmed sila sa support na binibigay ng mga tao. Proof nun ay ang hindi mahinto-hintong hiyawan ng mga fans. Nakangiting tumingin si Tito Boy sa audience at sinimulan na niya ang interview with a personal comment.
TITO BOY: Mga kapamilya, I just want to share something about these two, because sa back stage kanina sobrang kinikilig kami ni Sharlene sa kanilang dalawa. One could never fail to notice na there’s really something. Natatanong ba sa inyong dalawa kung mayroon talaga kayong romantic relationship with the exception na love team nga kayo?
Nagsitilian muli ang lahat nang magsalita na si Sam.
SAM: We get that a lot, Tito Boy. Bagay daw po kami… and it feels good na people have that reaction when we’re together. We feel very appreciated.
Halatang-halata ang pagkakilig ni Tito Boy nang mahuli nyang nagkatinginan sila Devon at Sam. Kulang na lang ay tumalon ito sa kinauupuan.
TITO BOY: Tama nga sila… one thing that Sharlene and I proved today is that may chemistry nga kayong dalawa.
Nagblush naman si Devon sa mga papuri ng host.
DEVON: Thank You po… very flattered kami na isang Boy Abunda at Sharlene Gonzalez ang magcocompliment sa amin. Thank you po talaga.
TITO BOY: After two teen-oriented shows, napasama ang love team niyo sa isang dekalibreng teleserye, naging regular rin kayo sa ASAP, then the two of your starred in your first ever movie team up sa “The Love We Shared”, at ngayon ay magtatambal muli kayo sa isang pelikula. Please tell us something about your new movie.
Pagkatapos magtanong ni Tito Boy ay ngumiti siya na para bang may ibig sabihin kay Sam… napatingin naman si Sam sa ka-love team na napatigil sa kakatawa nang marinig ang tanong.
SAM: Ladies first!
Wala nang nagawa si Devon nang pinut up siya sa spot ni Sam. Sandali siyang tumingin ng masama sa katabi at mabilis ding ngumiti sa audience.
DEVON: Compared po sa last movie namin which was a romantic comedy, eto pong bagong pelikula ay more on the deeper meaning of love
TITO BOY: Heavy drama ba ito?
SAM: Yes Po.
DEVON: Christine is very similar to me. Parang what you see in me right now, is what you’ll get from her. Actually po, si Sam ang sobrang different from his role
SAM: Napakalayo po talaga. Adam is the naughty boy-next-door at wala siyang boundaries. Totally different po talaga.
Isang tanong ang nakapagpatili sa buong studio.
Isang tanong ang nakapagpatili sa buong studio.
TITO BOY: May kissing scene ba?
SAM: abangan na lang po nila (nagblush)
SAM: abangan na lang po nila (nagblush)
TITO BOY: Yung totoo… nakailang take kayo?
DEVON: wala po… Tito Boy
TITO BOY: kasi sabi ng isang reliable source ko ay nakarami daw kayo ng take sa isang kissing scene! How was Sam’s kiss, Devon?
Hindi magumapaw sa kakatili ang mga fans ng Samvon. Nafocus ang camera sa nagbablush na mga mukha nila Sam at Devon. Tila nagdadalawang isip si Devon kung anong isasagot sa tanong. Matagl rin siyang nakayuko at sa kinalaunan ay nakapagsalita na rin habang may malaking ngiti sa kanyang labi.
DEVON: Nakakakilig po!
Amidst all the noise, may narinig silang comment ng isang baklang fan.
FAN: Hindi ko na kaya! Mababaliw na ako sa sobrang kilig!
Napatawa ang lahat ng mga tao sa narinig. Napahampas tuloy sa Devon sa braso ni Sam, hindi naman alintana ng lahat ang masamang tingin nito sa dalaga.
TITO BOY: May possibility bang ma-in love kayo sa isa’t isa?
SAM: I think may chance… because Devon and I enjoy each other’s presence very much. Devon’s fun to be with. She’s pretty much every guy’s dream of a perfect girl.
Mas lalong kinilig ang lahat nang bigla biglang kinurot ni Sam ang pisngi ni Devon. Halos mahimatay na ang lahat sa kasweetan ng dalawa.
DEVON: Why not! Napakasweet po nitong si Sam. Di ba Sam?
Ginantihan ni Devon ang pagkurot sa kanya ni Sam sa pamamagitan ng pagakbay dito at pasikretong kinurot nang napakasakit ang tagiliran, napa-talon si Sam sa sobrang sakit. Wala namang nakahalata na nagkakasakitan na ang dalawa, sa isip nila ay kiniliti ni Devon si Sam.
TITO BOY: After nga ng interview na ito ay ipapacheck ko ang heart rate ko! (pagbibiro ng host) Okay, please plug your shows na, Samvon! (patawang sinabi ni Tito Boy)
DEVON: Please support our new movie, “Serendipity” showing na po next week sa lahat ng cinemas. At premiere night rin po namin this Friday sa SM Megamall… 7 pm po.
SAM: And please do continue to support and watch our shows; ASAP every Sunday, Good Vibes Season 2 after ASAP and tunghayan niyo po ang last week ng “Pangako Ikaw Lang” sa primetime bida… after TV PATROL.
TITO BOY: Self confessed SamVon na ako! (napahalakhak ulit ito) Magbabalik ang…
SAMVON: The Buzzz!!!
DIREK: and… cut! Good job everyone!
Tumayong nakangisi si Tito Boy at kinamayan ang dalawa niyang bisita. Nagusap pa silang tatlo habang pababa sa stage, nagpaalam si Tito Boy at hindi pinalagpas ang pagkakataong sabihin sa dalawa na:
TITO BOY: Bagay na bagay talaga kayo!
Nagtatawanan sila Sam at Devon on their way sa kani-kanilang dressing rooms. Lahat ng taong makasalubong nila ay napapangiti at kinikilig sa kasweetan ng dalawa. Pumasok si Sam sa dressing room ni Devon at nang makita nila na silang dalawa lang ang nasa kwarto ay napatingin si Devon kay Sam.
DEVON: Bagay tayo? Nakakadiri naman!
Hindi na nagulat si Sam sa biglang pagbabago ng ugali ni Devon. Tuwing silang dalawa lang kasi ay lagi itong mataray at galit. Kaya natuto na rin siyang lait-laitin ito, para lang may masabi. Para silang aso't pusa kung magaway.
SAM: Nakakadiri? Akala mo bang hindi ako nandidiri sa tuwing kelangan kong magpanggap na gusto kita?
DEVON: di ba totoo naman? Gusto mo ako!
(sabi niya habang nakapamewang ang mga kamay)
SAM: Oo nga pala noh. Gustong gusto kita kaya nga nang-gagalaiti ako tuwing nakikita kita! Thanks for reminding me ha!
Nagdilim ang paningin ni Devon sa mga narinig. Hindi na niya macontrol ang nadarama at bigla-bigla nitong hinampas ng malakas si Sam.
SAM: Ouch! Ano ba?
Pinagpatuloy pa rin ni Devon ang paghampas sa binata. Hindi siya huminto kahit na pinipilit ni Sam na pigilan ito. Nang mapagod ay huminto na rin sa wakas si Devon. At narelieve si Sam.
SAM: Pulang pula na ang braso ko!
DEVON: Get out!
SAM: Paano kung ayaw ko? (pangiinis ni Sam)
DEVON: Gusto mong paduguin ko yang braso mo? GET OUT!
No comments:
Post a Comment